Chapter 3
HUMINTO ANG sinasakyan kong tricycle sa isang napakataas na building. Napatingala ako sa taas niyon. Napalunok ako ng aking laway dahil sa kabang aking nararamdaman. Hindi yata nakakahiya na bigla na lamang akong susugod sa lalaking iyon? Lalo na sa isang sikat pa na kompanya sa lugar namin ang pinuntahan ko. Huwag na kaya akong tumuloy? Umuwi nalang ako?
"Ano ija? Bababa ka ba or mananatili na lamang tayo rito at tititigan mo lamang iyang gusali papunta sa'yo? Hindi pupunta 'yan sa'yo isang tingin pa nga lang siguro sa'yo tatakbo iyan papalayo kung may mga paa lang eh."
Inirapan ko ang matanda nang driver. Naku ang tabad rin ng dila ni Tatay. Matanda na nga, pumapatol sa bata. "Oh heto na po, bababa na. Ayan na po bayad. Walong piso salamat po sa paghatid."
Bumaba na ako. Hindi pa ako nakakalayo kumaripas na ang tricycle na dala nito. Umiling iling ako.
Humakbang ako papasok sa V club building. Andito narin lang ako, hindi ko na aatrasan ang lalakimg iyon. Kukunin ko na talaga sa kaniya ang two hundred pesos ko.
"Excuse me ma'am, do you have a appointment? " salubong agad sa akin ng isang naka-unipormadong babae nang makaapak ako sa loob ng building.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa niya. Kumunot naman ang noo niya. Lahat na yata empleyado dito sa building ay nakatingin sa akin.
"Ahm, y-yes. I have an appointment," agad jong sagot sa kaniya. Ayaw ko pa naman ang maka-agaw ng eksena, at mukhabg sa pagkakataong ito wala na akong ligtas pa. Lahat ng mga mata nila'y nakatingin sa akin.
"Meeting with who, ma'am?" Muling tanong nito.
Buti na lamang at alam ko kung kanino ang huilding na ito. Mabuti na at slight kong kilala si Cedrick kung hindi, mapapahiya talaga ako na wala sa oras. "Federilo Villaurel, yes he is."
Napangisi ako ng nakakaasar sa ka ilang lahat na siyang dahila upang sila'y ngumiwi. Narinig ko lang ang pangalan na iyon kanina sa telepono, habang kausap ko ang lalaking iyon na kung saan napunta ang load ko. At dahil sa malakas ang pandinig ko narinig ko ang pangalan ng lalaking iyon.
"Ahm. 2nd floor, room 1," pagbibigay inpormasyon sa akin ng kanilang sekretarya. Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis kong nilakad ang papuntang elevator.
Hindi dapat ako nagsasayang ng oras. Lalo na't naghihintay sa akin sina Medel at Angelo sa school. Ayon sa text sa akin ni Medel, pumunta daw kami ngayon doon sa school para gawin ang project namin at dadaanan ko siya sa kanila, samantala namang si Angelo nagpapasama sa gym, dahil mag-isa lang siyang nagp-practice doon ng basketball. Kungkaya't maaring bilisan ko.na amg kagagahan kong itong naisip.
Nang bumukas ang elevetor hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong lumabas ngat hinanap ang room 1 na sinasabi ng sekretarya kanina sa ibaba. Napatingin ako sa kaliwang banda at nakita ko ang room 1. Pwersagan kong binuksan ang pinto niyon at ganoon na lamang ang oanlalaki ng aking mga mata nang mabasa ang oangalang nakapayong sa lamesa niyon.
Isang lalaking nakatalikod sa akin ang sumalubong sa akin. Dahan dahan akong umatras papalikod, para hindi ako marinig ng taong iyon.
"Naku! C.E.O Federilo Villaurel? CEO?" naibulong ko, habang unti-unting humahakbang palabas.
Kailangan kong umalis dito. Siya pala ang C.E.O ng kompanya. Huhu! Nakabangga ako ng malaking tao. Papaalis na sana ako ng room na iyon nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"So? You are the girl whose desperate in 200 pesos, ha?" Narinig kong tanong nito kaya't napatigil ako sa aking pag-hakbang at napaharap sa kaniya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makilala kung sino siya.
"Ikaw?!" panabay na tanong naming dalawa. Si Cedrick Villaurel ang naka-upo sa swivel chair, at nagtataka ako kung kailan pa napalitan ang pangalan niya ng Federilo Villaurel?
"Okay, para matapos na ang pangyayaring ito. Ibigay mo na sa akin ang 200 pesos ko."sabi ko agad sa kanya. Nakita ko kung paano ngumisi ang mga labi niya at amuse na nakatingin sa akin.
Hinimas-himas niya ang kaniyang baba habang parang nag-iisip. "Grabe, pangit na nga napaka-desperada mo pa. Its just two hundred pesos, Ena. Bakit ka pa nag-aksaya ng oras para lang pumunta rito?"
"Hoy! Para sabihin ko sa iyo. Hindi ako desperada. Sadyang napa ka importante sa akin ang 200 pesos, at isa pa para sabihin ko sa iyo na ultimate heartthrob ka nga sa school pero ang yabang mo naman at ang sama ng ugali. Gwapo ka nga naman sana, kaso hindi gwapo ang pag-uugali mo," inis na inis kong sigaw sa kaniyang harapan. Samantalang siya chill na chill lang. Ang sarap hambalusin ng upuang nasa harapan ko, para mawala iyong nakaka-asar niyang ngiti. Feeling talaga C.E.O. Or, siya nga ba talaga ang C.E.O?
Umiling-iling siya habang may binubunot na kung anong bagay sa kaniyang bulsa. Napa-sunod naman ang tingin ko roon. Kita kong bunugit siya roon g limang daan na piso. Maya-maya inilapag niya iyon sa mesa saka tumingin sa akin. "Ayan, limang daan na iyan. Binigyan ko na ng interes ang dalawang daan mong load. Sana maging masaya ka na diyan. Umalis ka na," suplado niyang salsal sa akin. Inirapan ko siya.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Kinuha ko talaga ang five hundred sa mesa at ibinulsa. Ibinigay na niya, tatanggihan ko pa ba? Hindi naman ako maganda para maging choosy.
'Salamat," sabi ko sa kaniya sabay ngisi. Tumalikod na ako sa kaniya at papahakbang na sana paalis nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako at napatingin sa isang hindi katandaang lalaki na nakatayo roon. Nakasuot ito ng business attire, habang nakatingin sa aming direksyon ni Cedrick.
Lumakad ito papunta sa kinaroroonan ni Cedrick. Agad na tumayo si Cedrick nang makalapit ito sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig rito, "P-pa..." kandautal niyang tawag rito. So papa niya pala ito?
"What are you doing here?! And who is she?" Tanong nito sa anak bago bumaling sa akin. Bigla akong kinabahan dahil sa klase ng titig nito na nanunuot sa aking pagkatao. Nakakatakot ang anyo nito, parang sasakmain niya ako na wala sa oras.
Lumakad papunta sa akin si Cedrick at inakbayan ako. "Oh, she is Ena, Pa. My new personal nanny."
Tinitigan ako ng mabuti ni Mister Federilo sa aking mga mata. Parang nagtatanong siya kung totoo nga ba ang sinabi ng kanyang anak na si Cedrick. Magsasalita na sana ako, nang bigla akong hilahin ni Cedrick papalabas ng opisina na iyon.
"Sige pa, alis na po kami." paalam nito saka tuluyan na kaming nakalabas ng pinto. Agad kong binawi sa kaniya ang aking pulso na hawak-hawak niya. Huminto ako kaya't napahinto rin siya. Binigya ko siya ng isang napaka-samang tingin.
"Hoy! Ikaw! Anong sinasabi mong nanny mo ako ha?!"sigaw ko sa kanya.
"I don't think so. Basta kung ano sinabi ko iyon na 'yon." sabi niya na para bang walang kasalanan.
Nanlilisik ang aking mga mata saka namewang na nakatitig sa kaniya. "Cedrick Villaurel, para sabihin---"
"Cedrick. Come on my office now!"
Napatigil na lamang ako sa aking pagsasalita, nang biglang may sumigaw sa likuran namin. Si Mister Federilo! Dali-daling bumaling sa akin si Cedrick, saka nagwika. "Ena, kita tayo mamaya sa school. I need your help. Salamat."
Naiwan na lamang akong tulala habang pilit na pino-proseso ko sa aking isipan ang lahat nang kaniyang sinabi. "Si Cedrick manghihingi sa akin ng tulong, saka nagpasalamat? Weh? Di nga? Siya ba iyon, or baka ako lang ang nananaginip?Anong nakain ng walang modo na iyon? Bumait yata? Baka mamamatay na siya bukas kaya bigla siyang bumait? O, 'di kaya may ibang rason? Bahala na nga siya. Basta nakuha ko na ang two hundred pesos ko. Hay! Makakauwi na ako, at makakapunta sa school."
PAGKABABA KO ng tricycle na aking sinakyan galing V club ay nakita ko si Mama na abala sa paglilinis ng aming harden. Nginitian ko siya at tinanguan nang dumako ang paningin niya sa 'kin. Pumasok ako ng bahay, at nadatnan ko si Mesy na busy sa kagagawa ng kaniyang assignments.
"Hi, ate. Saan ka galing?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.
Ngnitian ko siya saka sinagot. "Diyan lang Mesy, may pinunatahan lang."
Umakyat na ako ng aking silid saka agaran na nagbihis. Kailangan kong mag-madali at baka mamaya mainip na sa akin si Medel sa kakahintay at hindi namin magawa ng maaga ang project. Baka hinihintay rin ako ni Angelo sa gym, oh my.
Nilukso ko ulit ang hagdan papalabas ng bahay. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akon ni Mesy. Nang makita ko si Mama na nasa harden parin, sumigaw ako sa kaniya dahil sa aking pag-da+dali.
"Ma, alis po muna ako ha. May project po kasi kami ni Medel. Kailangan lang naming tapusin ngayon sa school!" Sigaw ko saka nag-flying kiss siya ako sa kaniya.
"Osige, anak, mag-iingat ka ha."
Kumaway kaway ako sa kaniya. "Sige, 'ma. Kayo rin po rito.?"
Tumungo na ako sa hallway na dinaanan namin kahapon ni Angelo. Naiimagine ko na naman ang kagabi na kasama si Angelo. Haay! Sana maulit iyon. Sana.
Hindi masama ang mangarap. Ika nga sa kasabihan. 'Kung may pangarap may Pag-asa'. Oh di ba? May pag-asa ka para makamit ito. Unti-unti ko naring nakikita ang bahay ni Medel. Nakita ko agad siyang palabas ng bahay nila. Naka bihis narin siya. Tinawag ko siya, "Medel!"
"Pupunta sana ako sa inyo. Pero nandito ka na rin. Tutuloy ba tayo sa school para gumawa ng project?"tanong niya sa akin.
"Ooh, dahil hinihintay ako ngayon doon ni Angelo."sabi kong naka palawak ang ngiti sa labi. Halata naman ang pagkagulat ni Medel sa sinabi ko.
"Hinihintay ni Angelo? Angelo Dela Vega ba?"taka niyang tanong sa akin na nakakunot noo.
"Ooh, wala nang iba pa. Ang the one and only love ko."sabi ko na parang nag-de-daydream.
"Ha? Paano?"taka niyang tanong sa akin.
"Osige, ganito kasi yan. Iniwan mo ako diba kahapon dahil susunduin ako ni papa. Pero ilang minuto rin ang paghihintay ko kay papa hanggang sa tumawag siya sa akin na hindi daw niya ako masusundo dahil nasiraan siya ng jeep. Kaya nagpasya narin akong umuwi. At sa kalagitnaan ng daan biglang umulan. Hanggang sa may nagsalita sa likuran ko at siya na yun. Tapos nag-share pa kami ng payong. Doon kami nagsimulang magkaibigan kagabi. Hindi ko naman akalain na mabait pala siya. Kaya iyon."kwento ko kay Medel na habang naglalakad kami papuntang school.
"whaaaat!? Ang swerte mo naman Ena. Grabe! Ang bait nga nung Angelo. Nakakailig naman friend!"gulat na reaksyon ni Medel. Napailing lamang ako.
"Bilisan natin, baka naiinip na iyon."sabi ko sa kanya sabay hila sa braso niya at tumakbo.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa school. Nang makarating na kami sa main gate ay agad kong hinila si Medel papuntang gym.
"Ay, grabe te.! Excited? Atat! Masyado ha?."reklamo niya habang hawak-hawak ko siya sa kaniyang pulso. Pagpasok namin nang gym, bumungad sa aming dalawa ni Medel ang mag-isang naglalaro ng basketball si Angelo. Napatingin siya sa aming direksyon at ganoon na lamang ang pagka-lapad lapad ng aming ngiting dalawa nang nguniti siya sa amin.
Iniwan niya ang bola saka sali-daling lumapit sa aming dalawa ni Medel. Maging si Medel ay napatulala sa kagwapuhang taglay ni Angelo. Angelo is wearing a vartisy short and vatisy t-shirt, at ang cool niyang tignan sa suot niyang iyon. Hindi ko alam pero heto na naman ang puso ko, naghuhurumintado.
"Hi, Ena. Akala ko hindi ka na pupunta," ngiti-ngiti niyang sabi sabay kamot sa kaniyang batok. Kinilig ang tuhod ko dahil sa simpleng gesture niyang iyon. Siniko naman agad ako ni Medel.
Tumikhim ako. "Ah, sorry ha. Marami kasing nangyari kaya natagalan ako. Ahm nga pala, Angelo si Medel best friend ko. Medel si Angelo friend ko." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi, nice meeting you, Medel." nakangiting sabi ni Angelo sabay lahad ng ng kaniyang kanang kamay. Agad naman iyo g tinanggap ni Medel. Mukhang kilig na kilig pa siya.
"Oh? Friend? Baka mauwi sa boyfriend?"
Nanlalaki ang aking mga matang napatingin kay Medel. Kinindatan niya lang ako. Bumaling naman ako agad kay Angelo. "Wag, mo nang intindihin si Medel palabiro lang kasi talaga 'yan," hingi kong paumanhin kay Angelo na naka-ngiti. Hindi ko alam kung ngiti pa nga ba iyon.
"Its okay. Bakit hindi ba pwede?"namula naman ba pisngi ko sa sinabing iyon ni Angelo. Grabe naman siya magpakilig eh. Parang kanina na lumukso ang puso ko papunta sa kanya.
"Ha? Ah. Hehe. Papractice ka ba? Pwede dito na lang kami ni Medel gumawa ng project?" pag-iiba ko ng topic. Ano ba naman kasi ang takbo ng usapan namin ang awkward.
"Ah. Ooh. Pwedeng pwede kayo dito. Wala naman akong kasama eh." sagot naman niya.
Hinila ko agad si Medel papuntang upuan. Hindi ko na kaya ang atmosphere doong nakatayo sa may pintuan. Baka mamaya ma heart attack ako na wala sa oras, kargo pa ng dalawa kong kasama.
Lumapit sa amin si Angelo saka nag-tanong. "Ano yang project ninyo? Baka makatulong ako?"
"Ah, gagawa kami ng isang maikling kwento. Pero pang telenovela dapat."sagot ko naman. Nag nod lang siya ng ilang beses.
"Okay, pwede tumulong?"alok niya sa amin. Tumingin naman ako kay Medel at nag wink lang siya sa akin, parang gusto niyang sabihin sa akin na 'go na, chance mo na ito'.
"O-osige." utal kong sagot.
Kaya agad naman siyang tumabi sa kin at kumuha ng isang pad ng papel at isang ballpen. Tapos nagsimula siyang mag-sulat. Tinititigan ko lang siya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya.
"Oy! Baka matunaw yan." bulong sa akin ni Medel, dahilan upang sikuhin ko siya. Nakakakilaboy ang boses nya kapag bumubulong sa taenga ko.
"Aray!"reklamo niya kaya napatingin naman sa amin si Angelo.
"Anong nangyari?"taka niyang tanong sa akin.
"Ah, wa-wala nakagat lang siya ng lamok. "sagot ko naman. Kaya't bumalik na ang atensyon niya sa ginagawa niya.
"Ikaw, tumahimik ka diyan." bulong ko kay Medel. Bumalik ang mga mata ko kay Angelo at nanatili lamang akong nakatitig rito.