Chapter 8 Kanina pa nag-rerewind sa utak ko ang nangyari kahapon. Grabe! Hindi ko inaasahan ang nanyari kahapon at sa lahat nang sinabi ni Angelo. Totoong-totoo talaga kahapon. Akala ko nga panaginip kaso hindi pala. Andito kami ngayon nina mama, papa at ng kapatid ko sa hapag-kainan. Kumakain kami ng almusal. Papasok na ako sa school dahil okay, na ang pakiramdam ko. Simula pa kahapon. Talagang nag-absent si Angelo sa class para lang mapuntahan ako, at mabisita. Sabi niya pa sa 'kin, habang yakap sina mama at papa noon, ay ang three words na gustong-gusto kong marinig galing sa kanya. Ngayon narinig ko na mula sa kaniya. Grabe! Ang sigaw ko noon at talon pag-kaalis niya at agad kong tinext noon si Medel. Wala siyang ibang ni-reply sa akin kundi 100x na congratulations. Happy daw siya

