Chapter 9 KANINA KO pa hinihintay si Medel. Hindi ba iyon pumasok? Eh, kanina pa sana iyon dito kung sa short way siya dumaan at kung pumasok siya. Pero bakit wala parin siya? Boring naman mag-isa dito sa room. Marami naman sana akong mga kaklase kaso hindi nila ako pinapansin. Haay! Kaninang moment na hinatid ako ni Angelo dito sa loob ng school ay grabe talaga ang tingin ng mga kaklase kong babae sa akin. Parang kainin na nila ako sa sobrang galit. Pero binaliwala ko lang iyon. Basta masaya ako sa araw na ito. Kaya ayaw kong masira lang iyon dahil sa kanila. Maya-maya ay pumasok na ng room si Medel, pinagpapawisan siya. Hindi naman masyadong mainit ngayon. Pulang-pula rin pati ang pisngi niya. Nakipag-away ba siya? Mukha yatang pagod na pagod siya ah. Anong nangyari dito sa kaibigan k

