Chapter 40 KANINA PA AKO ikot ng ikot dito sa silid ko. Nag dadalawang isip ako kung pupunta ako mamaya sa Masquerade. Hapon pa naman. Kaya siguro makaka pag-isip pa ako nito kung pupunta ba ako. Wala na pala kaming pasok ngayong hapon binigyan kami ng time ng mga teacher naming mag-ayos ng sarili namin. Grabe, ayaw ko pa namang masayang ang oras ko sa kaka-ikot dito sa silid ko. Ito talaga ang kinaiinisan ko. Ang mag-party. Feeling ko kasi mukha akong katulong kapag sumuot ng gown. Pasensya na sa inyo... Sa tanan' buhay ko kasi hindi ako nakaranas ng mga party na iyan. Sa kasal ooh! Pero iba naman sa kasal at iba sa party. Ngayon lang, first time ko sa party kapag matuloy akong pumunta doon. Anong gagawin ko? Pupunta ba ako? Matawagan nga si Medel. Nag-riring na ang phone niya. "H

