Chapter 41 NAKAKAINIS NA talagang babaeng 'to eh. Sinabing akin lang si Cedrick. Talagang kinakalaban niya talagang-talaga niya ako! "Oh, hi Ena."aba! Feeling close? Ano ito? Plastikan? "Oh hi, Medel. Sorry pero hindi ako sanay makipag-plastikan sa iyo. Kung sanay ka namang makipag-plastikan sa akin. Go lang, halata naman!"inis kong bara sa kanya. Kaya naman napa balik ang tunay niyang ugali. "Bakit? Sayong-sayo ba si Cedrick?"talagang pinapagalit ako ng babaeng ito eh no? Kulang ba ang halik na pinakita namin sa kanya? Hindi manlang ba siya naapektuhan? Baka gusto niya bulgaran na ito. 'Yun ang gusto niya. Pwes ibibigay ko. Ako pa? Mapag-bigay 'yata si Ena. Ang nag-iisang Miss Pangit. "Bakit ayaw mo bang layuan ang asawa ko ha? Alam mo na ngang may asawa. Kumakapit ka parin?"sim

