"LUCIAN..." Maang na nilinga ni Zia si Lucifer nang makita si Lucian na nilapitan ang batang babae. Isang malapad na ngisi naman ang naging tugon sa kanya ng diyablo. Awang pa rin ang mga labi na muli niyang ibinalik kay Lucian at sa batang babae ang kanyang paningin. Umuklo si Lucian sa harapan ng bata at kinausap ito. "Hey, baby girl..." kaagad namang nag-angat ng tingin ang batang babae at saka tumingin sa kadarating lang na estranghero. Hinawi pa ni Lucian ang mahabang buhok ng bata na tumatabing sa magandang mukha nito, upang marahil ay makita nito ng mabuti ang bata, bago muling magsalita. "...are you lost?" Sumisigok-sigok pa na sumagot ang bata habang nakatingala sa malaking bulto ng binata. "My slipper was drifted by the waves." Anito sa maliit at naiiyak pang tinig, sabay

