THIRD PERSON POV
“Bring it on.” bulong ni Perlas bago mabilis na iniiwas ang ulo pa kanan sabay suntok sa tigilirang bahagi ng unang lalaki na sumugod, napayuko bilang daing saka muling kumilos ang dalaga at binigyan ito ng malakas na uppercut sa mismong leeg na siyang naging dahilan para kapusin ng hininga at mistulang nabibilaukan ang kalaban.
Ilang sandali lang ay tumumba itong nakahawak sa leeg at nangisay.
Naramdaman kagad nito ang isa pang kalabang papalapit sa likuran kaya mabilis itong umikot palikod at binali ang naturang leeg ng kalaban. Mabilis itong humandusay sa lupa at wala ng malay.
“Opps? Hindi pa yan patay ha! Huwag kayong tamang hinala!” natatawang saad ni Perlas mula sa mga kasamahang masama ang tingin at nagdududa sa kanyang sinabi. She smirked.
“WTF? Ano ‘to? Kill 1, take 6?” napailing na lamang si Sapphire sa natanaw na mga paparating pang kalaban kaya walang tingin niyang binigyan ng side kick sa baba ang paparating na nasa kaliwang bahaging direksyon mula sa kanyang kinatatayuan.
Agad itong tumumba sa lupa at hindi na nakatayo pa, nanatili siyang naka harap sa mga paparating na kalaban na papalapit ng papalapit sakanila.
“Hindi ko expected na ganito ang pang WELCOME nila satin. Sana man lang naglagay sila ng banderitas diyan para well informed lahat.” napamura si Amethyst tamaan siya ng baseball bat sa braso na siyang dahilan ng pagkasubsob niya sa lupa.
“Hoy Amen! Ano yang kalokohan nayan ha?! Hindi benta samin!” natatawang sigaw ni Perlas sa kaibigan na siyang kinatawa nito.
“Wala naman pala kayong binatbat!” – Mukhang paa #2
Napa tingin si Amethyst sa kalaban na mayabang na nakatayo sa harap niya habang nasa balikat ang baseball bat na ipinalo sakanya. Pinagpagan niya ang kanyang suot bago tumayo ng maayos.
“I should kill you.” nakangiting sagot ng dalaga sa naturang lalaki. Mabilis itong sumugod at bigla nalang nawala sa hangin, namalayan nalang ng kalaban ay nasa likod na niya ang dalaga.
“You don’t mess up with me, Asshole.” Nanigas sa kinakatayuan ang kalaban ng dalaga, hindi maigalaw ang kanyang mga paa sa takot at nerbyos na nararamdaman, hindi niya malaman kung paano o kung sino ba ang kanilang kinalaban.
Humandusay ang pobreng lalaki sa lupa wala ng buhay matapos baliin ni Amethyst ang kanyang leeg.
“Iyan ang totoong pinatay! Iyong sakin pinatulog ko lang noh!” sigaw ni Perlas sa malayo. Napangiti ang dalagang si Citrine sa hiyaw ng kaibigan, hindi niya din talaga ito madalas maintindihan bukod sa may pagka abnormal ito.
Mabilis niyang iniwasan ang suntok at nag counter move ng isang malakas na suntok sa dibdib nito bago tinaga ung kamay ng kalaban dahilan para mabitawan ang baseball bat dala-dala, humandusay ito sa lupa na nahihirapan ng huminga.
"Gag* pala kayo ah!" hiyaw muli ni Amethyst bago muling sumugod ang ibang kalaban, gulong gulo silang lahat at naramdaman nila na padami ng padami ang kanilang kalaban.
Agad namang iniiwas ng dalaga ang kanyang ulo pa kaliwa matapos siyang muntikang matamaan ng baseball bat.
"Wrong move dude." Bulong ni Amethyst sabay round house kick na tumama sa sentido ng kalaban. Sumadsad ito sa lupa at nawalan ng malay.
"Good move." walang emosyong bigkas ni Diamond na panay lamang ang iwas sa bawat hampas ng baseball bat sakanya. Nagmistulang sumasayaw sila sa kanilang ginagawa.
"I'm bored." usal ni Citrine na panay lang iwas sa kalaban.
"Cit kelan kapa naging shadow boxing coach? Hahaha!" humalakhak si Perlas bago binigyan ng side punch sa panga ang kalaban na agad nawalan ng malay.
Sinalag ni Diamond ang suntok ng kalaban sabay mabilis na hinila ang braso nito bago binigyan ng front kick sa precious thing ng mga kalalakihan. Gumulong ito sa lupa sa tindi ng sakit ibinigay ng dalaga.
Muling niyang iniwasan ang atake ng panibagong kalaban, she did sidestep on opposite side of her opponent and released full strength side punch directly hit the lower part of opponent’s head.
Mabilis na bumulagta ang nasabing kalaban at napabaling ang dalaga sa mga susunod pa.
“Aren’t you all tired?” tanong ni Citrine sa mga kalaban na isa isang bumubulagta sa lupa.
“I think they’re not.” sagot ni Sapphire sa kaibigan sabay iwas pa kaliwa at binalingan ang kalaban pa kanan bago sinapak sa panga, ge-gewang gewang ang kalaban na bumagsak sa lupa, muling nilingon ng dalaga ang kaibigang si Citrine na nakangiti habang nakatingin sakanya.
"Tsk!" nakipagsabayan si Diamond sa mga lalaking papasugod at isa isang niyang sinalag ang bawat suntok ng bago mag counter move ng suntok at sipa sa mga ito.
Umiwas ito sa kaliwa sabay side kick sa dibdib ng kalaban, humandusay ang kanyang kalaban sa lupa na hawak hawak ang dibdib bago tuluyang nawalan ng malay.
Sinigurado ng dalaga na hindi sila makakapatay sa sitwasyong iyon, dahil iba ang pakiramdam niya sa bagong school na nilipatan nila.
She twists her body to move rear foot at front and strike from the side of opponent’s head leaving him unconscious.
"Sleep tight! Hihihi!" masayang sabi ni Perlas habang winawagayway ang kamay sa mga natutulog na kalaban. Umiling na lamang ang mga kasamahan sa nakita nila mula sa kaibigan.
Pinagpagan ni Perlas ang damit na medyo nalukot sa ginawa nilang karahasan bago umayos ng tayo.
Agad na pinuntahan ni Sapphire ang mga kalaban na may dugong natamo at tatangkain sanang tikman ng—
"Don't." saway ni Diamond sa kaibigan. Tumayo na si Sapphire mula sa pagkaka squat at tumango.
"Pumasok na tayo." Anyaya ng leader nila. Nagsipang tanguan naman ang apat habang pinagmamasdan ang mga binugbog nilang mga kalaban kanina.
Tahimik na naka sunod ang apat sa likod ni Diamond, walang imik at nanatiling mapagmatyag sa paligid.
CITRINE AGATHA POV (GUN PUNISHER GODDESS)
Napahinto si Diamond kaya napahinto din kaming apat sa likod. Napaismid ako ng mapagtantong hindi pa pala tapos ang labanan at heto na naman ang mga walang kwentang gangster/bully ng school na ito.
I want to p**e in disgust! Nakakasura! Gangster naba ang tawag nila sa sarili nila? Nakakainsulto ng sobra...
Andito kami ngayon sa quadrangle ng school matapos naming magpatuloy ulit ng paglalakad. Pinasadahan ko ang mga lalaking nasa ibaba ng stage na akala mo kung sinong umasta.
Meron kasing malaking setup stage sa gitna ng quadrangle, siguro nagkaroon ng importanteng party doon o kung ano man.
"Who are you?" tawang-tawang tanong ni Perlas sa leader ng kaharap namin ngayon, mga lower class gangsters/bullies. Tss! This school is insane! Pangalan palang hindi na normal!
"Wala kana doon!" sagot ng pinaka leader na kina smirked lang ni Perlas. Humangin bigla kaya sumabog sa mukha ko ang buhok ko, sinuklay ko iyon gamit ang daliri ko.
"Dami mong alam." balik na sagot ni Perlas sabay at humalukipkip. Bata pa talaga 'tong si Perlas. Hays.
"Sakit ba ng katawan ang hanap niyo? Bring it on.” pahayag ni Sapphire na sinang-ayunan ko nalang. Ano ba ang dapat sakanila? Ginusto nila yan eh.
Minsan napapa isip din ako, maganda din ang rason ng nag tayo ng school na ito. If this school tolerates gangsters/bullies, fighting or even killing then its our advantage. No one gets suspicious to us kasi normal lang na ginagawa nila ung mga bagay na hindi normal para sa ibang tao.
"Bukas nga makapagdala ng kumot! Gusto ng matulog ng mga 'to eh." Nakaka lokong wika ni Ame saka tumawa. Sinabayan naman ito ni Perlas, gusto ko nalang masiraan ng ba-it sa dalawa. May hindi talaga normal saming lima.
"HAHAHA! Check na check yan Amen!" at nag thumbs up pa ito sa tuwa, tuwang tuwa naman si Ame sa ginawa ni Perlas.
Tatlo ang unang sumugod unang humarap si Ame at Perlas, pareho kaming nagtinginan ni Sapphire at tumango sa isa’t isa.
Sinalag ni Amethyst ang suntok ng kalaban bago tinuhod sa sikmura at binatukan, bahagya akong napangiti. Gunggong talaga 'tong si Perlas eh.
Bumagsak sa lupa ang kalaban ni Perlas habang hawak hawak ang tyan at umiinda sa sakit ng panunuhod na natamo.
Hinanap ng mata ko si Diamond na nasa likuran na muli namin, nakamasid, ganito ito palagi, iniiwasang lumaban kung maari. Pero kapag kinailangan na, lalaban talaga ‘to hanggang dulo.
Nagsipag sunuran na ang mga kalaban kaya sinalubong ko ang mga ito.
"Hayah!"
Nag kanya kanya kaming iwas sa mga kalaban. Sabi nga ni Diamond WE NEED TO BE CAREFUL pero na as if namang nasusunod, ano pa man, not killing them won’t hurt our ego.
"AAHH~!" hiyaw ng kalaban matapos suntukin ni Sapphire sa sikmura. Bumagsak hinayupak sa lupa pareho kaming napa iling sa nakita. Mga mahihinang nilalang, hindi man lang ako pinagpawisan. Walang thrill, walang fun. This is boring!
"UGH~" halos wala ng buhay ang kalaban ni Ame matapos niyang walang humpay na pagsusuntikin.
Amethyst is already upset, halata na sa way ng pakikipaglaban nito.
"Ang hard mo girl!" walang tingin na iniiwasan ni Perlas ang kalaban na panay ang atake sakanya. Bored niya kaming nilingon habang patuloy na iniiwasan kaharap.
"Not me. It's Citrine!" Ame answered bago lumingon at sumenyas ng thumbs up.
Paano ba naman ng sunod sunod kong pinag susuntok ang mga kalaban ko sa lalamunan na kinawala agad hininga ng mga ito.
Nakakapikon na! Hindi maubos ubos! Umpisa ng umaga ganito agad bungad samin. Medyo nakakapikon iyon…
"Nawalan ng malay?" walang buhay na sbi ni Perlas. At saka kami nagtawanan, nakita naman naming nakahandusay na sa lupa ang kalaban ni Diamond.
May nag tangka palang kumalaban sakanya? Tss! Malas lang niya. Nag yo-yosi ito habang nakasandal sa puno, ginagawa niya iyan pag napipikon na siya ng kaunti. Yes, kaunti. Hindi naman kasi siya madaling mapikon, madalas siya ang pinaka huli na nauubusan ng pasensya.
"Excuse me, young ladies? Are you the transferees?"
Nilingon namin ang pinanggalingan ng boses. A man wearing business suit showed up, standing in front of us not minding those students na nasa lupa, tulog at duguan.
"Are you pertaining to us?" Sapphire answered back, eyeing him intently.
“Yes, young ladies. By the way, I’m Isaac Immanuel Buenaventura school administrator, on behalf of the management we would like to apologize for inconvenience on your first day. Shall we go? I’ll lead the way.” ginayak kami ng lalaking naka suit. Nag sipag tinginan kami kay Diamond na nanatiling naka sandal sa puno sa tabi.
(Isaac Immanuel Buenaventura – Grim Royalties (JACK) (COLORS OF LIFE – BOOK 2))
"Inconvenience huh…" she murmured and gave us go signal to follow him. Napalingon ako at nakitang may mga lalaking binubuhat ang mga nasabing katawan ng students na natutulog.
This school is interesting…
Nanatili kaming nakasunod kay Isaac, he seems young siguro ka edaran or ahead lang siya samin, not sure.
Umakyat kami sa second floor, walang bago na parang katulad ng ibang school pero ang kinapagtataka ko ay ang mga hitsura ng mga estudyante dito. Mga mukhang holdaper na may class, ung iba naman halatang rich kids, ung iba mga simpleng students lang.
"Come in and have a seat." pang-aaya samin ng lalaking naka business suit.
Pag pasok namin ay sumalubong ka agad ang mabangong halimuyak ng lavender ng silid.
“Again, we would like to apologize for inconvenience and welcome to our school.” pormal na panimula ni Isaac saka ngumiti samin. “First, our school is quite different from others, of course, as you witness. We have 8 buildings here, 3 of them are student dormitories, 5 is for each course that we had.” He stops and smile again; I see his smile as fake as he is. Wait—what? Student dormitories? Napakunot ang noo ko. “Our school is offering courses like Business, Culinary Arts, Aviation, Engineering and Criminology.” He paused and eyed on us. “Based on your choices you were all separated into 5, as expected…” We eyed on him waiting for another word but didn’t came. “And to answer your questions once you enrolled there’s no way out or drop out, you will stay here until year ends and we only have one (1) strict rule here, don’t get killed. And everything here is normal.” He leans on his swivel chair. “I hope you don’t have any questions, I’m in hurry now, my assistant will accommodate you to your dorms.” He stood up at nagmamadaling lumabas ng kwarto leaving us in awe. Nagkatinginan kaming lima punong puno ng pagtataka, ni isa walang nagtangkang magsalita o bumasag ng katahimikan.
Ilang sandal ay pumasok ang assistant ni Mr. Isaac Buenaventura.
“Good morning, young ladies. I’m Xyla Santibanez, Mr. Buenaventura’s assistant. Let me guide you to your dormitories, if you have question feel free to ask anything.” She smiled and gestured our way out. Dahil punong puno kami ng katanungan, nanatili kaming tahimik at nakikiramdam.
(Xyla “Cancer” Santibanez – Deadly Sin Organization (Rank #5 of Emperors – Referring to Colors of Life (Book 2)))
"Follow me, young ladies.” anyaya nito samin at umunang lumabas, we followed her quietly.
DIAMOND KIMBERLY POV (KILLING DAGGER GODDESS)
Nakarating at iniwan kami ni Xyla ng walang imik sa dorm, wala kasing nagtangka na magtanong o kumibo sakanya.
Matapos kong matiyak na settle na kami sa loob inilibot ko ang paningin sa buong kabuuan ng kwarto.
Nag lakad ako papalapit sa isa sa tatlong pintuan na nakita ko. Binuksan ko iyon at bumungad ang dalawang double bed na naka vertical sa magkabilang side ng room, sinarado ko iyon matapos masiguradong safe.
Lumipat naman ako sa isa pang pintuan, bumungad sakin ang mas malaking kwarto kumpara sa una kong binuksan. May tatlong double bed na higaan iyon, ang dalawa ay naka vertical sa kanang bahagi habang ang isa ay nasa kaliwa naman.
Pumasok ako para makita ang kabuuan, lumakad ako papunta sa isang pinto na sa hula ko ay walk-in closet na connected sa bathroom. Binuksan ko ang pintong iyon at hindi nga ako nagkamali, connected nga ito sa paliguan.
Nag kibit balikat ako bago lumabas ng kwartong iyon. Dumiretso ako sa ikatlong kwarto sa kaliwang bahagi ng bahay, kampante akong pumasok sa loob. Tumambad sakin ang maaliwalas na aura, ang kama ay nasa right side na bahagi habang ang isa naman ay walk-in closet din na connected ang bathroom.
Walang pinag bago sa ibang kwarto ang napansin ko lang ay hiwalay ito sa iba. So, I assume na para sakin itong kwartong ito. Bitbit ang shoulder bag, naupo ako sa paanang part ng kama at bumuntong hininga.
Today isn’t ordinary, I never felt this kind of danger. Parang may mali sa kung nasaan kami ngayon, pero I also felt relieve, strange right? Bukod sa talaga namang nakakapag duda ang pangalan ng school, pati narin mismo ang mga tao na nag aaral dito.
I really hope na this time we are on the right track, dahil sa loob loob ko this place will be our end game…
Lumabas ako matapos makapag bihis, nasa sala na ang apat nakaupo at nag uusap.
"This place is awesome! Sosyal naman pala ng school na ito, ganda ng dormitory!" masayang sambit ni Perlas habang nakayakap sa throw pillow. Tumango tango nalang ang katabi niyang si Amethyst. This dorm is for six (6) person siguro kalimitang mga magkakaibigan dito ay nasa lima hanggang anim.
Sapphire eyed on us, “So…what are we going to do? Paano tayo mag adapt sa creepy school na ‘to?” umismid ito bago humalukipkip, tinaasan nalang ako ng kilay ni Citrine bilang senyales na nagsisimula na namang toyoin na ang katabi niya.
“I don’t know, I can’t answer. Miski ako hindi ko din alam kung paano? How to be normal student? As if namang may normal satin, right?” humalakhak si Amethyst at nakipag kulitan kay Perlas.
“Oo kami normal, pwera sainyong dalawa.” sagot ni Sapphire na siyang kinatigil ng pagkukulitan ng dalawa.
“Walang damayan Sapp, kung may abnormal man satin si Perlas lang iyon!” mabilis na lumayo si Amethyst at kumandong at mahigpit na niyakap si Citrine na napa-iling nalang.
“Judgmental! Sa ating lahat ako ang pinaka normal! N-O-R-M-A-L! NORMAL!” nakabusangot na sagot ni Perlas. Sabay sabay silang humalakhak, habang ako ay napangiti nalang habang nakamasid apat. Totoo naman ang sinabi ni Sapphire, paano kami makaka adapt sa bagong school na nilipatan.
It’s weird but may advantages and disadvantages kami dito. First, it’s a safe way na hindi kami makakalabas for whole year which means within the vicinity lang kami ng school pwedeng mag ikot ikot. Second, this school tolerates fighting and killings which means we can protect ourselves freely ng hindi natatakot na baka may maka kita or ma locate kami. Lastly, we can kill if weren’t the one who’ll be killed.
Fair enough for me, sa tingin ko kaya ito ang school na napili ni Mr. Chan ay para maitago kami mula sa mga matang patuloy na naghahanap samin hanggang ngayon.
“Aren’t we hiding? Bakit dito tayo inilipat ni Mr. Chan? Napagod naba siya kakahanap ng malilipatan natin at nagpasya na siya na bahala na tayo sa sarili natin? Isn’t he on his right mind?” dismayadong sabi ni Amethyst na nanatiling naka kandong, Citrine doesn’t mind Ame, its normal for her. Maganda sigurong sabihin na hindi nalang niya pinapansin ang mga kabulastugan ng tatlo.
“Girls, adapting isn’t easy, but I know we can do it. Let’s just think Mr. Chan does his job perfectly, as you can see, we transferred to school tolerates fighting and killings, we don’t need to hide from anyone plus we can protect ourselves here as long as no one’s get killed from us which isn’t happening not even in their dreams.” I looked at them and smiled. Hindi ko hahayaang mapahamak sila kahit ibuwis ko pa ang buhay ko. “Perhaps, we can act little bit discreet from who we are, but fight as if it’s our last.”
“We get it…” natatawang sang-ayon ni Sapphire at nagsipag tanguan naman ang iba.
“So…what we’re going to do now?” naka busangot na tanong ni Perlas habang naka higa sa sofa at nakapatong ang mga paa sa lap ko.
I looked at her, she’s smiling from ear to ear.
“Room arrangements! Sino ang magkakasama sa room 1 (3 beds) and sa room 2 (2 beds)?” Amethyst butt in. “Ayokong katabi si Perlas! Itabi niyo yan kay Sapphire nang mag behave! Ewan ko lang kung hindi yan manahimik.” She hysterically laughed. Napahawak nalang ako sa batok ko, hindi talaga kami normal, meron din akong tinatagong kalokohan pero mas madami sila.
“Hampaslupa! Huwag niyo akong itabi kay Sapphire! Rawr! Mommy ohhh…” hinaplos ko ang buhok ni Perlas saka ngumiti.
“Pearl Arah, I think much better kung si Sapphire ang katabi mo. You’ll behave accordingly.” mas lalong sumimangot ito na ikinatawa ko. Masarap din sumakay sa mga pang aasar kay Perlas, napaka bata pa talaga niya. Pikon madalas kaya mas lalong inaasar ni Amethyst.
“Wala Perlas! Final na! Kay Sapphire ka namin itatabi ano!” iiling iling na ngumiti si Citrine kay Amethyst na abot tenga ang ngisi.
“So, ano? Pinag kwe-kwentuhan niyo ako na parang wala ako dito? Am I invincible? Ghost?” sabat ni Sapphire na mas lalong ikina ngiti ko. Sinilip ko si Perlas na abot lupa ang tulis ng nguso.
“Madaya! Bahala kayo dyn! I won’t ever sleep with Sapphire! Mapanakit yan kapag natutulog eh! Grr!” bumangon na si Perlas at humalukipkip. Masama siyang tinignan ni Sapphire.
“Truth enough, pero no choice ka Perlas. Majority dito ay nakapag decision na. Hahaha! Lagot ka! Latay de puta ka mamayang gabi. Hahahaha!” sabay na tumawa si Citrine at Amethyst, napahawak ako ulit sa batok ko para pigilan ang pag ngiti.
Well, Sapphire is kind a sadistic when sleeping, na hindi din namin maintindihan her metal whip is always beside her. And based on their stories, hindi naging maganda ang gabi nila.
“No! No! No! I’m going to kill all of you! Rawr! No f*****g way! I’m going to die early with her! No! No! No!” tawang tawa ang dalawa habang naka tingin kay Perlas na nagmamaktol. Deadma naman si Sapphire na busy kaka text sa cellphone niya.
I smiled secretly. Baka mas lalong mag maktol ang bata pag nakita akong naka ngiti.
“Mommy! Please! Not with Sapphire! Not with her!” hinaplos ko ang pisngi ni Perlas. I smile at her.
“Sapphire won’t hurt you Pearl Arah, trust your sister. Right Sapphire?” pinadilatan ko ng mata si Sapphire na mabilis namang tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.
“See?” Perlas sighed and looked away.
Ganyan yan si Perlas, she will look away pag feeling niya ay pinagtutulungan siya. I know her very well.
“Inaantok nako, pahinga muna ako.” Sinundan ko ito ng tingin habang papunta sa kwarto nila ni Sapphire.
Tinignan ko si Amethyst na naka ngisi padin. Nag peace sign nalang ito sakin bago umayos ng upo sa sofa.
“Tanya is coming together with our belongings. I think she finished her mission earlier than expected.” Sapphire announced.
Maaga nga sigurong natapos ni Tanya ang mission niya, knowing her? I already expecting it. And hell yeah, we are group of six crazy girls including me.
“Thanks for the information, Sapphire. I’ll meet her in parking lot, do inform her.” Tumayo na ako para mag ayos ng sarili at makapag pahinga bago bumaba para salubungin ito.
***
9 HOURS LATER
Naka upo ako sa itaas ng sanga ng elm tree malapit sa parking lot. Tahimik na naka masid sa lugas, 30 mins nakong nakaupo dito. As cold breeze run through my face, I absently closed my eyes. Napaka payapa lalo na sa ganitong oras, napa tingin ko sa relos ko.
06:30 PM
I can’t help to think what will happen to us here, we don’t any this school, those students even the school administrator seems suspicious to me. Well, everything here is suspicious.
I heard strange noise, “Who are you?” mabilis akong na alerto ng maramdaman ko ang presensya ng anino mula sa hindi kalayuan ng puno na kinapwe-pwestuhan ko.
Lumitaw ito, doon kong napagtanto na lalaki ito at base nadin sa tindig at postura nito. Hindi ko masdong maaninag ang mukha niya dala ng kadiliman ng lugar kung nasaan siya.
“I said, who are you?” muli kong tanong, hinawakan ko ang dagger na nakatago sa likod ko. I am ready to aim his location but unfortunately, hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.
“I’m Stephen and you are? Why are you here?” sunod sunod niyang tanong. He seems different from students here, may kakaiba akong aura na nararamdaman sakanya. He’s screaming arrogance and authority, standing so proudly.
“I’m Diamond, transferee.” I answered without lowering my guard. Mariin kong hinawakan ang dagger na nasa likod ko.
“You’re waiting for someone? We strictly implementing curfew here, better to go back to your dorm.” he brushed his hair and tilted his head before turn his back and walk away.
As if namang takot ako sa curfew niyo. And wow, it amazed me, may curfew sila dito despite of fighting’s, killing’s, etc.
May decent part parin pala ang school na ito, akala ko puro lang kabulastugan. I ignored him, bahala siya diyan, Mabuti naman at naisipan na niyang umalis. Napakatagal naman kasi ni Tanya, ano bang oras darating iyon?
“Kyaaahh!” nag slowmo ang paligid sa pag kahulog ko ng hindi inaasahan. Ramdam na ramdam ko ang malamig na ihip ng hangin na sumalubong sakin paibaba.
Isang makisig na bisig ang sumalo sumalubong sakin. Napakurap ako sa bilis ng pangyayari, ni hindi ko man lang naramdaman ang presenya niya ng hilain ako sa paa paibaba.
“You're f*****g crazy! The f**k?!” I burst out. This is madness! How…did he? f**k! I can’t even sense his presence nor his move! Who is this guy?
“You cursed too much, woman. I told you to go back to your dorm, stubborn, aren’t you?” he eyed on me. Nagkatitigan kaming dalawa, his eyes are different, para akong winawala noon.
Its pure darkness and the depths aren’t joke. Am I looking to myself?
“Staring is rude. I find it awful.” Mabilis niya akong ibinaba at dumistansya kaunti sakin.
“Conceited jerk.” I answered back. Tinaasan ko ito ng kilay bago inilapit ang aking mukha, our cheeks were inches away. I smiled in disgust.
“I don’t follow orders from anyone. Got it?” I let my lips touch his cheeks. And goodness! He smells good…oh-kay? Did I say he smells good? Fudge! I rolled my eyes. Fine! I’m just saying the truth. Okay?
Mabilis akong umatras, nang—“You don’t know who you are dealing. Am I look easy on you?” ramdam na ramdam ko labi niya sa pisngi ko! Agad akong nag pumiglas pero mariin ang pagkakahawak ng isang kamay niya sa dagger na nasa likod ko habang ang isa naman niya ay nasa leeg ko.
Ramdam na ramdam ko ang pag ngiti niya. This fuc—“I like your guts, let me take you to your friend she’s in our dorm together with his boyfriend.” Lumayo na ito sakin, I glared at him. Boyfriend?! I know she had one, pero hindi ko alam na hanggang ngayon ay sila parin. And to think I am talking to Tanya; she likes to play with his boytoy!
“I’ll lead the way; it’ll be great if you follow.” Dagdag niyang muli, I rolled my eyes for nth time. I’ll deal Tanya later, hindi man lang nag inform sakin na naghihintay nalang pala ako sa wala dito!
Bukod pa doon I forgot my cellular phone! Goodness Diamond. Sino naman kasing kakausapin ko sa cellphone? Puro group messages (GM) lang ni Perlas ang nag papaingay sa inbox ko. Right now, I don’t have any choice kundi sumunod sa napaka aroganteng lalaking ito!
“L! Where have you been? Kanina kapa namin hinahanap, umay na umay na kami sa mag jowa doon sa dorm! They’re making me angry, pinapamukha nila sakin na wala akong kwentang nilalang dahil wala akong girlfriend!” napatitig ako sa lalaking naka akbay kay L or Stephen? Which is which?
Did I hear it right? Mag jowa? Patuloy akong sumunod sa dalawa, seriously. Hindi ako napansin ng kasama niya. Manhid ba ito?
“Were here.” My eyes roamed around, automatikong huminto iyon sa babaeng papalabas ng dorm na iyon while holding each other hands.
I raised my eyebrow in madness! I am fuming mad right now. Tanya needs to explain everything!
“Kimberly?” tawag ni Tanya sakin. Tinitigan ko lang ito, wala akong naging imik.
“What? Meron pala tayong kasama, L? I didn’t notice! Hi Miss? Are you new? By the way, I’m Jacob, nice to meet you!” he offers his hand but I refused to accept at mariing tinignan ang lalaking kasama ni Stephen, masahol pa sa babae sa daldal. Bukod pa doon, hindi maipagkakaila ang pagiging babaero ng lalaking ito. Well, all of them were all good looking, walang mapagkakaila doon.
“Ow! Woman version of you, L?” he cockily smiled and winked. Literal na nangunot ung noo ko, anong akala ng lalaking ito madadaan niya ako sa kindat niya? Tch! Assh*le.
“Wait—what? Caleb? Stephen? Teka paanong?” naguguluhang tanong ni Tanya na panay ang pabalik balik ng tingin sa dalawa.
I looked at them both, Tanya felt my death glare. Bumuntong hininga nalang ito, she knows am I mad and I need an explanation.
“Kimberly, Caleb is my boyfriend for real, his not my boytoy etc…” I rolled my eyes on him bago sila tinalikurang lahat. Wala akong magagawa sa decision ni Tanya, besides its her life. I am here only to guide and protect as their sister. At naniniwala din ako na hindi natuturuan ang puso ng mamahalin, whether we like it or not and as long as we are all safe. I am not against on anything or everyone.
TO BE CONTINUED...