NOCES DB1: Sheep's Death

4586 Words
THIRD PERSON POV Pinipilit nilang huwag makasakit, pero tila kusang lumalapit sakanila ang tuksong pinipilit na layuan. Nag-iiba ang kanilang pakiramdam sa bawat taong nakikitlan nila ng buhay. Ang pag patay para sa kanila ay isa nalang pangunahing pangitain, naging parte na ito ng buhay nilang lahat, pero sa hindi inaasahang pagkakataon kailangan nilang itago kung sino ba talaga ang kanilang pagkatao. Ang alam nalang nila ay nasa Pilipinas na sila upang maging normal na estudyante na sa tingin ng bawat isa ay napaka imposibleng gawin. Nanatiling naka matyag ang apat na kababaihan sa hindi kilalang lalaki naka handusay sa kalsada, isa ito sa mga taong patuloy na nagmamatyag sakanila mula sa malayo, isa ito sa ipinadala ng organisasyon na humahabol sakanilang lahat. "Arg! Nagmamakaawa ako! Tama na! Aaaah~" humandusay ang hindi kilalang lalaki matapos itong sipain ng babaeng may maiksing buhok. Bumagsak ito na halos wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo, sa kalagayan ng pobreng lalaki ay hindi na ito aabutan ng bukang liwayway. Mariing pinagmasdan ito ng limang kababaihan na nababalot ng kakaibang aurang mag papanginig ng tuhod ng kahit sino mang makakasagupa ng mga ito. "Oh really? Nagmamakaawa ang isang tulad mo? If feels like heaven! Tch!" naka ngising bulong ng babaeng naka blue na shorts at tank top, habang hawak hawak ang panga ng pobreng lalaki. Napatitig ang naturang binata sa mga mata ng babaeng kaharap, batid niyang nagtatago lamang ang groupo sa likod ng suot na mascara. Kilala niya ang limang kababaihan na kaharap, kilalang kilala niya…sa loob loob ng nasabing lalaki, masaya ito na naikubli ng lima ang kanilang sarili sa maikling panahon pero alam niyang hindi na iyon magtatagal pa. "K-kee—p…hidin—g…" *cough* *cough* mahinang usual nito habang unti unting nalalagutan ng hininga, butil butil na luha ang tumulo sa mata ng naturang lalaki bago tuluyang nawalan ng buhay. “What did you say?!” bulyaw muli ng babaeng naka blue na shorts at tank top, kunot ang noo at gulong gulo ang lima sa narinig mula sa nasabing lalaki. Dahan dahan nag lakad papalapit ang babaeng naka suot ng orange shorts at loose t-shirt habang naka sabit sa magkabilang balikat ang dalawang armalite na dala niya. Walang mabakas na kahit ano sa dalaga, tanging kuryosidad lamang mababasa sa mga mata niya. “He knows us.” usal ng babaeng naka violet leather leggings at naka black spaghetti, kasabay ng paglapit niya sa kinakaroonan ng biktima ay siyang pagsagitsit ng talim ng katana na hawak nito. Hawak sa mag kabilang kamay ang sandata huminto siya ilang metro mula sa pwesto ng biktima, she moved her right leg backwards getting the amount of force to throw her katana, as her weaponry is in motion into midair she vanished like thin smoke and thrust him aiming his heart without blinking an eye. No one dares to speak as they watch she perfectly landed on the ground, finishing him with her killer moves. "He's dead and I already called Mr. Chan to bury him." usal ng dalagang naka silver shorts at naka suot ng white tank top with leather jacket. She holds her engraved silver skull dagger on her left hand. "That was quick." sagot ng babaeng naka all white na shorts at knitted long sleeve as she turns her back away from them smiling from ear to ear. Hindi niya maintindihan ang ibig ipakahulugan ng lalaki pero iisa lang ang alam niya, nasa panganib na silang lahat and she knows everything that they sacrificed running away from their homeland is futile right now, she could not fathom everything nor explain. Understanding is understatement. MANSION Pumasok ang butler na nag ngangalang Mr. Chan, naka tuxedo itong itim at may dalang folder, huminto ito sa gilid ng ng inuupuang sofa ng kanilang leader. Pinagsawalang bahala lamang ito ng apat na kababaihan, may kanya kanyang naglilinis ng kani-kanilang armas na may bahid ng dugo. "Good evening, young ladies. I already received your transfer papers to your new school." anunsyo ng butler ng grupo, napahinto sa ginagawa ang apat na dalaga bago nag angat ng tingin sa ginoo. "Good to know, Mr. Chan we appreciate your help." kalmadong tugon ng babaeng may blonde na buhok na busy sa pag lilinis ng dalang armalite kanina, kilala ito bilang Gun Punisher Goddess. "Nakaka excite namang pumasok!" masayang pahayag ng babaeng may kulay pula ang buhok, abala ito sa paghahasa ng rueful axe nito, tinatawag nila itong Deadly Axe Goddess. "As if namang totoong na e-excite ka talagang pumasok." nang uuyam na sabat ng babaeng may kapayatan ang panga-ngatawan at panay ang maniobra ng katana na dala, mas kilala ito bilang Deadly Sword Goddess. "Indeed!" sang-ayon ng babaeng may pagka chinita na may hawak na metal whip habang abala sa pagpapalibot sa kamao nito, pagkatapos nitong ipalibot sa kamao ang nasabing armas saka nito sinulyapan ang mga kaibigan at inirapan. Kilala ito bilang Blood Taster Goddess. "What’s the name of school?" tumingin ang apat sa babaeng nakaupo sa black and silver couch habang pinaglalaruan sa daliri nito ang isang silver na dagger na bungo ang handle. She is known as Killing Dagger Goddess. "No One Can Escape School." napataas ng kilay ng apat liban lamang sa babaeng may hawak ng dagger. "Is it creepy?" maarteng pahayag ng babaeng abala sa pag lalagay ng polish sa Katana nito. "Kelan kami papasok?" kalmadong tanong ng babaeng nagsisimula ng kalasin ang dalang armalite upang linisin ng maigi. Sandaling siyang sinulyapan ng babaeng naglalaro ng kanyang dagger. "Bukas na po, young lady." tumango tango naman ang apat gayun din ang pag tataka nila sa pangalan ng school na bago nilang lilipatan. "Excited na ako!" muling sabi ng babaeng may hawak na axe, subalit muli itong inirapan ng dalagang may hawak na metal whip. "Pangalawang beses mo nayan sinabi. Unlimited?" nakangising asar ng dalagang may hawak ng metal whip, ngumuso nalamang ang dalagang may hawak na rueful axe dahil batid niyang inaasar lamang siya nito. "Iyon lamang mga binibini, magandang gabi." agad na nag paalam ang kanilang butler at mabilis na nilisan ang kwarto. Nabalot muli ang lima ng nakakabinging katahimikan, tanging lagaslas lamang ng hangin ang mau-ulinigan mula sa loob ng silid. "Alam ko ang iniisip ninyo, makakabuti kung itigil niyo na ito ngayon palang. We need to be more careful. We can’t risk." kalmadong utos ng dalagang may hawak ng silver dagger. Misteryosong mga mata, malalamig na titig, kakaibang aurang unti unting pumapaloob sa buo niyang pagkatao. "Maari na kayong umuwi. Maaga pa tayo bukas, inuulit ko. We need to be careful." pinagdiinan niya ang huling mga salita upang maintindihang maigi ng apat ang kanyang ibig ipakahulugan, batid niyang maaring hindi nila iyon masunod base palang sa nangyari sakanila kanina. Pero umaasa siya na kahit papaano ay magawa nila iyon sa pinaka simple at safe na paraan. Isa isang lumabas ang apat mula sa kwarto, tahimik at walang imik, iniintindi ang bawat nangyari sa araw na iyon. Ngunit ano pa man ang nangyari sakanila, iisa lang ang kanilang nasa isip. They need to be careful… AMETHYST ALEXANDRA POV (DEADLY SWORD GODDESS) KRING... Mabilis kong pinindot ang alarm clock ko, nakatitig ako doon 06:30 am lihim akong napamura sa inis mas nauna pa akong magising kesa sa alarm clock ko. Ewan ko pero ang babaw ng tulog ko ngayon. Ipinilig ko nalang ung ulo ko sa ibang direksyon ng kama. Mamaya nalang muna ako babangon at sobrang nakakatamad talaga pag umaga. Hays. Amethyst Alexandra Montreal here, 17 years old. Kilala bilang Fourth member of AKG known as Deadly Sword Goddess. And it is for you to know kung bakit ako tinatawag na ganito. Kilala rin ako sa tawag na AME o kaya ay AMEN, isa lang naman ang natawag ng palayaw na AMEN sakin walang iba kundi si Perlas ng Silangan. Sabi nila tahimik ako, oo tama sila doon. Pero ang di nila alam sobrang ingay ko, lalo pa kapag kami nalang ang magkakasama. Ayoko kasing pinapakita ung totoong ako sa ibang tao, sa kadahilanang ayokong hinuhusgahan ako base sa kilos ko, hindi naman kasi basehan ang kilos ng tao para malaman mo ang tunay nitong ugali eh. Mahiyain ako sa umpisa, pero pag nagtagal na sobrang kapal na ng mukha ko. Ayoko sa mga taong sinungaling at ayoko rin ng taong mapagpanggap. Mabait ako kung sa mabait, pero ibang usapan na pag ginagago muna ako. Anghel daw maihahalintulad ang physical appearance ko, ayon kay Perlas may inosenteng mukha raw ako tapos pag tinitignan ko naman sa salamin parang di naman kapani-paniwala. At isa pa sa kahinaan ko ay ang paggising sa umaga, hirap talaga akong gumising, ang sarap sarap kaya matulog. Kaya ayun lagi akong late, teka nga maka bangon na nga! "Ughhhh... Katamad talaga bumangon pag umaga, alas sais palang kaya, mga ganitong oras tulog pa ako. Tsk!" pupungas pungas akong bumangon sa higaan, saktong nahagip naman ng mata ko ung frame na nasa may side table ko. Picture frame namin last month, napag tri-pan lang namin mag papicture dala narin sa pamimilit ni Perlas, speaking of that spoiled, tactless brat! Pearl Arah Nervaez, 16 years old. The Fifth member of AKG known as Bloody Axe Goddess. Ang baby ng grupo, Perlas, Pearly Shell ang karaniwang itinatawag namin rito pero madalas ay Perlas. Sobrang ingay, sobrang daldal, sobrang taklesa, sobrang laitera, sobrang barubal, sobrang mapang-asar. Sobrang daming kalokohan sa katawan, umaapaw, bawat parte ng utak nito puro kalokohan ang alam. Lahat na ata ng sobra nasa kanya na, kaya minsan nagtataka kami baka nasobrahan na 'to sa pag patay kaya lahat ng ugali nito ay puro sobra. Isa lang naman ang kulang rito, ung katinuan, kulang na kulang siya noon. Mahilig mamuna ng mga bagay sa paligid niya, ang tanging gusto lang nito makita ay ung kapintasan mo. Samin lang naman ito nakakakita ng kapurihan, close ito kay Diamond at madalas na nakakawit ito na parang shokoy o tahong sa braso nito. Sobrang masayahin pero deep inside sobra ang pinagdadaanan ni Perlas, pilit nitong hindi pinapakita na mahina siya, ito ang defense mechanism niya. She even called Diamond ‘MOMMY’ overprotective si Diamond basta kay Perlas. Bukod sa bata pa ito ay masdo itong careless sa lahat ng bagay. Pearl Arah is not only a friend but a family, sister from us and no one can replace her in our hearts. Pero ang bagay na maganda kay Perlas, napaka maalaga nito, she is a good cook silang dalawa ni Citrine. Speaking of her, ang katabi ni Perlas sa picture. She is... Citrine Agatha Mendrez, 17 years old. The Third member of AKG known as Gun Punisher Goddess. SILENT is the best way to describe her, karaniwang tawag namin rito ay CIT nothing more nothing less. Walang imik sa isang tabi, nagmamasid ng mga bagay. Hindi ito basta basta nagsasalita hangga't hindi nito gustong magsalita. Kahit pa kausapin mo ito, titignan ka lang nito na para bang naging halimaw ka atsaka titingin sa ibang direksyon. Ayaw na ayaw nito ang libro, kung may bookworm, ito naman ay book hater, para kasi sakanya, di mo na kailangang magbasa kasi ang totoong realidad ay di naituturo sa libro. Ang kaalamang gusto mong matutunan kailangan mong i-apply sa reality. Dito kami bumilib sakanya, dahil sa mga ideas nitong pang out of this world, mga suggestions at comments nitong pak na pak. Ito ang utak ng grupo, kahit hindi ito pala-basa ng libro ang kakayahan at katalinuhan naman ni Cit ay higit pa sa taong palaging nagbabasa ng libro, kung baga in born rito ang pagiging matalino. Ang kaso ang masama lang rito ay NBSB, wala ring nag tangkang manligaw rito even nung highschool days namin perfect mong maihahalimbawa si Cit. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan wala talagang nag tangka na ligawan ito, siguro dala narin sa pagiging sobrang tahimik. At para kay Cit hindi iyon normal, she even thinks na hindi siya normal at doon ko napagtanto na totoong pang out of this world nga ang mga ideas niya. Hahaha! I smiled secretly whenever I remember our happy days. Muli kong sinulyapan ang picture frame, saka ko lang napansin na nakabusangot pala dito si Sap-sap. Sapphire Althea Gonzalez, 18 years old. The Second member of AKG known as Blood Taster Goddess. Sap-sap, Sapp ang kadalasang tinatawag namin este ni Perlas pala. Kasi kung kami lang Sapphire lang ang itatawag namin pero dahil may sapi ang utak ni Perlas ayun kung ano anong inimbentong nickname saming lahat. Ubod ng taray, umabot sa universe ang taas ng kilay. Mahilig mang-irap, mamuna at hindi namamansin ng kung sino lang. Madaling uminit ung ulo, saksakan ng taklesa at sobrang siraulo. Minsan nga naiisip ko kung normal ba talaga kami, kasi kung di may kulang may sobra naman samin. Pero sa tingin ko hindi talaga kami normal, kay Perlas at Sapphire palang nakikitaan ko na ng pagka abnormal! Hahaha! Isama niyo na ko roon. Mabait si Sapphire pero samin lang sa iba hindi. Aloof sa tao 'to, bihira mong makita na makipag friends bukod samin, ayaw sa b***h, slut at w***e. Kaya ka nitong insultuhin mula ulo hanggang talampakan, lahat ng makikita niyang mali sayo sasabihin niya ng walang pakundangan. FRANK in short, there were times na pati teacher ay nagawa niyang laitin kaya lagi kaming nasa guidance office at counseling. Hahaha! Ang saya kaya doon, madaming pagkain eh! Sala sa init at sala sa lamig, minsan ayaw, minsan gusto. Denial itong tao kahit obvious na ide-deny niya parin, sobrang transparent nito kaya halata mo agad pag may problema ito. Close din ito minsan kay Perlas pero kadalasan hindi, lagi kasing inaasar ni Perlas kaya lagi ring nabubuko pag may tinatago ito, she is not good lying. Maraming ayaw at maraming gusto, wala ring nagtangkang manligaw pero napaka daming nagkakagusto at gustong sumubok manligaw pero makita palang nila si Sappire napapa atras na kagad sila. Pero dahil narin sa taglay nitong katarayan, na intimidate na lahat ng lalaki. Wala pa nga ata akong nabalitaang nag tangkang ligawan ito eh. Aba kung mag kakaroon man, sasaludo ako doon sa lalaking iyon. Ayt! These are my sisters though we are not related by blood, but it seems we are. Kahit na ampon sila, kidding aside. Siguro masasabi ko we are not related pero we are treating each other tulad ng tunay na magkakapatid, mag kapamilya. And the lastly, ang kumikinang sa ganda, ang kapatid namin, best friend, sister, our protector, she is... Diamond Kimberly Enriquez, 18 years old. Our leader, the incredibly powerful, unbeatable, fearless, she is known as Killing Dagger Goddess. We call her Dia pag tinatamad, Diamante pag sinisipag, Diamond pag good mood at Kim kapag si... Well basta secret nayun! Cool, cold, expressionless, poker face palagi, well ganon naman talaga ito dati pa. Nakiki paglokohan naman ito samin pero hindi ganon kadalas, kasi sa lahat ng oras lagi lang itong nakamasid samin, binabantayan kami, inaalagaan at higit sa lahat hindi kami pinapabayaan. Sa tagal na namin magkakasama halos ito na ang madalas naming makasama sa hirap at ginhawa. May side itong makulit pero nakakakilabot ang dark side Dia. Hindi lang kasi basta DARK SIDE kundi HELL SIDE. She is good in everything, magluto, kumanta, sumayaw even sa pakikipaglaban. She is unbeatable, wala pa itong nakakaharap na papantay sa lakas nito. Sobrang yaman ay nako tinalo pa kami, pero napaka bait hindi lang samin kundi sa lahat. Hangga't kaya nitong pigilang makasakit gagawin nito, pero kung hindi na saka lang ito gagawa ng hakbang. Gusto nito ang mapag-isa kapag may problema, ganito niya ito sino-solve, pero pag nakaisip na 'to ng magandang solusyon saka nito sasabihin samin ang decision na naisip at kung ito ay sa-sang-ayunan ng lahat. Mabait na kaibigan, masamang kaaway. Sa pagkakakilala ko kay Dia iyan ang una kong napansin rito, wala itong sinasanto na kahit sino once na nagalit ito o kaya ay may isang nasaktan samin. Lahat ng dapat madamay idadamay niya dahil wala itong sasantuhin kahit sino, dito mo makikita ang monster side na nagtatago sa mala anghel na mukha nito. Madalas silang nagkakaintindihan ni Citrine siguro dahil narin sa pagiging tahimik ng dalawa, si Sapphire nagkakasundo rin naman sila pero sa labanan at hindi sa maayos na usapan. Pag ganon si Cit ang mas nakakaintindi rito, highblood kasi palagi si Sapphire eh. We commonly called as GODDESS; it is for you to know kung bakit kami tinatawag na ganon. Napailing nalang ako saka muling humiga sa kama, nakakatamad talaga pumasok ng maaga. Mas preferred ko pa kung gabi. Hays. BZZT... BZZT... Madali kong kinapa ung cellphone ko sa tabi ko, alam ko na kung sino itong nagtext. It is either Perlas or Sapphire. Tinignan ko agad ung nag flash na name. FROM PEARL ARAH: Sinasabi ko na nga ba! Napakunot ung noo ko sa nabasa ko. Tss. Paano ito ba naman ung text oh! Napapaligiran kana namin! BANG! BANG! BANG! Sumuko kana! Hahaha! Oy AMEN lumabas kana sa lungga mo! Hindi kami makapasok, duuuhh! See? Sabi ko sainyo sobra lahat pagdating kay Perlas kaya wag ng magtaka. Hinayaan ko nalang 'to, paniguradong papasukin naman ito ni manang kaya bahala sila diyan hindi ako baba. Maliligo nalang muna ko. SAPPHIRE ALTHEA POV (BLOOD TASTER GODDESS) Pinagbuksan kami ng kasambahay ni Ame, kanina pa kaming apat rito. Ito kasi ang pinakamahirap magising saming lahat ang reason nito nakakatamad daw gumising ng maaga. Goodness! Tama naman siya doon pero as if we have a choice? Tch! Napairap ako bigla. "Naliligo palang yan si Ame." pahayag ni Perlas sa tabi ko, pinagmasdan ko lang ito. Kanina pa 'tong si Perlas eh! Kala mo umasta eh isa rin namang mabagal kumilos. Tsk! Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso papasok sa loob ng mansion ni Ame matapos kaming pagbuksan ni manang. "Kainis talaga yung lalaki kagabi noh? Asar eh." simulang salita ulit ni Perlas, hindi siya maka move on sa spy na pinatay namin kagabi. Simula ng bumalik kami dito sa Pilipinas, padami ng dami ang humahabol samin at kahit na nagtatago kami hindi namin maintindihan kung paano kami natutunton palagi. At iyon ang malaking palaisipan palagi saming lahat we lie low pero palagi kaming natutunton, nahahanap at palagi din namin iyon sino-solusyunan kagad. Tama nga ang sinabi ni Diamond kagabi, we can’t risk we need to be careful pero how? Ginawa na nga namin ang lahat pero its f*****g futile everytime. Padarag akong sumalampak sa sofa at ipinilig ang ulo para makapag isip, everything went chaos… *** 1 hour and 30 minutes LATER 8:00 AM Natanaw na agad namin si Amen na pababa ng staircase, halos dalawang oras din kaming naghintay sa aming mahal na reyna, naubos na ni Perlas lahat ng pagkain at kakababa palang nito. “Gaano ka kabagal? Are you slowpoke?” salubong ni Perlas kay Ame napa iling nalang ito saka inakbayan bago ginulo ang buhok. "Wag kanang mag reklamo dyn isa kadin namang mabagal kumilos!" senyas ni Amen samin saka dire-diretsong lumabas ng bahay, magkasabay kaming sumunod ni Citrine sa dalawa, “Our school seems isn’t normal for us.” napalingon ako ng magsalita ito bigla sa tabi ko. “What do you mean?” I answered back, she eyed on me. “Were hiding, we kept low profile, yet here we are enrolled in a school named ‘No one can escape’ Are we kidding ourselves?” Citrine muttered, napaisip ako. Totoo naman ang sinabi niya but Mr. Chan arrange our transfer napaka imposible namang ipahamak niya kami, he is with us for years. “No, we aren’t Cit besides we can’t run or hide forever and your paranoia isn’t doing any good.” alam kong nag aalala lang naman siya samin, we are all same, kahit ako nag aalala para sa isa’t isa pero do we have a choice? Right now all we can do is to run/hide or defend ourself silently, we can’t plan anything for our safety unless they say so or it’s a matter of life and death na as if kaya nilang gawin saming lahat, nanaginip sila ng gising kung ganon. “Alright however avoiding troubles we know we can’t, isn’t kind of being subtle all the time?” natatawang sagot niya sakin, tumango nalang ako bilang pag sang ayon. This is indeed true! Para kaming walking disaster na kahit anong iwas namin kusa kaming nilalapitan ng gulo and that’s a very bad thing! “Let bygones be bygones.” I answered back. Umiling nalang ito sakin at inakbayan ako, “Bygones be bygones indeed.” She whispered back bago humiwalay sakin at sumakay sa van na sasakyan namin lahat, we decide to use 1 car only para iwas din sa atensyon ng kung sino man ang mga nag aaral doon. Actually kung iisipin mo it’s a good thing for us kung sa school na iyon ay may karahasan at walang nakakalabas ng buhay maari na kung magpadala man ng spy doon ay hindi magtatagal so they can’t do anything unless ipasara nila o patayin lahat ng students doon. Advantage din samin iyon kung iisipin nilang maigi, kahit na duda din ako sa lugar na iyon. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana ng van, I hate morning school stuff and everything. PEARL ARAH POV (BLOODY AXE GODDESS) 1 hour LATER Nakarating narin kami sa parking ng school, isa isa kaming bumaba sa van, inilibot ko ang tingin ko sa paligid, malaki ito base palang sa parking lot na pinagbabaan samin. May iilan lang akong estudyanteng nakikita siguro nasa kanya kanya ng classroom o kung ano man. "Cit bakit parang walang students dito?" tanong ni Amen kay Cit, napalingon ako sa kanang gawi nila pero imbis na sumagot nag kibit balikat lang ito bilang tugon. Oo nga, mangilan ngilan lang ang students na nakikita ko eh. School ba ito o haunted house? Mas tipo ko kung slaughterhouse Hehehe! Kung nagtataka kayo at kung bakit puro birthstone ang name namin, huwag kayong mag-alala miski kami rin ay nagtataka. Hahaha! De joke lang! Ganito kasi iyon ayon sa kumupkop samin kaya daw birthstone ang ipinangalan samin dahil ito daw ung buwan kung saan nila kami nakilala. Kaya ayun, well tama kayong lahat kami ay ulila...iyan ang hindi ko masasagot sa ngayon, may tamang panahon naman para malaman lahat. Sumunod lang kami kay Mommy, mas prefer ko siyang tawaging mommy, kasi para ko siyang nanay. Nagsimula na kaming maglakad papuntang school grounds, kasabay ko maglakad si Amen habang nasa harap namin sila Cit at Sap-sap at nasa likod si Mommy, sisipol sipol akong sumunod sa dalawang nasa unahan. "Creepy~" bulong ni Amen sakin, nginisihan ko lang ito. Ano kayang creepy dito? It seems normal tska anong oras nadin malamang wala ng students ang mag gagala ng ganitong oras. Alas nuebe na and based on our schedule 09:30 am ang start ng klase namin for today only dahil narin transferee kami. And it seems normal to me ang school na ito less the name itself of course. "It seems normal to me." mahinang tugon ko. Creepy daw oh! Psh! Patuloy kami sa paglalakad ng huminto ung dalawa sa unahan. "Problem?" kalmadong tanong ni Amen sabay tingin sa paligid. Napapaligiran na pala kami ng mga lalaking mukhang estudyante ng school na 'to, base narin sa uniform na suot, wow! Finally, may mga students nadin kaming nakita bukod sa mga iilan na naglalakad kanina. "Pre mga chicks oh! Sexy nung red ung buhok!" – Mukhang paa #1 Literal na naningkit ung mata ko sa sinabi ng gagong kaharap namin. Panget naman ng mga ito! Mukhang mababaho! Duh! Tska, oh well sexy talaga kami, maganda pa! I smirked. "Oo nga pre! Pero mas gusto ko ung blonde ung buhok! Ang sexy!" – Mukhang paa #4 Naka busangot na lumingon si Sap-sap samin ni Amen. Like hindi na nila need pang lumingon, ramdam namin ang silakbo ng galit niyo! Woah! Silakbo talaga! Lalim pre! "I can smell some trouble here, perhaps a bloody one?" sarcastic na biro ni Amen sa tabi ko, tumikhim sa likod namin si Mommy, bahagya ko itong nilingon na umiling sakin bilang pag tutol sa sinabi ni Amen. Siniko ko ito bilang babala, "Ehh? Okay fine!" dismayadong bulong niya sakin, pareho talaga 'tong si Amen at si Sap-sap, mga atat mang bugbog pwede namang mamaya nalang pag uwian. Di pa nga kami nakakapasok sa loob eh. "Miss pwede kabang i-date?" – Mukhang paa #3 Ngising asong tanong nung ikatlo nilang kasama sabay lapit kay Citrine, hindi lang siya naka ngising aso, mukha talaga siyang aso sa paningin ko! Hindi man lang nag patinag yung isa sa kinatatayuan. Atapang atao! Yan talaga ang gusto ko kay Cit, Whahahaha! "Miss pipe kaba? Ang sabi ko gusto kitang i-date!" – Mukhang paa #1 Sabay lapit at hinawakan ang braso ni nito. Ahuh…wrong move ka diyan boy! No touched lalo na sa mga mababahong tulad niyo! Jusko! “Tinanong mo ba muna ako kung gusto kitang maka date?” seryosong sagot ni Citrine. Napa palakpak ako sa tuwa! Goodness gracious! Marunong sumagot ang kapatid namin! Thanks God! "Kaya na ni Citrine iyan." proud kong bulong kay Amen though hindi niya ako tinatanong! Eh sa gusto kong i-share ung thoughts ko! Bakit ba… Kanina padin ako nag pipigil ng init ng ulo dahil narin sa babala ni Mommy. Sa lahat pa naman ng ayoko ung nang babastos ng babae eh. Nakakapang init kaya ng ulo! "Pre hindi pipe! Sumagot!" – Mukhang paa #2 Sige matuwa kayo, mamaya lang wala na kayong buhay. Mga hinayupak! Ang lalakas ng loob na banggain kami! Napaka manyak pa ng mga hayup na estudyante na ito! Mukhang mababaho naman! Grr! "Sayang ka naman! Pero wag kang mag-alala dadalhin kita sa langit!" – Mukhang paa #3 Nakaka ubos din talaga ng pasensya ung mga hinayupak na ‘to eh noh? Ito ung sinasabi namin na kahit anong gawin naming lie low hindi talaga maiiwasan na hindi kami maka sakit. We are trying! "Bitawan mo ako." naka emphasized ang bawat salita na binitawan ni Cit. I eyed on them bahagyang nagulat si Mukhang paa #3 pero agad ding ngumisi. This is getting serious, I frowned. “It’s better if you all leave, it’s for your own safety.” Amen interrupted saka lumakad papalapit sa mga ito at huminto mismo sa tapat nila. Kinuwelyuhan ng isa si Amen, "Miss hindi mo kami basta basta matatakot! Wala kaming planong umalis sa harapan niyo hanggat hindi namin natitikman ung babaeng blonde ung buhok!” – Mukhang paa #4 Ngumisi ako sa inis, hindi na sila nakaka tuwa. Umagang umaga binu-bwesit kami ng mga ito. Imbis na nakapasok na sana kami sa loob ng classroom, heto at andito kami parang tanga na nakikipag talo sa mga mababang uri ng hayop. Simpleng hinawi ni Amen ung kamay na nasa damit niya. Yikes! Ang dirty! "Ang tapang mong babae ka! Ito ang bagay sayo!" – Mukhang paa #1 Kitang kita ko ang pagsugod ng tatlong kasama papunta sa gawi ni Amen, wow in fairness nag effort silang magdala ng baseball bat. Amazing! Mabilis kong tinakbo ang distansya namin sabay talon ng mataas pasa ere at walang segundo ay sabay sabay na tumumba kasabay ng pag lagapak ko ay siyang pagbagsak din nila sa lupa. Pinagpagan ko ang suot kong black leather leggings bago tumayo ng maayos. Naka tingin ang tatlo saki na para bang naging halimaw ako sa paningin nila, habang napa nganga ung isa sa may gilid. “Bring it on.” I smiled devilishly. Iyon ang naging hudyat na magsimula ang labanan. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD