Herson’s POV
“Henriques, may bisita ka,” tawag sa akin ng Pulis na naka duty ngayon. It’s my second day here kaya ayan natanggal na ang Mister kapag tinatawag ako.
Well, nakalabas naman ako kanina saglit at nakausap ko si Attorney Mia. Nagmamatigas pa rin siya hanggang ngayon. Wala na akong magagawa kung ayaw niya talaga.
Binuksan ng pulis ang selda at giniya ako patungo sa visitor’s area.
Si Benny pala ang naroon. Ang private investigator ko.
I hired him to dig more information about Ellena’s background. I’m doing my own investigation dahil wala akong masyadong tiwala sa justice system ng bansang ito.
Nakalabas nga ako kanina dahil sinuhulan ko ang isang jail guard.
Binati ko siya sa pamamagitan ng salute na may dalawang daliri.
At ganoon din ang tugon niya. Lumapit na ako at naupo sa table sa harapan niya.
“Ano balita?” panimula ko.
“Boss, may nakuha akong impormasyon tungkol sa lalaking kinakasama ni Ellena,” kwento niya at natigil saglit para sumulyap sa akin.
“Go on,” tugon ko sa kanya.
“Anthony Argus. Isang business tycoon na may koneksyon sa isang malaking sindikato gaya ng child and human traficking.”
Napabuntong-hininga siya. “Medyo bigatin ang kalaban mo boss.”
Napakunot-noo naman ako. “Bakit? Mas marami ba siyang pera kaysa sa’kin?”
“Hindi lang pera. Pati koneksiyon. Marami siyang galamay na nasa kapangyarihan.” Pagkasabi niya no’n ay napasulyap siya sa isang pulis na nakamatiyag sa amin sa malayo. At nilingon lo rin siya na nakatingin ng matalim sa amin.
Mayamaya pa ay bumulong. “Nandiyan lang sila sa paligid.”
Tinapik nito ang balikat ko. “Kaya mag-iingat ka boss.”
I smirked. Kaya ko ring kumuha ng koneksiyon kung gugustuhin ko. Pero wala naman ako talagang kasalanan kaya gusto kong linisin ang pangalan ko at palabasin ang katotohanan sa pagkamatay ni Ellena.
Kahit papaano ay naging parte din naman siya ng buhay ko. At kahit ano pa ang nagawa niyang kasalanan sa akin. Hindi ko rin naman hihilingin na sapitin niya ang gano’n. Kaya gagawin ko ang lahat para maresolba ang kasong ito. At mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dati kong asawa.
“Sige na. Ipagpatuloy mo lang ang pag-iimbestiga at mag-iingat ka,” sabi ko kay Benny at tatayo na sana pero bigla akong nilapitan ng Pulis. “May isa ka pang bisita Henriques.”
Matalim ko lang siyang tinitigan at mayamaya pa ay dumating na rin ang sinasabi niyang bisita.
It was a woman, and I don’t really know.
She is tall, fair skin, her beauty is like a british, and she sexy but—she is just generic for me. She wears a very fit blue short skirt and blue blazer with an inner white top.
She walked towards us as if she is trying to impress me. “Hello Mr. Henriques,” bati niyang may malapad na ngiti.
Nagpantig ang tainga ko sa pagkakabigkas niya sa apelyido ko. Hindi sipent H ang pagkakabigkas niya.
Nagpaalam na rin si Benny at umalis.
“I am Attorney Valerie Rivas. I am a lawyer. And I would like to represent you at the court,” pagpapakilala niya sa sarili. Medyo napataas ang kilay ko sa sinabi niyang huli.
Inabot niya ang kamay sa akin.
“Ahm… Attorney, It’s nice to meet you.”
Inabot ko rin ang kamay ko at nag shake hands kami. Naupo siya sa monobloc chair at maging ako ay bumalik din sa pag-upo.
Napansin kong may dala siyang folder.
“So, Mr. Henriques, I just want to tell you that I am one of the best lawyers in town. You know, I have a lot of experience with this kind of cases, we will surely win this.”
Medyo may kayabangan din ang isang ito.
I smiled politely. “Actually, I already asked Attorney Mia but—”
“Yeah. I heard about it. But don’t you know that her credibility is questionable? You know that there is a rumor circulating about her and—”
“I guess it’s beyond your business to talk ill about someone to other people just to make you name smells good!”
Pagpuputol ng boses ng bagong dating.
Napalingon kaming dalawa sa kung sino ang nagsalitang iyon at nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko iyon.
It's her. Attorney Mia Imperial.
“Excuse me Attorney Rivas but Mr. Enriques is already my client!” mataray niyang sabi.
She is walking towards us right now. And damn! Nakakaintimidate siyang maglakad. Simple lang naman ang suot niyang suit pero hindi ko alam kung bakit napapahanga ako sa buong presensiya niya.
Nang makalapit naman siya ay napatayo si Atty. Rivas. Sandali silang nagtagisan ng titig.
“Mr. Enriques.” she emphasized the correct pronounciation of my name and continued. “Asked me to represent him in court.”
Pagkasabi niya no’n ay napatingin siya sa akin. “Hindi ba Mr. Henriques?”
“Ahhh… yes.” nangangapang sagot ko.
Nadidyahe yata ako sa pagitan ng dalawang ito.
Medyo napahiya rin si Attorney Rivas doon kaya tumawa na lang siya kahit medyo awkward.
“Okay, I didn’t know.” napasulyap ito sa akin. “I respect your decision Mr. En—riques. I hope you will not regret it in the end.”.
“I won’t,” I answered.
After she said that, she stared at Mia with a disgust. At nginisihan lamang siya ni Mia. That’s my girl.
“I’ll be going,” sabi pa uli nito.
“Byeeee…” ma attitude na paalam ni Mia dito.
Nag-ikot lang ito ng mga mata saka tuluyan na ngang umalis. I was left amazed as I look at her.
“Wow. You’re actually here.”
Kumunot ang noo niya. “I’m here for my job as a lawyer. Nothing more, nothing less.” she was trying to look away and turned her attention to the documents that she was holding.
“What made you change your mind?” tanong ko na nakapanhalimbabang nakatingin sa kanya.
Parang naiirita siya sa pangungulit ko.
“Ayokong lumabag sa code of ethics—I shouldn’t discriminate a client. Okay ka na? Huwag masyadong feeling ah.”
Napailing na lang ako habang nakangiti.
Nag-ikot siya ng mata at ming itinuon ang atensiyon sa dokumento.
“Anyway, lumabas na nga pala ang initinial investigation. May kopya na rin ang pulisya sa CCTV footage bago nangyari,” pagsisimula niya.
“Inutusan ko ang staff ko na burahin iyong footage na pumasok ka—”
“Well thank you,” pagpuputol niya at muling nilihis ang usapan.
“Iyong kopya nila sa CCTV footage ay ang nangyari bago natagpuang patay si Ms. Ellena Dominguez.”
This time, she finally stared at me in the eyes.
“Nakita sa footage na sinakal mo si Ms. Dominguez. At pinagbantaan mong papatayin mo siya. Alam mo bang malakas na ebidensiya ito na ikaw nga ang pumatay sa kanya?”
She took a deep breath and continued to talk. “Unfortunately, pagkatapos no’n ay nagkaroon ng black-out kaya hindi na nakuha ang nangyari pagkatapos no’n. And when the lights came back. Nasa position ka na kung saan nakahandusay sa sahig si Ellena at naroon ka mismo sa harap ng walang buhay niyang katawan.”
She stared at me again. “How can you prove that your innocent?”
Napabuntong-hininga ako bago nakasagot. “I don’t know how this will go. But one thing I will assure you.”
With sincerity I looked at her in the eyes.
“I swear, I did not kill her.”