CHAPTER 9: Complicated

1740 Words
Mia’s POV “Nagsampa na rin ng kaso ang pamilya ni Ms. Dominguez. Homicide.” Pagkasabi ko niyon ay napalunok ako ng laway. Nakaka awkward. Ang lagkit kung makatitig ng ugok na ‘to. Hindi ko alam kung maitatawid ko ba ang kaso na ito. Naaasiwa akong talaga. Ano? Tatagal ka pa ba? Naisip ko tuloy kung bakit ba ako napapayag. Noong umalis siya kanina ay ilang beses kong pinag-isipan bago ako napunta rito. I thought about Dad. I thought about his last words to me. “Mia anak, I will be leaving in this world already. Wala nang pro-protekta sa’yo. Ang hinihiling ko lang sana, kung wala na ako ay makaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa. Bring back your dignity and prove them that you’re worth it. Remember that I always believe in you.” He believes in me. I know, kaya dapat ay hindi ko siya biguin. And I should start with this. Sa totoo lang, lately, wala akong nakukuhang client dahil sa issue na kinasasangkutan ko. At ang taong ito na nasa harapan ko lang ang nagkukumahob na kunin akong abogado para ipagtanggol siya. And this is an oppurtunity for me to bring back my glory. “Hayop ka!” Ikinagulat ko ang biglang pagsulpot ng isang babae sa visitor’s lounge, sa tingin ko ay nasa fourties na ito pero makikita mong maganda iton no’ng medyo bata bata pa. Agad itong sumugod palapit Kay Mr. Henriques at ginawaran siya ng malakas na sampal. Hindi naman nakailag ang huli dahil nakatalikod siya rito. Sunod-sunod na hampas pa ang ginawad nito sa kaniya. “Pinagkatiwalaan ka namin, paano mo nagawa ito sa anak ko? Bakit mo siya pinatay!!!” sigaw nito habang patuloy sa pananampal. Ito pala ang ina ni Ellena. Napatayo na si Herson para iwasan ang pag atake ng ginang sa kanya. “Tita, I did not kill her okay?” He tried to explain. “Porke niloko ka niya at pinagpalit sa ibang lalaki gagawin mo iyon sa kanya? Ha?” Unti-unting dumami ang mga tao sa loob at may dala pa itong mga camera at microphone. May mga suot ding IDs—mga taga media na galing sa malalaking TV Network. Lumakad ako patungo sa kinaroroonan ng pulisya. “Chief, excuse me ho pero bakit naman may media rito?” “Attorney, pinapunta ho iyan dito ng ina ng biktima. For publicity.” “Publicity? Ano ‘to? National issue? May pakialam ba ang Pilipinas dito?” Huminga ako ng malalim. Medyo nakakadismaya. Mas marami pang dapat pagtuonan ng pansing problema ang bansa kaysa sa ganitong issue na dapat sana ay tahimik na nireresolba. Lumingon akong muli sa gawi ni Herson at nakita kong umiiyak ang ina ni Ellena sa harap ng camera habang umaapela ng hustisya. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya pero nang matapos na ang pagkuha sa kanya ay bigla itong tumigil sa pag-iyak at pagkatapos ay parang wala lang nangyari—lumakad na ito palabas ng estasyon nf pulisya. Or should I say, parang katatapos lang umacting at pagkatapos ay back to normal na. Ngayon ay si Herson naman ang kinukuyog ng mga reporter. Nakatapat ang microphones ng mga ito sa kanya. “Sir, sir maaari ka bang magbigay ng statement tungkol sa nangyari…” “Sir ano po ang masasabi niyo tungkol sa mfa paratang sa inyo ng ina ng biktima…” “Sir sir. Kahit kaunting statement lang ho…” “Sir…” Halos magrambulan na ang mga tanong na ibinabato sa kanya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at nang naroon na ako ay agad akong humarang sa pagitan niya at ng media. “I am Attorney Mia Liza Imperial, I am his legal counsel and as of now, he is not allowed to give a statement. Sa korte na lamang po siya magsasalita. Kaya kung pwede huwag niyo na po siyang kulitin.” tumango tango ako at itinaboy ang media palayo sa kanya na nananatiling tuliro at hindi sanay sa nangyayari. Nagsi-alisan na rin ang makukulit na media at muli kong hinarap si Herson na nananatiling tahimik. “Are you okay Mr. Henriques?” untag ko sa kanya. He just stared at me with a serious expression. “I don’t know what I would do without you.” Para siyang maiiyak na ewan at kung wala yata kami sa presinto, baka niyakap na niya ako sa itsura niya, mukha kasi siyang na touch sa ginawa ko. Tumikhim naman ako bilang pagbabara sa kanya. “I am just doing my job. Don’t take it seriously.” Pagkasabi ko niyon ay siya ko namang pagpapaalam. “Non bailable ang kaso mo, kaya mananatili ka rito hangga’t hindi pa napapatunayang inosente ka. Don’t worry, sa makalawa na ang simula ng hearing kaya magtiis ka muna rito, I need to think about ways kung paano tayo lalamang sa unang hearing kahit napaka-imposible.” tiningnan ko siya bagp nagpatuloy sa pagpapaalam. “I’ll be back tomorrow.” “It’s okay. Ang mahalaga ay nandito ka na. At pumayag ka nang maging abogado ko.” Nginisihan ko na lamang siya ng pilit at saka tuluyan nang umalis. Nagtungo na ako sa sasakyan at nagmaneho pauwi. Nagsisimula nang tumaas ang stress levels ko. Pero ganoon naman talaga ang trabaho ko. Ang sumali sa problema ng iba, ang ipagtanggol ang nga taong magulo ang buhay. Kailangan ko pang bumalik sa bar at mag-imbestiga. Sa ngayon ay sarado ito at kailangan ma contact ang mga staff na nakaduty ng gabing iyon. Pero sa ngayon ay kailangan ko munang bumalik ng condo para pag-aralan ang mga susunod na hakbang. At kung paano lulusutan ang kuha sa CCTV footage. Habang on the way ako ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang dashboard at napag-alaman kong si Angel iyon. “Bakit?” sabi ko pagkasagot ko sa tawag. “Anong balita?” tanong niya. “I went there and talk to him.” “Tapos?” “Sabi ko ako na ang tatayong abogado niya.” “Anong plano mo?” tanong niya uli. “Sa makalawa na ang hearing. Kaya kailangan kong maghanap ng matibay na alibi niya,” sagot ko. “Need help?” she offered. “No. I want to do this on my own,”giit ko. Yes. It's the best thing that I should do. This is my case and I should do this on my own without the help of my sister. Kung dati hinayaan ko siyang makialam sa kaso ni Jaydee dahil sa mahal niya ito, ngayon ag panahon naman siguro na patunayan ko ang sarili ko bata pa lang kami ay lagi na akong umaasa sa nakamatanda kong kapatid. Ngayon ay panahon naman para patunayan kong kaya ko ring ma recognize na magaling na lawyer. Hindi man sa buong mundo o buong Lawyers community, kahit man lang sa mata ni Mommy. I want to prove to her that I am more than what she thinks I am. “I’m hanging up, bye.” Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa pagmamaneho papunta sa condo. Maghapon akong nakatutok sa laptop ko at paulit ulit na pinanuod ang footage. Sinimulan ko sa oras ng dumating si Herson sa bar. Mukhang matagal na rin na naroon si Ellena bago pa nakarating si Herson. If that’s the case. Maaaring may ibang ginawa si Ellena sa loob ng bar noong wala pa si Herson doon. Agad akong tumayo at nagbihis muli. Kailangan kung makita ang naunang kuha bago dumating si Herson. Maaaring may makalap akong imposrmasyon. Magtungo ako sa bar at nag-request muli ng CCTV footage for investigation purpose. Pagkatapos no’n ay bumalik ulit ako sa condo. Doing the same process ay patuloy kong in-analyze ang buong pangayayari bago sila nagkitang dalawa. KINABUKASAN, bumalik ako sa presinto para muling kausapin si Herson. “Sir, gusto ko sanang makausap ang kliyente kong si Mr. Henriques,” sabi ko sa isang Pulis. “Wala rito si Henriques. Isinugod sa ospital kagabi.” “What?” nanlalaki ang mga matang sambit ko. “Anong nangyari?” tanong ko. “Napagtripan ng mga kakosa. May nilagay na kung ano sa pagkain.” “Nalason ba siya?” tanong kong muli pero hindi ko na hinintay pang makasagot sang pulis. Agad na akong ngtanong ng kasunod. “Saang ospital?” “Diyan lang ho sa St. Anne Med—” Agad na akong tumakbo palabas at tinungo ang sasakyan ko. Nagmaneho na ako papunta sa ospital. Huwag naman sana siyang mateggy. Hindi pa nga nagsisimula ang laban. Pagkarating ko ay agad kong tinungo ang nurse station para magtanong. “Miss saan ho ang room ng pasyenteng si Herson Henriques?” tanong ko sa nakaduty na nurse. “Sa room 402 ma’am VIP floor,” sagot ng nurse at agad namana akong nagtungo sa room na sinasabi. At narating ko nga ang VIP floor. Wow. Presong VIP. Agad kong nakita ang room 402 dahil may nakabantay na dalawang Pulis sa labas ng pinto. Nilapitan ko ang mga ito at nagpakilala na ako. “I am Attprney Imperial, his lawyer.” Agad naman nila akong pinapasok. At naabutan ko ngan nakahiha sa cozy hospital bed si Herson. “What happened to you?” tanong ko. He just gave me a f*****g sweet smile before he answered. “I’m glad you came.” Nag-ikot ako ng mga mata. “You’re still fantansizing despite what happened to you! Tingnan mo nga sarili mo!” Bigla itong kumunot ng mukha at napahawak sa tiyan na tila namimilipit. “Ouch!” ani niya na ikimataranta ko. “Oh no! Mr. Henriques ano ba? What is happening to you?!” I really don’t know what to do and I am so scared right now. Napapahawak na lang ako sa bibig. “Wait, tatawag ako ng nurse,” sabi ko saka humakbang para tunguhin ng pinto. “Okay na pala ako,” sabi niya bigla na ikinatigil ko. Kunot-noo akong napaharap muli sa kanya at naghalukipkip. “Niloloko mo ba ako?” tanong ko. “Did I scare you?” tanong niya habang tumatawa. “Leche ka! Tumatawa ka pa talaga? Manloloko!” Tinanggal ko ang isa sa pares ng sapatos ko at ibinato ko sa kanya. Tinamaan naman siya sa dibdib. “Ouch!” daing niya na tila nasaktan siya dahil ang takong ko mismo ang tumama sa dibdib niya. Mahinhin naman akong klase mg babae kaso lumalabas talaga ang pagka tigre ko kapag ito ang kaharap ko. “I’m sorry Attorney,” paghingi niya ng paumanhin. “Sorry mo mukha mo!” sagot ko naman. Tumawa ulit siya ng mahina then he started to explain. “Somebody put an allergen to my food. Kaya inatake ako. Pero okay na ako, don’t worry.” Nanatili lang akong tahimik kaya nagsalita ulit siya. “Did I scare you?” he asked. And I snorted. “Excuse me! Sinong nagsabi na nagwo-worry ako? At sinong nagsabing natakot ako?” mararay kong sabi at nag arko pa ng kilay. At ang walanghiya. Ngingisi ngisi lang talaga. “Girls are so complicated.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD