Herson’s POV Nara-rattle ako sa nangyayari pero kailangang maging alerto dahil hindi lang ang buhay ko ang nasa panganib kundi ang buhay ng babaeng kasama ko ngayon. Alam kong ako ang puntirya ng mga taong nasa likod nito ay ako. Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng private investigator ko tungkol sa lalaking kinakasama ni Ellena. Isa raw itong bigating lider ng sindikato. At marahil ay pinupuntirya niya ako ngayon. “Ano bang kailangan nila? Bakit nila inambush ang sinasakyan natin?” natatarantang tanong ni Mia. “Ako siguro ang traget nila,” sagot ko naman. “Anong gagawin natin? Ayoko pang mamatay please!” Natataranta na siya ngayon at nanginginig sa takot. “Kumalma ka muna, okay?” Sabi ko saka hinawakan ang mga kamay niya kahit nakaposas ako. Patuloy naman sa pakikipagbarilan ang i

