Bella POV Tulad nga pinangako ni Harris sa akin. Hindi nya sinabi kung saan nakatira si Jea." Kausap lang nya kanina si Carlos ng makarating kami sa bahay." Nakikita ko problemado ang lalaki siguro hindi pa nya alam kung saan si Jea." Yan nga ang bagay sa lalaking manloloko. Alam nya na may nobya ito gumawa pa sya ng kasalanan. Mabuti na lang nagbago na si Harris kung hindi baka hindi ko rin sya mapatawad sa ginawa nya sa kin. "Honey, bakit tulala ka dyan. Ito may juice ako dinala para sa' yo, inumin ko muna nakakalusog sa katawan," pahayag nito sa akin. "Salamat, Honey?" tungon ko dito sabay yakap sa kanya. Sana ganito na lang kami ng mahal ko. Sana wala nang bukas upang makasama ko pa ito ng matagal. "Honey, anong sabi ni Carlos sa' yo, bakit nandito sya kanina?" tanong ko sa a

