Bella POV Masaya kami kumain parang pamilya ko na lahat nakatira dito sa bahay ni Harris. Hindi ko sila tinuri na katulong o ano man. "Sige, pa kumain kayo ang dami pang pagkain nakahain?" saad ko sa mga ito. "Salamat," sabay-sabay nila saad sa akin. Nawala ang pag-alala ko tungkol sa anak ko. "Mom, tapos na po ako, " saad nito sa akin. "Sige," sagot ko. Binuhat ko ito patungo sa lababo upang maghugas ng kamay. Nang matapos kami kanya-kanya na kami umalis. "Honey, pwede ba kita makausap kahit saglit lang?" seryosong saad ni Harris sa akin. "Ano, iyon bakit tila balisa ka?" tanong ko dito. "Honey, kailangan may personal taga bantay ni Clark. Dahil nakita nya may sasakyan raw naka parada sa labas ng bahay natin," pahayag nito sa akin. "Ha? Bakit hindi man lang nahalata ng tau

