Rennei.
"Grace ano ba yang pinabili mo red horse?"
Nanlalaking matang tanong ko.
(Jusko po! Hindi ako umiinom ng redhorse, panigurado masisipa talaga ako ng pulang kabayo)
"Oo isla, yan kasi madalas inumin namin dito eh, bakit di ka umiinom ng red horse?" Tanong ni grace.
Alinlangan tumingin ako sa mga kasama namin na iinom, nakatingin sakin hinihintay ang sagot ko.
(Itawa ko nalang bessy ???)
"Ikaw naman grace, yan din ang madalas na inumin samin, lalo na yung mga kapatid ko jusko kahit 12 case kaya" pilit ang ngiti na sagot ko.
(Putsa, bahala na. Bahala na kung mag tawag man ng uwak. Ayoko ng red horse!!!! ???)
"Bat samin? Ikaw ba di ka umiinom?, ano ba madalas mo na iniinom isla?" Tanong ni mia kasambahay din.
"Ay syempre kasama na ako sa samin na yun, kung hindi nyo na tatanong yang pulang kabayo na yan ang favorite ko sa lahat" mayabang na sagot ko may ngiti pa sa labi.
(Tingnan ko lang kung may ngiti pa akong ilalabas mamaya, yabang ko eh)
Nakikisama lang naman ako eh, ayaw ko naman kasing maiba yung iinumin ko, sila naka beer ako naka tequila,anong saya dun diba?, baka isipin pa nila kj ako at sosyalin ang alak na iniinum ko. Yun naman talaga kasi lagi naming iniinum magpipinsan eh.
"Talaga isla?, i tetext ko si ryan, papadagdag ko pang pito tong alak natin. mukhang mapapalaban kami sayo ah, panigurado lasing na kami ikaw hindi pa" tumatawang sabi ni manang moreng na gusto nyang ika iyak.
(Ano daw?, pinagloloko ba ako ng mga to? Sa sinabi nito gusto ko ng mag paalam na matutulog nalang)
"Ay manang moreng naman, ok na yang lima na yan. Baka nga di pa natin maubos yan eh, at naku hindi po ako malakas uminom." Ngingiti ngiting sagot ko. Pwede na siguro yun para di nila ako painumin ng marami.
(Jusko pag nalalasing ako nag iiba pagkatao ko, meron ng umiiyak, nag eenglish, at tumatawa kahit di nakakatuwa, at malala baka mag sasayaw pa ako dito jusko!)
"Ganto nalang, pag naubos natin yang 5 na yan, pag kulang dun nalang natin i text si ryan at magpabili ulit tayo" sabi ni mia, katulong din sa mansion.
"Baka di na sya palabasin nung guard sa gate, dapat umpisahan na natin, wait lang natin kunti si grace, humingi sya ng pulutan kay manang selya" sabi ni may.
(Lord, bahala na po kayo sakin, kung ano man po ang kakalabasan nito. Sumalangit nawa ang aking kaluluwa. Panigurado ang kalalabasan nito wasted na wasted ako. Hindi ko na alam nyan mga pinaggagawa ko huhuhu ???)
Pinag bubuksan na ang mga bote ng alak, naka paikot kami sa isang mesa sa likod ng quarter, medyo malayo kasi ang quarter sa mansion kaya di na makikita yung likod ng quarter, yung likuran ng quarter ay bakod na ng mansion, may ilaw naman, kaya kitang kita naman ang mga magaganda naming pag mumukha.
"Isla inumin mo yang sayo, aba halos nakakalahati na namin tong samin at mawawala na yang lamig nyan" si manang moreng.
Naamoy ko palang ang red horse gusto ko ng masuka. Nakakasuka yung amoy. Sinalin ko sa baso yung akin.
(Tanna, puro puro, ni wala mang yelo o juice pangit kaya ng lasa ng red horse)
Sumipsip ako sa beer ko na nilagay sa baso, nang matikman ko naibalik ko ulit sa baso yung ininum ko. At dali dali akong kumuha ng pampatanggal ng pait na mapakla na matabang na ewan ng alak. Nakita ko yung mentols kaagad akong kumuha.
(Oh thanks god, medyo nawala)
"Dapat grace nag kuha ka ng yelo para di mawala yung lamig ng alak" suggest ni manang moreng.
"Ay oo, nakalimutan ko kukuha nga pala ako. Wait lang. May gusto pa ba kayong kainin?" Tanong ni grace.
(Pwedeng juice?)
"Wala na grace, yelo nalang dami pa nating pagkain dito, baka di man maubos" si mia.
Ako di kumikibo, dahil sa totoo lang gusto ko ng tumakas, napa subok ata ako.
After 30 mins
Tumingin tingin muna ako sa mga kasama ko, nang mapansin ko na busy ang mga ito sa pag kwekwentuhan, pasimple kong itinapon yung laman ng baso ko sa gilid, kanina ko pa ginagawa ito.
Sa totoo lang di ko na kaya, halos nakakalahati ko na yung laman ng bote ko, siguro dahil di ako sanay sa beer, agad akong tinamaan. Kaya gumagawa na ako ng paraan. Mahirap na pag nalasing ako ng tuluyan. Baka di ako maayos ng mga ito.
"Oy! Isla! Tinatapon mo ata yung sayo?" Tanong ni mia titig na titig sakin.
Napatingin na din sakin yung iba.
(Anak ng tinapa na ipipirito. Letse na mia na to)
"Ay hindi, may nakita akong niknik sa inumin ko, kaya tinapon ko, ayoko naman uminum ng alak na may niknik" kaila ko. Buti nalang genius ako.
Nagsipag nod ang mga ito. Pero di parin inaalis ang tingin sakin. Parang pinag iisipan muna nila kung maniniwala sila sakin o hindi. Nginitian ko sila at nag salin ulit ako ng alak sa baso ko, pinakita ko muna yun sa kanila bago ko inistraight.
Halos masuka suka ako ng maubos ko ang laman.
(Ayan kase! Pakitang gilas ka kasi gagu)
"Oh diba, sabi ko naman sa inyo, di ko tinatapon eh" sabi ko sakanila.
Pero ngayon pag nagsalin ako ng alak sa baso ko, titingnan nila ako. Tinitingnan kong iinumin ko ba o itatapon. Syempre ako naman si pakitang gilas iistraight ko ulit. Hindi ko na tuloy maiwasan na di inumin ang beer ko. Gusto ko ng umiyak.
At yun na nga tinamaan na ng magaling.
35 mins later.
"Oh guys, don't you knowwww...... Ayyyy ab bin to Singapore, wed may pamele? Ha ha ha, hinde nyo alam noooo? " tatawa tawang tanong ko sa mga ito.
"Dont engles us, i dont understand us" sagot naman ni grace. Na naka yuko na sa mesa.
Si may nakatulog na sa sobrang lasing kanina, napag tripan na nga namin sya eh. Pero si manang moreng at si mia, talagang pilit na inuubos yung alak na pinabili pa nila kay ryan. Halos kasama ako sa naka ubos nun kaya hindi ko na alam ang mga binagsasabe ko.
"Ooowww, i dont engles you, dibah manang moreng galeng na akung sengapore?" Tanong ko kay manang moreng.
"Galing ka na ba dun isla?" Tanong ni manang.
"Ay opooh, wed my famele nga, awteng po manang moringgg..." Sagot ko.
Sabay subsub sa mesa, nahihirapan akong magsalita na naka angat ulo ko, ang bigat na eh, kaya i susubsub ko muna sa mesa.
Napaangat ng ulo si grace.
"Talaga isla?, hang yaman nyooo palah eh" papikit pikit na sabi ni grace.
"Noooooohh, wernot rechhh, (sabay taas ng kamay at nakapikit pa, feeling ko ang bigat ng mata ko) my aunt ish the richhh, na blebliss lang kame nang rechh nyahh" sagot ko.
Nakita kong nagkatinginan si mia at aling moreng. Tumawa ako.
"HA HA HA JOKE! (sabay taas ng kamay at peace sign ✌) nagbibiroow lang akoohh hahah" tumatawang sabi ko sabay angat ng ulo.
Ayoko ng naka yuko, umiikot yung ulo ko.
Napailing iling naman si manang moreng. Pero si mia nakatitig parin sakin ng matiman. Nginitian nya ito.
(Oy lasing lang ako pero alam ko pa pagkatao ko)
Biglang tumayo si grace. Medyo sumuray pa ito napahawak lang sa mesa.
"Wait langggg... Naiihe ako, babalik din ako di pa taposs aken" pasuray suray ito habang naglalakad meron na mapapahawak ito sa pader at hihinto. Meron naman na uupo muna ito at tatayo at malalakad ulit.
Kinuha ko ang nangangalahati ko na na alak at uminum dun, di na ako naka pag ninja kanina, mula kanina sinusubaybayan nila yung pag inom ko, kala mo drama na inihintay hintay nila.
Halos naka tatlo din ata ako ng bote ng red horse. Tiningnan ko yung mga bote na nainum ko, at binilang tatlo nga. Lakas ko. Kaya parang sarili ko nalang ang naririnig ko. At antok na antok ako. Bumibigay na talaga mata ko. Pero na iihi ako. Kanina pa nga ako ihi nang ihi, kahit isang drum meron na siguro akong naihi.
Pero di ko na matiis uminom muna ako sa baso ko at biglang tumayo, pagtayo ko upo ulit.
(Sheeetttt...)
Masama to, di ko na kayang tumayo.
"San ka pupunta isla?" Sabay na tanong ni manang at ni mia.
Dahan dahan akong tumayo, habang naka pikit. Para kasing umiikot paligid ko pag nakamulat ako eh.
Humawak ako sa gilid ng mesa for balance.
"Naiihe na pohh ako waitt lang po" nagmamadaling sabi ko.
Dahan dahan akong naglakad, kapit dito kapit dun. Sandal dito sandal dun habang naka pikit. Hilong hilo na talaga ako. At ihing ihi pa. Kung hindi lang pangit tingnan at bawal, umihi na ako kung saan saan.
Nang makarating ako sa quarter na feeling ko 1 hour ko hinanap ng naka pikit. Sarado naman ang banyo. Kumatok katok ako pero walang sumasagot. Pilit kong pinihit yung door knob pero naka lock. Yung legs ko di na alam kung pano mag ekis ekis para wag lang lumabas yung ihi ko.
Napatalon talon ako ng bahagya ng feeling ko talaga lalabas na kaya nag isip ako kung san pa pwede umihi.
(Ting!... Dun sa may swimming pool my cr dun)
Dali dali akong lumabas ng quarter, at halos matumba na ako sa pagmamadali ko na makapunta sa pool side, medyo malapit na yung pool dito. Dahil na din sa patakbong ginawa ko lalo akong nahilo. Kaya ng makarating ako sa cr bigla akong napaluhod at napahawak sa door knob.
(Aww powta ang tanga ko naman)
Panigurado gasgas at bugbug tuhod ko bukas. Dali dali akong tumayo, nang ma feel ko na lumalabas na yung ihi ko. Hindi ko na nabuksan yung ilaw at nasarado yung pinto wala naman atang tao eh, dali dali kung ibinaba yung short ko at sabay upo sa toilet bowl, at napahawak ako sa pader. Ngayon talagang umiikot na ang paligid ko.
(Shettt... Di ko na kaya. nasusuka nako. Oh gawd kailangan kong itaas yung short ko. Ano ba ang uunahin ko? Umiikot na talaga yung paligid ko ang lakas)
Itinaas ko agad yung short ko di ko na nga nasarado yung zipper at butones, at napaupo ako sa sahig at nayakap ko yung toilet bowl at tumawag agad ng uwak. Inuwak ko lahat ata yung mga kinain ko kanina.
Nang matapos ako sa pagtawag ng uwak, hinang hina ako, gusto ko na ngang matulog dun. Kaso naisip ko kung ano mangyayari sakin bukas kung makikita ako dito, baka isipin na r**e ako jusme. Kahihiyan.
Humawak ako sa towel holder, at dun kumuha ng pwersa para tumayo. Pasuray suray akong lumabas ng banyo. At pahinto hinto at papikit pikit at napapakapit sa lahat ng nadadaanan kong pwedeng kapitan.
(Eto na ata pinaka worst ko na pag inum ng alak, never nangyari sakin ang ganto).
Nag lakad lakad pa ako malapit sa pool. Kahit hilo na, para kasing tinatawag at nang hihikayat yung pool na lumapit ako sa kanya matulog sa tabi nito.
(Pano kung gumulong ako tas nahulog sa pool mamamatay na ba ako nun?)
"What the f**k are you doing?!, are you f*****g drunk?" Galit na pasigaw na tanong nang isang taong nasa dilim.
Bigla akong napasigaw at sa gulat napaatras, shoot...... Wala na pala akong aatrasan dahil tubig na ang aatrasan ko.
Splashhhhhhhhhhhhhhh........
(Mamamatay na nga talaga ako. Sanhi kalasingan at pagkalunod)