Rennei.
Nang imulat ko ang mga mata ko puro puti nakikita ko.
Napahawak ako sa ulo ko.
(Awtsss, bat ang sakit ng ulo ko?)
Pilit kong inalala kung anong nangyari sakin, pati buong katawan ko ang sakit.
(Ano bang nangyari sakin?)
Ipinikit ko ang mata ko at inisip kung anong nangyari sakin.
(Oh s**t! Nalasing ako at nahulog sa swimming pool!, at di ko na alam ang sumunod na nangyari)
Yun lang ang naalala ko. Patay na ata ako? Inimulat ko ulit ang mata ko. At puti ulit ang nakikita ko. Pumukit pikit ako. Baka sakaling maiba makita ko. Pero hindi.
(Oh god, patay na ata talaga ako, ganto ba sa langit? Puti lahat?)
Pinag masdan ko ang kapaligiran ko.
(May pinto, may tv, may air con, ganto pala sa heaven, kung alam ko lang ganto itsura matagal na akong pumaitaas)
Medyo nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na naka puti, medyo nasilaw pa ako kaya di ko masyado maaninag.
(Ow gawd, patay na nga talaga ako. May angel na susundo sakin)
(Maganda siguro tigil tigilan mo muna kakanood ng mga drama drama at fantasy fantasy nag hahallucination ka na baliw)
sagot ng kabilang utak ko.
Isinarado ng naka puti ang pinto. At hindi nga sya isang angel, kundi isang nurse.
"Hi, kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sakin. Habang may kung anong sinusulat sa board na hawak nito.
(Humihinga pa)
"Ayos lang, medyo masakit yung ulo at katawan ko" sagot ko at ngumiti ng bahagya.
(Asual, nasa hospital nanaman ako. Sino nag babantay sakin?)
Bigla akong kinabahan, sino nagbabantay sakin? Ako lang bang mag isa? Ay pano ko babayaran to? Pinabayaan na ba nila ako? Sa naisip nangilid ang luha ko.
Napatingin sakin si ate nurse.
"Oh bakit ka umiiyak?, may masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nito.
Umiling iling ako, pero patuloy parin sa pagpatak ang luha ko. Natatakot ako na kinakabahan. Pano ako tatakas dito? Pano ko babayaran to? Ni wala man akong pera ahhhhhuhuhuhu.
"Wala ba talagang masakit sayo? Tawagin ko ba si doc?" Tanong pa nito.
Lalo akong napaiyak.
(Tatawagin nya pa daw si doc! Manhid ka ba wala nga akong pambayad eh!)
Pano nako neto?, walang pera walang damit, owww kahit undies lang wala, wala pang cellphone, pano ako tatawag nyan sa pamilya ko para mag pasundo.
(Ayan, ayan, tingnan mo nangyayari sayo, gumala ka pa sige)
Kahit naman may cellphone ako di ko naman alam number ng mga magulang ko. Ngayon ako nagsisi na dapat talaga kinukuha ko number nila para sa emergency na ganto matatawagan ko sila.
(Anong kabobohan tong mga pinag gagawa ko?)
Makipag chat kaya ako kay ate nurse.
Dahan dahan akong umupo, nang makita ni ate nurse na uupo ako inalalayan nya kaagad ako at isinandal.
"Thank you. Ummmm... Ate... Ahmm pwede bang ano- (sabay nahihiyang ngiti, at punas ng luha) ano te pwede po bang maka hiram ng cellphone heheh?"
"Sure, sino tatawagan mo si mr. strattan?"tanong nito habang nilalagay ang pang bp sa braso ko.
Napamulagat ako ng mata at napatingin dito.
"Po?" Nag tatakang tanong ko dito.
"Sabi ni mr.strattan, babalik daw sya mamaya, total naman daw natutulog ka pa daw, hinahabilin ka nya muna sakin" sabi nito habang hinahagilap ang pulso ko.
"May nagbabantay po pala sakin, kala ko po wala" bigla nanaman nangilid ang luha ko.
(Ihhh! Bat napaka babaw ng luha ko! Sobrang touched ko naiiyak ako. Apaka apaka ewan ko!)
Tumawa si ate nurse.
"Kaya ka umiiyak no?, akala mo walang nagbabantay sayo?"
Tumango tango ako, umiling iling ito.
"Dapat nag tanong ka, normal lang bp mo, baka mamayang gabi lang pwede ka nang lumabas kung di mamaya baka bukas ng umaga, magpahinga ka na muna, kung may kailangan ka pindutin mo lang tong button na to ah" sabi nito nag pasalamat ako dito at pagkatapos inayos na nito ang mga gamit at lumabas na.
"Ate pwede pong magtanong, bakit po ako andito?"
Tanong ko dito lubusin ko na.
"Di mo maalala?" Tatakang tanong nito
(Kung naaalala ko tatanong ba ako?)
Sagot ng demonyong isip ko.
"Hindi ate eh, basta last na naalala ko nahulog ako sa pool" sagot ko dito.
"Sinugod ka kagabi sa hospital ng walang malay, ang sabi lang nahulog ka sa pool at sinagip ka ni mr. strattan" paliwanag nito
Nag pasalamat ako dito. At nang lumabas ito ng room, sumandal ako sa higaan, at nang makita ang remote ng tv kinuha ko yun.
(Manonood nalang ako boring eh, pwede naman akong i discharge ngayon ah, ayos na ayos na pakiramdam ko. Medyo masakit lang ulo at katawan ko pero ayos na ako)
Nang magmulat ulit ako. Nakatulog pala ako. Nakita ko agad si bien, pinagmasdan kong mabuti kung si bien nga. Medyo nanlalabo pa mata ko kaya kinusot kusot ko.
"Bien?.."
Tumingin ito sa akin. At tumayo mula sa sofa na inuupuan at lumapit sa hospital bed na hinihigaan ko.
"Bat ikaw nagbabantay sakin?" Nagtatakang tanong ko.
Nag roll eyes ito. Kumuha ng upuan at umupo sa tabi ng higaan ko.
"My brother happened. Do you need anything? Water?" Tanong nito.
Tumango tango ako. Tumayo ito at kinuha ako ng tubig.
"Bat kayo nagbabantay sakin? Pwedi naman si grace" tanong ko dito pagkatapos kong uminom ng tubig.
"You know, my kuya already suggested it, but our mum won't allowed it. She said, kasalanan daw ni kuya why you are in the hospital right now" sagot nito habang nagbabalat ng orange. At binigay sa akin ang kalahati.
"Hindi nyo naman kailangan gawin yun, kahit umuwi ka na ngayon ok lang kaya ko naman sarili ko. At pwede mo na rin akong isama kung gusto mo?" Ako.
Tumawa ito. At umiling iling.
"Pag sinabi ni mama sinabi nya. Kaya walang nagawa si kuya kagabe kaya sya nag bantay sayo until this morning. Naki pag palit lang sya saakin he said he needs to take a rest and nap. Pag nalaman ni mum na ako nagbantay maggalit yun, gusto nya si kuya lang magbantay dahil kasalanan nya daw. Paliwanag nito. Bigla akong napatingin dito.
Bat gagawin ni tita cecilia yun eh, partially kasalanan ko din naman.
"Hindi naman kasalanan lahat ni kuya mo, may kasalanan din naman ako" paliwanag ko dito.
"My brother already said that to our mum, but she won't listened to him, after they got home last night she was so ecstatic, i think my mum trying to pair you with my brother, match making you know?" Tumatawang sagot nito habang umiiling iling.
Napatingin ako sa kanya. Bat ito umiiling iling? Pangit ba ang idea na maging kami ng kuya nya? Ganun?!
(Umaasa ka naman nako, malay mo talagang nag aalala lang si tita cecilia sayo)
"Bakit ka umiiling iling dyan?, di naman ako pangit ah, ganda ko nga eh, dami kayang nag kaka gusto sakin" pagmamalaki ko dito.
Lalong lumakas ang tawa nito at napahawak pa sa tyan nito.
Tinitigan nya ito ng masama.
"No wonder why my mum loves you so much, coz you are crazy just like her" tumatawa padin ito. At napatawa din ako.
"Hala susumbong kita kay tita sinabihan mo syang baliw" ako.
"She knows, even my dad told her she's crazy. That's why my dad loves her so much" sagot nito. At napangiti habang nakatingin sa malayo.
"I wish to find a woman like my mum. Caring, lovable and carefree, someone i will cherish till the day i die" nakangiting sagot nito, habang nakatingin sakin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Hindi mo masasabi yan, pag nagmahal ka, kahit di mo mahanap yang katangian tulad ng sa mama mo, mamahalin at mamahalin mo pa din ang tao na yun, at tatanggapin ng buong puso. pag minahal mo sya. Kahit ano pa sya tanggap mo. Nagmahal ka eh, syempre tanggapin mo kung ano sya at wag mong ipilit yung bagay na gusto mo na maging siya. Balang araw mas mamahalin mo pa yung taong natural ang ugali kesa sa mapagpanggap" paliwanag ko dito. Bata pa ito madami pa itong pag dadaanan.
(Parang ikaw tanda mo na ah)
"I know, but I'm still hoping that I'll find someone like my mum, there's nothing wrong in hoping, but i think you and my kuya is no no, i mean, my kuya is so deeply inlove with someone else. So no chances. Whatever my mum's cooking it's worthless." Bien.
Napatingin ako dito. Wuttt????
Deeply inlove?? Si Eli? Deeply inlove? Ay hindi mali lang dinig ko, di kasi ayusin nito pag eenglish eh.
"Ano? Deeply inlove si Eli?"
Gulat na tanong ko dito.
(I kenat)
"Ahh yeah, staying strong sila ni ate morghan for 17 months na siguro?" Walang kaatoy atoy na sagot nito.
(Huwatttt????! 5mos nalang 2 years na sila!, powta bat di ko nababalitaan ito?!)
"Alam ba ni tita cecilia ito?" Tanong ko.
"Yeah, my mum dont like her, not totally don't like her, but morghan is so uptight, kuya is serious and kinda carefree. I think they are so perfect for each other. Yeah, like i said she's uptight, but she's a good girl, i just dont know why my mum dont kinda like her." Sagot nito at umiiling iling.
Pero sa mga paliwanang ni bien parang wala akong narinig.
Ang nasa utak ko lang si Eli deeply inlove at morghan. Na uptight na perfect for each other daw sila ni eli.
"Anong ibig mong sabihin na uptight sya? Like strict sya ganun?"
Tumawa ito.
"No, hindi strict si ate mor, ayaw nyang nagkakamali in public or kahit tumawa man ng malakas in public. To tell you the truth she's boring. I dont know why kuya gusto yung mga ganung babae, all the girls he dated they are all serious, they need to chill you know. Yun yung mga babaeng ma cacall mo na perfect. Modess, uptight, and boring, seriousness overload. Sabagay boring si kuya, madalang lang yun maging carefree pag kasama kaming pamilya nya or mga barkada nya. But most of the time serious sya. Don't worry you are more cooler than her and superb crazy than anyone i know. Tumawa ito at umiling iling.
Ngumiti ako pero na fefeel ko yung heart ko nawarak sa dibdib ko.
(Oa, ni hindi mo pa nga nakakausap si eli maka acting ka wagas)
(Ulul pake mo ba kung magdrama ako ako?) Sagot ng kabilang utak ko.