Rennei.
"Oh goddamned! whatever, be here soon as possible" bien said then he ended the call.
"Sino nakausap mo?" Tanong ko dito.
He rolled his eyes at bumuntong hininga. At pabagsak na umupo sa sofa.
"It was V, i told him to tell kuya to pick us, coz i can't reach him. But the wise ass is not home. He's in his f*****g condo. V will be here soon so pack your things. If you need help just call me, I'll just gonna buy something. be right back" sabi nito, at lumabas na ng room.
(Baliw ata si bien, pano ko siya i cacall ni wala akong cellphone at wala akong number nya. Ano yun? Mag iimangine ako ganern?)
Umiling iling ako, at tumayo mula sa kama, kinuha ko yung paper bag na dala ni bien kagabi, di ko agad napansin sinabi nya lang ngayon umaga. Galing daw kay tita cecilia, pampalit kuno.
Pumunta ako sa banyo at naligo, may toothbrush at toothpaste din dun, may undies din. Imagine kaliit na paper bag nagkasya lahat dun. Kala mo lang bulsa ni doraemond.
Nang matapos ako, feeling ko fresh na fresh ng pakiramdam ko. Jusko kanina naglalagkit na yung face ko. Oily face kasi ako. At nagugutom na ako. Gusto ko ng pancit canton. Hahahah.
Paglabas ko ng banyo wala pa din si bien.
"Sabi ni bien- pack your things, eh wala naman akong i papack dito eh, parang timang" bulong bulong ko habang palinga linga sa loob ng hospital room.
Tinitingnan ko kung may gamit ako na dapat i pack hahahah. Kaso wala naman, tong paper bag lang na dala nila ang gamit ko.
Biglang kumulo ang tyan ko, malungkot akong napangiti.
(Kawawa naman tong tyan ko)
"Kawawa ka naman tyan, wag kang mag alala maghahanap tayong kakainin natin baby"
Sabi ko habang himas himas ang tyan ko.
Lumakad ako papunta sa may ref, binuksan ko yun, ang laman bottled water, tinapay at frutas ayoko neto.
(Gusto ko talaga pancit canton!!!)
"Mag tyaga nalang muna tayo sa tinapay tummy, kaya habang di tayo nakakauwi, kainin mo muna yung maliliit na bituka na kapatid mo, nang pareho tayong makaraos ne" sabi ko ulit habang himas himas ang tyan ko kala mo buntis lang.
Kumulo ulit yun. Krukruuuoonnnggg ika.
"Tiis tiis ka muna sa maliliit na bituka, gusto ko talaga pancit canton eh!, manahimik ka kuna please-"
"Are you talking to yourself?"
Gulat na napatingin ako kay bien. Oh s**t kinabahan ako dun ah, buysit na bien na to papatayin ata ako!
"Papatayin mo ba ako?" Tanong ko dito habang hawak hawak ang dibdib.
Tumawa ito sabay turo sakin.
"You're really talking to yourself, oh god you're crazy!"
Tumawa ito, at napahawak pa sa tyan nito. Grabe ah, kala mo ngayon lang nakakita ng taong kinakausap ang sarili.
"Excuse me! Di ako baliw or abno no!, kinakausap ko tong tyan ko kasi gutom na sya. Sabi ko kainin nya muna yung maliliit na bituka hanggat di kami nakaka uwi" masama ang tingin na sagot ko dito.
(Ay naku bien wag ako, mood ko pa naman na to na gutom!)
Kaso lalo lang lumakas ang tawa nito at napahampas pa sa pader, habang hawak hawak ang tyan. Maiiyak iyak na din ito sa kakatawa.
(Hayup na to, naku kung di ka lang anak ni tita cecilia, kanina pa tumilapon yung upuan sa tabi mo)
"Ano bang nakakatawa bien?, may masama ba sa mga sinabi ko?"
Umiling iling ito, pero tumawa pa lalo.
(Baba naman ng kaligayahan ng abno na to, mas mukha pang baliw sakin to eh)
"Mahipan ka sana ng masamang hangin, at magka duling duling ka dyan." bulong ko sabay talikod dito at kinuha yung mansanas hinugasan at kinain, di kain lamon.
"Oh jesus, you are an odd girl, andaming pagkain dyan bat di mo kainin" Sabi nito at naglakad papalapit sa akin. Simaan ko ito nang tingin.
(Lalapit pa eh)
"Nakakainis ka alam mo ba yun" naka simangot na sabi ko dito.
Ngumiti lang ito at ng maka lapit ginulo gulo nya ang buhok ko.
"Im sorry i can't helped it. You are so funny, your innocence making you seem cute and funny, I would like you to be my sister"
Sabi nito na ang ngiti abot na ata hanggang tenga.
"Heh!, bakit nakaka kita ka ba ng clown sakin?, i would like you, i would like you to be my sister ka pang nalalaman dyan. Tse!" Tumawa lang ito. At kumuha din ng apple.
Inisnob nya ito. Kainis to ah.
"Im sorry ok?,-(sabay taas ng kaliwang kamay, kala mo nangangako)
What do you want me to do, so you can forgive me?"
Napatingin ako dito at ngumiti.
Tumango tango naman ito.
"Talaga?"
"Yeah, your wish is my command"
Bien.
"Kahit ano??" Nakangiting tanong ko
"Anything. But stealing and killing someone is not counted" naka taas ang kilay na sabi pa nito.
"Dont worry, hindi ko papagawa yan wait ka dyan hahanap akong ballpen at papel, may ballpen at papel ka ba?" Tanong ko dito habang nag hahalungkat na sa loob ng kwarto.
"Wala, bat i can lend you my phone if you want" sabi nito.
Dali dali kung kinuha dito ang cellphone nito at pumunta sa notes.
Ngiti ngiti ako habang tinatype yung mga bagay na gusto kung ipagawa dito. Yari ka sakin balbon. Nang matapos binalik ko dito ang cellphone, kunot noo na tiningnan nito ang mga tinaype ko.
"What?, sampung kautusan????
1.) Pancit canton madami.
2.) Vitamilk.
3.) yakult.
4.) french fries extra large.
5.) stick-o.
6.) Ice cream vanilla flavor classic.
7.) Gummy bear.
8.) Dilis pusit madami.
9.) Pizza Hawaiian flavor.
10.) Buy me 3 packs of sanitary napkin (no wings pls). ???
Are you f*****g kidding me?????"
Nanlalaking matang tanong nito.
Nginitian ko ito ng ubod ng tamis at nag flying kiss pa dito. Tiningnan lang ako ng masama nito.
"Are you serious ?, from 1-9 its all about foods then out of the blue, 10 is about sanitary napkin? With no f*****g wings? You want me to buy you a freaking sanitary napkin? I will not" umiiling iling pa ito, na pati intuturo nito umiiling din at nakataas.
"Kung di mo ako ibibili di kita papatawarin sige ka"
"Ok fine, I'll just ask grace to buy all these stuff you freaking want.
Are your things packed? V just texted, he's in the parking lot we'll get going na" sabi nito at lumabas na.
Kinuha ko ang paper bag, at sandals sa tabi ng hospital bed at sinuot at sumunod na din kay bien. Nakita ko itong kausap ang nurse na nag asikaso sakin kinawayan ko ito at ngumiti. Ngimiti din ito. Pagkatapos makipag usap ni bien dito. Tiningnan sya nito at sinenyasan ako nito na sundan sya.
Nang makita nila si V, kinawayan sila nito. Sabay turo sa akin at tumawa. Hindi ko sya pinansin. Mga loko loko talaga mag kakapatid na to.
"Hey, how are you drunkie girl?"
Tanong nito, sabay hila sakin at yakap. Pero binitiwan din ako kaagad.
(Powteng ene neyekap nya akow)
"Maka drunkie ka naman wagas, madalang lang akong malasing no at first time kong mag kalat" naka crossed arm na sagot ko dito habang naka taas kilay.
"Hahaha kaya pala nalunod ka" sabat naman ni bien.
Tiningnan ko ito ng masama. Mula nang bantayan nya ako kagabi napansin ko lang na mabait sya at caring at madaldal. Tawa ako ng tawa sa kanya. Minsan waley na kwento nya. Nakatulog nga ako sa boring nyang kwento eh. Sya naman natulog dun sa sofa pinagkasya nya sarili nya dun. Pinapatabi ko sya sakin ayaw naman nya. Arte eh. Kala mo rarape ko sya.
"Fyi, kung di ako ginulat di ako mahuhulog sa swimming pool"
Sagot ko naman dito.
Tumawa lang ang magkapatid at pumasok na kami sa kotse na dala ni vincent. Habang pauwi kami nag kwekwentuhan ang dalawa. Halos sila lang nag kaka intindihan. Kung di ko pa kinausap si bien nun na slowly and loudly na pagsasalita nito nunca na maiintindihan ko kung anong pinag sasabe nya kagabi.
Ngayon palang na nag uusap ang dalawa slang kung slang talaga. Kokonti lang naiintindihan ko sa kanila.
(Mag aaral akong mag english, yung slang na slang na slang yung ako lang nakaka intindi, tingnan ko lang kung mapapahiya pa ako nun)
"Maiba ako, pano nga pala ako napunta sa hospital?" Tanong ko sa mga to.
Bigla silang nagkatingin at tumawa. Tiningnan ako sa mirror ni v at umiling iling.
(Tinawanan lang ako ng mga loko loko. May sayad nga sila)
"Dinala ka sa hospital ni kuya" sagot ni V.
Gulat na napatingin ako sa kanila. Kahit di naman nila ako nakikita. Kaya ginawa ko umusog ako ng umusog hanggang yung ulo ko nasa pagitan na ng passenger seat at driver seat tamang pagiging KSP lang.
(Epal lang bess?)
"Si eli?, sya nag dala sakin sa hospital?" Tanong ko ulit. Hindi maka paniwala.
"Yes, ang kulit. Nung nahulog ka sa pool akala nya nagbibiro ka lang kaya hindi ka nya isinave agad, kasi pagkahulog mo di ka na lumitaw. I mean yung iba pag nahulog sila sa pool nag pipisig pisig sila. Ikaw hindi ka na lumitaw" sagot ni v.
Bigla akong nahiya marunong naman akong ang mag swimming eh hindi lang ako marunong mag palutang. Pero ganun pala nangyari sakin. Hindi na ako lumitaw kaya pala.
"Tapos ano nangyari?" Ako
"Yun nga, seconds later, when you still didn't try to full yourself up, he jumped into the pool and pulled you up, you're unconscious so yun. Para i save ka he needs to do cpr" paliwanag ni V. At tumawa naman si bien.
"Hinalikan ako ni eli????" Tanong ko sabay hawak sa labi ko, shock na shock.
Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa.
"It was a mouth to mouth resuscitation, dumampi lang labi nya sa labi mo hinalikan agad?" Tanong ni bien.
"Kahit na!, dumampi pa din yung labi nya sa labi ko!, yung 1st kiss ko" maiyak iyak ko na sabi.
(Oa mo ahh, arte kainis!)
"You're crazy!" Umiiling na sabi ni V.
"I know right" tumatawa naman sabi ni bien.
(Mga ugok, hindi nyo naiintindihan kahit dampi lang yun. Basta dumikit ang labi nya sa labi ko 1st kiss ko yun!!!!!)