Rennei.
"Hello, po tita" nahihiyang bati ko kay Tita Cecilia.
Ngumiti naman ito niyakap ako.
"Pasensya na po sa abala tita" paghingi ko ng paumanhin.
"Nonsense. Dapat si eli ang mag sorry sayo. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito at pinaka titigan ako.
"Ok na po ako tita, at ok lang po kahit wag na pong mag sorry sakin si sir eli may kasalanan din naman po ako" nakangiting sabi ko dito.
"Kahit na, inalagaan ka bang mabuti ng mga anak ko? naku yang eli na yan, pag uwi masasabihan yan" sabi nito na may halong galit sa tinig.
"Tita ok lang po yun, atleast po buhay pa po ako ngayon. At opo inalagaan po ako ng bonggang bongga ng mga anak nyo po" patawa tawang sabi ko.
(Hindi man po, hindi man po ako inalagaang mabuti, unang una, ginawa nila akong katuwaan, pangalawa pinadugo po nila ilong ko sa kaka English nila ???)
"Of course mum, ako pa?" Sabi ni Bien at nag wink pa. Baliw eh.
"Really son? if I just didn't know you are the most uncaring person I knew, I mean caring person" pag bibiro ni tita cecilia dito.
"Mum, if i am the most uncaring person what would you call kuya? the most adorable person in this planet?. Sometimes i loved kuya so much i want to choked him" sabi ni bien at umiling.
"Bien is right mum, kuya is so so caring person, friendly and humbled, i love my kuya!" Sabi naman ni V.
Nag apiran ang dalawang mag kapatid. At nag tawanan. May sayad talaga ang mga ito.
" Gonna take a bath and nap, see you later!" nag wave muna bago ito umakyat pataas.
Nagpaalam na din si vincent na pupunta daw ito sa condo nito.
(Sosyal no, may sari sariling condo)
"You should take a rest isla, next week ka na pumasok sa office" tita cecilia.
"Ay hindi po tita, kaya ko naman po, at yung pong nagastos po sa hospital po, ibawas nyo nalang po sa sweldo ko, nakakahiya naman po sa inyo naabala ko na po kayo ng sobra" sabi ko dito.
"It was nothing parang anak na din kita, hayaan mo na yun, ipunin mo nalang yung sweldo po para mabili mo kung anong gusto mo" hinawakan ni tita cecilia ang balikat ko. At nginitian ako.
(Sana lahat ng employer ganto kabait, siguro swerte ng mga tao)
"Ay tita, wag na po baka po isipin nila inaabuso ko po kabaitan nyo, at tsaka po magpapaalam po sana ako na pag po naka ipon na ako, lilipat po ako dun san nirerentahan ni ate jane, para po di nakakahiya sa mga anak nyo po at sa inyo na rin po" ako.
"Bakit ka pa lilipat e kalaki ng bahay na ito at di ka naman nakaka abala saamin, at tulad ng sabi ko sayo para na kitang anak, at kung anak ko ang nagbibigay sayo ng problema at kung may nasasabi man sila sayo don't worry pag sasabihan ko sila. You should take a rest, go to your room na." Sabi ni tita cecilia.
Tumango tango naman ako.
"Oo nga po pala tita salamat po sa pinadala niyo pong damit" naka ngiting sabi ko.
"No worries "naka ngiting sabi nito.
After 2 weeks.
"Grace, pwedi maka hiram ng cellphone?" Tanong ko kay grace.
"Oo naman" sabi nito, sabay hiram sakin ng cp nito.
Dali dali akong nag open ng safari. At f*******:.
Pagka open ko ng sss ko, ang dami kong notifications at message at friend request. Death anniversary bukas ni lola. Kailangan kong umuwi.
Nag open agad ako ng message.
Christina mendoza.
SAT AT 8:31 PM
Oy di ka uuwi aba loka, almost three mos ka nang di umuuwi, yung mga magulang mo, bisitahin mo naman. Death anniversary sa monday ni lola di ka uuwi?, si ate krizia nag stop na sa work ditey nalang daw sa clark mag wowork kaw ba? Lokong baliw wala ka pala sa manila f**k you ka. Ma iisprakanite ka na pag uwi mo yari ka dami galit sayo kabahan ka na.
Napalunok ako sa nabasa, kinabahan ako jusme. Kailangan ko ngang umuwi muna at harapin tong problema na ginagawa ko anuba!!
(Juskodai, bat ba gustong gusto kong gumagawa ng ikina ka-stress ko??)
Wag ko na ngang replyan ma mura pa ako nito seseen ko nalang.
(Paasa ka din e ano?, seen pamore)
Nag open ako ng ibang message.
Krizialyn mendoza
MON AT 10:44 AM
Oy loka loka, umuwi ka na nag resign na ako sa work ko dito, mag aapply nalang ako sa clark mas malapit at makaka tipid ako. Yung mga gamit mo dinala ko na, nasa bahay ni tita, loko alalang ala na sila sayo baliw, kung mababasa mo man to uwi ka muna mag paalam ka ng maayos at pls lang. Sakin kinukulit number mo ng pamilya mo eh, nandito sa bag yung cp mu. Death anniversary sa 28 ni lola lam mo naman rules natin na dapat kumpleto yung family mendoza sa pag bisita sa kanya. Uwi ka muna kahit ilang araw ka lang.
MON AT 10:55 AM
PS. Galit na sayo si tita. Sabi nya sarili mo lang iniisip mo, di mo daw iniisip yung mga taong nag aalala sayo. Kaya daw di sya nag rereply sa chat mo kasi naiinis sya sayo. Uwi ka muna rennei. Yang mga pinag gagawa mo worthless lang kung galit naman sayo mga taong mahal mo. Ingat lage dyan. Kung saan lupalup man ng mundo yan.
Nangilid ang luha ko. Sakit naman nung sinabi ni tita, sabagay tama sya. Alam ng lahat mag tratrabaho ako sa manila pero sa ibang lupalop ang napag trabahuhan ko, kailangan ko ngang umuwi at harapin ang problema na ginawa ko na to. Matatanda na mga magulang at tita ko dapat di ko na sila binibigyan ng sama ng loob at alalahanin.
Hindi mo alam kung kelan sila kukunin ni lord. Kung oras mo na oras mo na ika nga. Kung di ko aayusin ang problema na to baka balang araw pag sisihan ko na di ko inayus kaaagad. Kaya uuwi ako para sa ikakaayos ng lahat.
SUN AT 6:39 AM
Ate krizh, oo cge uuwi ako titingnan ko kung makaka uwi ako ngayon. But i promise uwi ako. Baka ano pang mangyari kung di pa ako uuwi. Baka magsama ang balat sa tinalupan. At sorry kung hindi ako nakaka pag online. Wala akong cp. Nakiki online lang ako. Uuwi ako wag mo munang sabihin kay tina, lam mo naman yun. At ayos lang ako. Maganda ang trato nila sakin dito. Cge na bye ingat ka, kayo dyan lovemuch ???.
Reply ko sa chat ni ate krizh, mas mabuting mag reply na ako kesa sa ano pang isipan nila na nangyari sakin. Dali dali akong nag log out at clear history.
"Salamat grace, sa uulutinn ulit muahh" pagloko ko dito.
Hinampas ako ng bahagya nito.
"Welcome, Di pa kita nagagawang f*******: mo, busy kasi ngayon eh. Sa susunod nalang ne" nakangiting sabi nito.
Tumango tango ako.
"Wag ka nang mag abala pa, (madami akong sss hahah) -wala din naman akong time para mag sss" ako.
"Sabagay, ngayong nandito sina sir, busy nga masyado, sarap pamong mag sss" tumawa lang ako sa sinabi nito.
(Boring na kaya ang sss no, nakaganda nalang dun yung mga page na may funny videos.)
buti pa ang snapchat naku pag nalaman ni grace kung paano gamitin ang snapchat for sure araw araw may may filter yung photos nya kaya flower na kulang nalang vase na iuupload sa sss nya. Maturuan nga sya. Namimiss ko na din mag snapchat.
"Grace may snapchat ka?" Naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Taray diba hahah.
Kumunot muna ang noo nito bago sumagot.
"Wala eh, nag dl ako ng ganun kaso di ko alam gamitin kaya delete ko"
Grace.
"Ay baliw, bat mo dinelete download mo ulit turuan kita pano gamitin, panigurado mag eenjoy ka dun" tumango tango na sagot ko habang pangiti ngiti.
(Parang nakakaloko lang ah?)
"Sige sige, gusto ko yan."
Sagot nito.
At ilang minuto lang tulad nang hinala ko di na tumigil sa kaka snap nga si grace.
After a while
"Ate may, naka uwi na ba si tita cecilia?" Tanong ko dito.
Umiling iling ito habang naka kunot noo.
"Hindi pa isla eh, bakit?, may masakit ba sayo?" Nag aalala tanong nito.
Mabilis na umiling iling ako pati daliri ko umiiling iling na rin habang naka taas.
"Ay hindi! hindi! Ate ikaw naman, nalunod lang ako at 2 weeks ago na yun. Ayus na ayus na ako kaw naman, mag papaalam lang sana ako kay tita kung pwede akong umuwi samin" paliwanag ko dito.
Nanlaki ang mata nito.
"U-uuwi ka?, hindi ka na babalik?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo ate, death anniversary kasi bukas ni lola ko, kailangan kong umuwi, at di ako sure kung makakabalik pa ako" Paliwanag ko dito.
"Ah ganun ba, alam ko nandyan sa office nya si sir gavin, sa kanya ka nalang mag paalam, katok ka muna ah" malungkot ang ngiting sabi nito.
"Ahh, nandyan ba sya?, o sige sa kanya nalang ako magpapaalam. Sige mamaya nalang, papaalam muna ako para maka pag byahe ako ng maaga"
Tumango naman ito, nag babye muna ako bago patakbong pumunta sa office ni tito gavin. Nang nasa tapat na ako ng pinto huminga muna akong malalim.
(s**t hiningal ako dun sa takbo ko na yun ah)
Nang hindi na ako hinihingal, kumatok na ako.
"Come in" sabi ni tito gavin.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nag stay ako malapit sa may pinto nang maka pasok habang hawak hawak ang door knob. At ngumiti dito.
"Hello po tito, may sasabihin po sana ako"
Alinlangan na sabi ko dito.
"Oh hello isla, Halika, have a seat. What is it?"
Naka ngitng tanong nito.
"Mag papaalam po sana ako na uuwi po ako sa probinsya namin death anniversary po kasi nung lola ko bukas" alinlangan na ngumiti ako dito.
"Hmm. Ganun ba? Makakabalik ka pa ba?" Tanong nito, mataman akong tinitigan.
Napalihis ako ng tingin.
(Depende kung papaalisin pa ako)
"Hindi ko po alam hehe" yan ang totoo di ko alam.
"Ganun ba?, alam na ba ito ni tita cecilia mo?" Tanong nito.
"Hindi pa po, sa kanya po sana ako mag papaalam kaso wala pa po siya, kaya po sa inyo nalang po"
Sagot ko.
Tumango tango ito. At kinuha ang telephone.
"Hon, uuwi daw si isla sa probinsya nila, nag papaalam sakin. huh?, no, no. What? she said she doesn't know. you'll talk to her?, yeah, yeah sure sure, here you go."
Inaabot saakin ni tito gavin ang telepono.
"Hello po tita" pagkasagot ko sa telepono.
(Uuwi ka daw ngayon?)
"Ay opo tita, death anniversary po ni lola ko, at halos 3 months nadin po akong di nakaka uwi samin"
(Hmmm.. Ok, babalik pa ba dito?)
"A-ano po tita, complicated po, kaya hindi ko po alam kung makaka balik pa po ako, titingnan ko po yung sitwasyon ko, sa katunayan po kung ako lang po ang masusunod babalik at babalik po ako dito, napamahal na po sakin yung mga tao dito."
(Ganun ba?, Family problem ba?, sa tingin mo hindi ka na hahayaang bumalik pa dito?) Tanong nito nasa tinig nito ang lungkot.
"Baka po eh tita, pero kukuhanin ko po ang number ni grace, kung babalik man po ako o hindi mag cacall or memessage po ako kaagad sa kanya." malungkot na sabi ko, naiiyak ako shet.
Kasi alam ko sa sarili ko na di na ako makaka balik pa. Di na ako papayagan bumalik pa sa lugar na ito ng family ko.
(No need, papasamahan kita kay eli, para ipakita sa family mo na nasa maayos kang kalagayan. So don't worry I'll fix this for you)
(HUUWATTTTTTTT???!!!!!! ???)