Chapter 14

2168 Words
Rennei. Muntikan nang dumulas sa kamay ko ang telepono. Buti nalang naagapan ko agad yon. Napatingin ako kay tito gavin. Hindi ako maka paniwala sa sinabi ng asawa nito. Umiling iling at nakangiti ito habang may pinipirmahan, parang alam na nito kung anong balak ng asawa. "P-po?" Gulat na tanong ko dito. (Seryoso ba to?) Naku wag naman sana, sana nag bibiro lang to. Mapupunyeta ako samin kung nagkataon na nag uwi ako nang lalaki. Baka isipin naka lunok ako ng sinumpang pakwan. Jusko dai, isipin ko palang reaction ng pamilya ko natatakot na ako. (Pasasamahan kita kay Eli, Isla para sya na ang mag paliwanag kung bakit di ka umuuwi sa inyo) (Ay powta seryoso nga!) "Ay tita, di na po kailangan baka ano pa pong isipin sakin, HA. HA. baka po isipin nila kaya po ako di umuuwi nag asawa na po ako at juntis" pagdadahilan ko dito. (Naku! Yung asawa pa naman nung tito ko at yung panganay na kapatid nila christina ay napaka tsimosa kung nakaka maga lang ng bibig yung katsimosa baka sila na may hawak ng guinnes world record para sa makapal na labi. Baka ikalat pa sa daan na nag asawa na ako at nabuntis tapos nagtago Juicecolored! Aatakihin ata ako) "Oh really?, much better. Para makasal kayo. Just kidding. no actually may business siyang aasikasuhin dun. San ba sa bataan?" Oh god, anong meron kay tita cecilia? Naka kain ba to ng maayos bago umalis ng bahay nya? Jusko ko, si eli pamo gusto nyang ipasama sakin eh halos iniiwasan ako nun eh, ni di nga yun umuuwi ng bahay nila dahil sakin. Ewan ko ba kung anong meron dun iniiwasan ako eh, ganda ko naman. Na mesmerized siguro sakin kaya iniiwasan ako. Shet nakakahiya yung ganda ko wahahaha. (Oy tanga!, head over heels nga eh. Inlove teh, Inlove. With capital I. At di sayo.) "Ay tita, wag na po, at nakakahiya naman po kay sir eli, mag cocommute lang po ako. At baka po magalit sakin yun pag sumabay po ako. At hindi po sa bataan ang punta ko sa pampanga po, dun po kina tita ko po" Napatingin ako kay tito gavin, he mouthed something but i kinda dont get it. So i just nod and nod and nod while smiling lightly. (Mababaliw na ata ako sa mag asawa na ito) (Perfect!, may pupuntahan din sa pampanga si eli, i'll tell him to drive you home. Hindi yun magagalit, ako bahala, at para di ka na din mag commute sabay na kayo) (Kanina sa bataan ngayon naman pampanga. Oh god, this is disaster.....) "Stop saying no to her isla, you'll never win. My wife is stubborn just like her sons" Napakamot nalang ako sa buhok ko. Sa sinabi ni tito gavin. Bahala na. Panigurado tatanggi naman si eli nyan. Ayaw ako nun eh. "Sige po tita kayo na po ang bahala" (Hahaha panigurado tatanggi yun. Harangan man yun ng sibat hahaha) "Good, it's settled then. What time will you leave?" Anong oras ba ako aalis? Anong oras na ba?, tumingin ako sa clock wall, 7:20 am na. Mamayang 9?. Kung mga 8 to, more than 9 hours ang byahe papuntang pampanga. Panigurado gabi na ako makaka uwi samin. (Anong oras na ba ako makaka uwi nun, mga 12am - 1 am na siguro. Ok lang matutulog nalang ako sa bus) "Ahm.. Mga 9 am po?" Alinlangan na sagot ko. (It's too early, how about a direct flight from here to pampanga?.) "H-huh?, ano pong sabi nyo?" (A direct flight from here to pampanga mas mabilis baka wala man isang oras by air. By land naman almost 9 hours ang byahe, mas makaka save ka ng time by air. I'll tell jane to book you a flight at 7pm i don't accept no for an answer and i should go bye". Then the call ended, alright. What the hell. Anong dapat kong itawag sa araw na to? Malas? O swerte? Baka SWERMA swerte na malas. (#swerma. Hahaha powtang gagu) "Oh, what did she said?" Tanong ni tito gavin. Tumingin ako dito at inaabot dito ang telepono. "Salamat po tito, sabi po nya mag papabook daw po sya ng direct flight at papasama nya po daw si sir eli sakin. Pero sa totoo lang po hindi na po kailangan gawin ni tita cecilia yun." Sagot ko sa tanong nito. "Isla, when it comes to my wife you can't say no to her, she doesn't take no for an answer. You're lucky she likes you so much. No she doesn't like you. She loves you. On behalf of her I'll be the one to apologized for making you feel uncomfortable. I can't do anyhing about it, she loves you." Seryosong paliwanag nito. Napalunok ako. Ano ba dapat kong sabihin?. "Ay wala po yun sakin tito. At para ko narin pong second mother si tita cecilia, inaalagaan nya po ako ng sobra. Alam ko po, sabik po na magkaroon na anak na babae si tita at parang ako po yung tinuring nyang parang anak nya na babae. Para sa bagay na yun. Blessing po sa akin na nakilala ko kayong mag asawa. Hindi nyo po ako tinuring na iba, imbis po tinuring nyo po akong kapamilya kahit hindi nyo po ako lubusang kilala. At ayaw ko pong mag take advantage sa kabaitan nyo po sakin. At napaka swerte po ng mga anak nyo, dahil kayo po ang naging mga magulang nila." Ngumiti ito sakin at tumango tango ito. "I would like to have you as my real daughter and be part of this pamily. You should go pack your things" Nakangiting sabi nito. Sobrang na touched ako. Namasa mata ko. Ewan ko ba anong mali sakin napaka bilis kong ma touch at napaka babaw ng luha ko, sarap takpan nung butas sa mata ko saan tumutulo luha ko hahahah. "Tito, if ever na di na po ako pinabalik dito, i want you to know po, im so blessed na kayo po ang naging amo ko. Maraming maraming salamat po sa lahat" Sabi ko ng nasa pintuhan na ako. Nginitian ako nito at tumango at nag thumbs up. "Im sure isla, babalik at babalik ka din dito. I know my wife" Tumatawang sagot nito habang umiiling iling. Nakitawa narin ako hindi ko alam sasagot ko sa sinabi nya. Nag paalam muna ako dito. Bago ako tuluyang lumabas ng office nito. I know this will be a long long day. "Come, join us isla" pag imbita ni tita cecilia sa akin. Umiling uling ako at bahagyang ngumiti. Nag hahapunan ang mga ito. "Ay tita wag na po, sasabay po ako kina manang selya at grace" sagot ko at napatingin sa anak nito. Asual minus eli. Halatang ayaw sakin eh no. "You should join us isla, may sasabihin kami sayo, kung anong dapat mong gawin pag nakasama mo na si kuya" natatawang sabi ni bien Napatingin ako kay bien, yung itsura ko na kala mo di na matae. Naka ngiwi (Ano daw?, eli daw? ?) "Sasama po si el- sir eli sakin?" Tanong ko kay tita. Ngumiti ito at tumango tango na nasa mukha ang excited na kung pwede lang itong mag tatalon nag tatalon na ito sa tuwa. Sa nalaman parang gustong manghina ng tuhod ko. At matumba at lamunin ng lupa at maging pataba at maging halaman. Jusko po pano ko yun hahandle. "Kaya have a seat isla, marami kaming sasabihin sayo." Sabi naman ni V, gusto ko nang umiyak, kung hindi lang may kasamaan ugali ni eli panigurado ok lang na isama ko sya. Kung gusto nya buhatin ko pa sya, kung nagkataon lang talaga. Pero hindi eh, may pagka evil sya eh. Sayang gustong gusto ko pamo sya. Wala na akong nagawa kundi ang umupo nalang. Katabi ko si bien. Nginitian ako nito. "Kumain ka muna isla, mamaya na tayo mag usap" Sabi ni tita, jusko palusot lang ata yun na kakausapin ako tungkol kay eli eh. Tumango ako, at kumuha ng makakain. (Pasensya manang selya at grace nagugutom na din kasi ako hahah) Pagkatapos namin kumain pumunta kami agad sa entertainment room. Social ne may paganun ganun pa sila. Samantalang kami yung sala at kusina magkasama wala ng entertainment room entertainment room na yan. "Eli said, he'll meet you up at the airport. We fought tooth and nails, para lang mapasama sya sa iyo" Napatingin ako kay tita cecilia. (Errhh. Akala ko ba may business na pupuntahan dun si eli?, nalintikan na nang magaling) "Akala ko po tita may business na pupuntahan dun si sir eli?" Hindi ko na napigilan na tanong ko. Bigla itong tumawa, at nagtawanan din ang asawa at anak nito. "Gawa gawa nya lang yun isla, ayaw mo kasing pumayag kanina eh, ngayon she had her ways wala ka nang magagawa" Sabi ni tito gavin. Napalunok ako, ngayon pati ata lasa ng laway ko lasang bitter melon. "Ha-hah, baka po magalit sakin si sir eli" Sabi ko. Kinakabahan ako. Yung kabang feeling mo yung puso mo nasa lalamunan mo na. "Hindi yun, sabi ko sa kanya, once na iniwan ka at umuwi yung mag isa malilintikan siya sakin, mga credit cards nya, condo, car and everything" paliwanag ni tita cecilia na akala mo proud pa sa sinabi nito. At ako naman nanlalaki ang mata sa narinig ko. Gagawin nya yun sa mga anak nya para lang ipasama sakin yung anak nyang napaka maldito na suplado na ayaw akong makita na may pagka evil ang ugali. Ay wag na dai! "Oh god mum, you really did that to kuya, i can't imagined ano itsura nya, when you said that to him hahaha" Sabi ni vincent at nag apiran ang dalawang magkapatid habang tumatawa. Ang asawa naman ni tita cecilia umiling iling nalang habang nakangiti at nakatingin sa asawa. (Proud pa sa asawa jusko. In love na inlove talaga, kahit ano gawin kalokohan ng asawa natutuwa pa siya. Sana all) "Of course, sa inyong tatlong mag kakapatid si eli ang pinaka matigas ang ulo, na spoiled kasi syang masyado ng ama nyo." Sabi ni tita cecilia habang nakatingin sa asawa nito. Tumawa naman si sir gavin. "I didn't spoiled him, sa pag kakaalam ko ikaw ang nag spoiled sa kanya at ang parents mo" Pag tatanggol ni tito gavin sa sarili. (Sige sige, ako nalang ang nag spoiled sa kanya, mag sisihan pa kayo eh.) "Oh whatever, oras na, just remember isla, may pagka masungit man yun at laging wala sa mood mabait naman yun, at pag tahimik sya wag mo syang tanungin oh ano pa man, ipapahiya kanun." Sabi ni tita cecila. Sa mga sinabi palang na ito, ang agad na pumasok sa isip ko problema tong pinasukan ko. Pano ko papaliwanag na umuwi ako na may kasamang lalaki. Ano nalang iisipin ng tabing daan at mga kapit bahay namin? (Ay buntis si rennei?, talaga kasama na nya naka buntis sa kanya?. Mga letse kasi yung mga tsimosa na yan at mga judgemental.) Oo mga letse nga sila, tapos iba iba na nun yung kwento. That's life wala na tayong magagawa sa mga taong ganun. (Yung kwento ko mangga pag dating sa kanila makopa na) Hahayaan ko nalang sila dun sila masaya edi dun sila powtang na nila. Pero hindi!!! Nakaka offend na sila eh. "Tita, kahit wag nyo na pong pasamahin sakin si sir eli, kaya ko naman po, at mag cocommute lang po talaga ako." Paliwanag ko kay tita cecilia. Umiling iling ito. (Kulit din neto.) "No isla, 8 to 9 hours drive is so frigging long. And god knows, i dont want him driving that long. it feels not safe. Direct flight maybe an hour or more, all you need to do is take a seat, sleep and wait. Your things are packed? In less than 30 mins you should be in airport coz eli always in time he hates waiting" "Opo tita, naka ayos na po" Sagot ko. Nanlalamig kamay ko at namamawis. At yung t***k ng puso ko kala mo yung pinapasagot ka nang math problem ng teacher mo sa black board kaso hindi mo alam kung pano i solve yun. Tapos mga kasabayan mo nag sosolve tapos na at matitira ka nalang naka tayo dun na mag isa. Yung gusto mo matae o maihi. Nakakasakit ng tyan tong gantong nervous. "Very good, you should go na, vincent will drive you to airport. So take care, yung ticket nyo nakay eli na. Goodluck sweety. Pinagyayakap sya ng mga ito. Kala mo talaga kapamilya eh. (Kapuso kasi ako eh sorry, peace hahaha) 20 mins drive ang papunta sa airport. (Shettt. Eto na!!! Powta, di ko alam natatae ata ako. Wag na kaya akong tumuloy tas uwi nalang akong ibang araw, shittt may ticket na kami, oh god kill me now!) "Hey you ok?" Tanong ni vincent sakin. (Mukha ba akong ok?) gusto nyang pabalang na itanong dito. Tumawa ako, pati pag tawa ko oa. "Oo naman, hatid mo muna ako hanggang sa loob ne?, pwede?" "Oh sure" Nang nasa loob na sila hinanap nila kung saan naka upo si eli, nang hindi pa nila makita ito tatawagan na sana ni vincent. "Oh s**t, there he is!, kuyaaaa!" Sigaw ni vincent na ikinatingin ng mga tao at ito na din. Bigla akong napahawak sa dibdin ko ng mapatingin ito sakin. Kung kutsilyo lang ang lumalabas sa mata nito for sure tadtad na ako ng saksak ngayon at nag sisigawan na ang mga tao ng 911!. (Oh god, mahimatay sana ako dito pls, cross finger tiwala lang mahihimatay ako dito. Pls) Pero hindi ako nahimatay, sad life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD