Rennei.
Lumapit kami sa kanya, may kausap ito sa cellphone.
"Yeah, take care you too. Talk to you soon. Yeah you too."
Pagkatapos natapos na ang usapan ng mga ito.
(Siguro kausap nito yung gf nya ano nga kasi pangalan na sinabi ni bien? Nakalimutan ko na letse)
"I should capture this moment, your face is so freaking hilarious brother"
Tumatawang sabi ni vincent.
At nilabas nga ang cellphone at pinicturan si eli. Sinamaan ito ng tingin ni eli at tumayo mula sa pagkaka upo at pilit na inaagaw kay vincent ang cellphone nito. Dali dali namang itinago ni vincent ang cp nito.
(Mga baliw ang pamilya na to, ayaw kong masama sa kanila)
"Ahh, no, no, no- (habang naka turo ang hintuturo nito sa kapatid) -brother, i'll show these to mum im sure she would freaking love these photos "
Lumapit dito si eli at umurong naman si vincent hangga sa parang mga tangang urong ang isa lapit ang isa naku.
"Hand me your phone vincent, or you'll be sorry" sabi ni eli na may pagbabanta sa tinig nito.
(Ohhhhhhh gwapo ng boses, gwapo na galing pa mag damit matipuno pa katawan. Parang gustong mahulog ng panty ko. Buti nalang yung bago kong panty sinuot ko. ulam na ulam ang datingan ni eli)
Ngayon nya lang napansin may pagka hoarse pala boses nito. Unang dinig nya kasi ito sa airport medyo malayo pa ito. Pero ngayon akala mo may cold na ayaw ng maalis sa lalamunan nito. May kaboses nga ito eh, yung kay team adam. Sa the voice si brendan. Kala mo ma plema lang.
(Hahaha joke. Pero seryoso magkaboses nga sila.)
"No i won't!, bye bye na! Goodluck isla, and be safe guys muahh! (At nag flying kiss pa to)."
Sigaw ni vincent at patakbong umalis. Hinahabol kasi ito ni eli.
"That f*****g bastard! Damned him to the hell!" Galit na sabi ni eli at napasabunot pa sa buhok nito.
(Shet, ako nalang sumabunot sayo please. Manyak mo gurl)
Napatingin ito sa akin, at tiningnan ako ng masama.
Napaurong ako at napahugot din ng malalim na hininga. Napa sakmal ako sa dulo ng shirt ko. Kinakabahan.
Naglakad ito patungo kung saan ito naka upo kanina at kinuha ang leather vintage duffle bag nito.
(Magkano kaya yung bag na yon?, Mahal yun for sure)
Pagka kuha ng gamit nito, dinaanan lang ako. Kala mo di ako nag exist sa mundong ito. Bulag ba sya? Ganda kong to di ako pinansin?.
(Aba aba aba, nag eexist ako no!)
Kaya wala akong nagawa kundi ang sundan nalang ito. Sayang pogi sana eh, 6'1 or 6'2 ang sa tingin kong height nya, kung sigurong lalapit ako sa kanya hanggang balikat nya lang ako 5'4 ako eh, yung damit nya bakat na bakat sa katawan nito.
(Shitt. Machoo, nakakapag laway)
Libangan siguro nito gym, siguro kasing katawan na nito si zack efron nung nasa high school musical pa si zack.
(Joke, seryoso yung kasing katawan ay si chris evans, no joking)
Habang naka buntot ako sa kanya. Pinag mamasdan ko lang sya, matangos ang ilong, check. Matangkad, check. Maputi engggg! X. Hindi maputi hindi maitim si eli, sakto lang mapulapula ganern tan skin.
Kung yelo lang si eli, natunaw na ito sa tingin ko palang. Naka bull cap. naku kung makikita nyo lang ang nakikita ko, hindi nyo na aalisin ang tingin nyo kay eli for sure. Tulad ng ginagawa ko ngayon, at feeling ko naka tingin na ito ngayon sakin.
"What are you staring at?" Iritadong tanong nito. Naka kunot noo pa ito sa akin.
Napapikit pikit ako, oh my, nakatingin nga ito sakin. Nanlaki ang mata ko at napahugot ako ng malalim na hininga at napa nganga.
(Oh god, this is disaster, this is disaster. s**t s**t shit...)
"Don't you know starring is rude?"
He snapped.
Naka tingin lang ako sa kanya. Na estatwa ako.
"What?, cat got your tongue?"
(Pero hindi pa din ako makasagot naka tingin lang ako sa kanya. Hindi ko kasi sya maintindihan eh, masyadong slang na slang salita nya ang bilis nya pang mag salita. Ano ba itong pinagsasabi nya?)
"Huh?"
Naka tangang tanong ko.
He rolled his eyes. At nag patuloy sa paglalakad. Napalunok ako. Pano ko i susurvive ang araw na kasama ito, balak ko pamo 1 week akong mag iistay samin. Paunahin ko nalang syang umuwi or mas better sabihin ko ngayon wag na syang sumama.
Humabol ako dito. Kung kanina nasa likuran ako nito ngayon nasa gilid na nya ako.
"Hmm- e-eli,-(bat ba nauutal ako) -ako na pala ang humihingi ng sorry sa ginawa ng mama mo, sorry talaga"
Taos puso kong pag hingi ng tawad dito habang nakatingin sa ibang diretso.
Pag kasi tinitingnan ko ito sa mata nauutal ako. Ewan ko ba bigla akong kinakabahan ng bonggang bongga.
At ayaw kong may taong nagagalit sakin. Kasi pag alam kong may taong galit sakin hindi ako nakaka kilos ng maayos. Naiilang ako.
"You know what, you better stop talking i dont want to hear anything from you" galit na sabi nito.
(Awtsss. Gago to ah. Ang harsh naman magsalita nagsorry na nga ako!)
Feeling ko napahiya ako sa sinabi nito kaya nanahimik nalang ako. Gago sya eh, nakaka gigil anong ka gwapuhan nya syang kabaligtaran ng ugali nya. Ugali syang basahan letse sya!!.
Habang naglalakad kami napag masdan ko ang strap ng duffle bag nito wala sa sariling hinawakan yun pero bigla itong kumilos kaya nahila bigla. Kinabahan ako. Magagalit to sakin.
Bigla itong napahinga ng malalim at inis na humarap sa akin.
"What now?"
Medyo pasigaw na tanong nito. Di naman yun kalakasan.
Pero feeling ko pahiyang pahiya na ako. Pinag masdan ko muna ang paligid namin. Wala naman nakatingin sa kanila. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Kakainis ang bastos nito, buti nalang talaga gwapo sya. Hirap nyang i handle!.
Nag lakad pa ito papunta sa ticket counter. Kaya ng malapit na kami, hinila ko ulit ito. Napatigil ito sa pag lalakad at inis na humarap sa akin.
"What the fvck?!"
Galit na sabi nito sa akin.
Napakagat labi ako. Bigla akong natakot dito. Bat ba kasi hindi ako maka pag salita. Masyado na akong ni nenerbyos sa harapan nito baka magka break down ako na wala sa oras.
"A-ano... K-kasi eli..."
Nauutal na sabi ko. s**t bat ba ako nag kakaganto? Na intimidated kasi ako sa kanya sobra.
"For Pete's sake woman, we don't have all the time in the world to fool around here."
Sabi nito na halatang iritang irita na ang sama nadin ang tingin nito sa akin.
"Ano kasi eli, hindi ko dala yung passport ko"
Mabilisang sabi ko para di na ako ma utal pa.
Bigla itong napatingin sa akin, na akala mo ba nagkaroon ako ng isa pang ulo sa pag kakatingin nito sakin. Naka kunot noo ito na parang unuuri ako kung anong klaseng specimen ako at kung saang planeta ako galing.
"W-what?"
Ito naman ngayon ang na utal.
Pinaka titigan ko ito, hindi ko masyadong maaninag yung mata nito kasi naka cap sya.
"Sabi ko hindi ko dala yung passport ko...."
Mahinang sabi ko.
Medyo lumapit ito ng kaonti para siguro marinig nito ang sinabi ko. At dun ko naamoy ang pabango nito.
(Ohhh.... Sarap amoy amoyin nito, yung amoy nito napaka refresh. Hindi nakaka sakit ng ulo, baka nga kung masakit ang ulo ko maamoy ko lang si eli mawawala na eh, parang paracetamol lang sya)
"Sorry?, what did you just say?"
Tanong nito na ngayong mas malapit ito sa akin, baka hindi nito masyadong narinig yung sinabi ko kanina. Bumulong lang kasi ako kanina.
"Sabi ko, hindi ko dala yung passport ko"
Pag ulit ko, para akong sirang plaka.
Nagtatakang tumingin ito sakin.
"Why would you need your passport?
Nag tatakang tanong nito.
At binigay yung ticket namin dun sa kumukuha ng ticket. Bigla akong napatingin kay ateng kumukuha ng ticket at nagtaka.
(Hindi na ba kailangan ng passport?, ahh baka mamaya pag pasakay na kami ng eroplano, dun kukunin yung passport. Waittt.... Baligtad ata, dapat mauuna muna passport tapos huli yung ticket. Ay letse ewan sumasakit lang ulo ko.)
Pa amoy nga kay mister masungit na loko.
Nang malapit na kami sa tarmac, takang taka na ako. Hindi na ba kailangan ng passport? Free passport na ba ngayon? Bat hindi ko alam?
"Mason, free passport na ba ngayon?"
Gulat na napatingin ito sa akin.
"What the f**k are you saying?, are you on drugs?"
Naka kunot noong tanong nito.
Hindi na muna ako sumagot, mamaya ko na sasagutin tanong nito. Pasakay na kasi kami ng eroplano. Pangalawa ko ng pag sakay ito.
Ina-assist kami ng steward, para sa upuan namin. Magkatabi kami, ako sa bandang bintana. Nang maka pag settle kami dun ko na sya ulit tinanong nagtataka lang ako. Free passport na ba ngayon?.
"Gusto ko lang itanong eli kung free passport na ngayon?, at hindi ako naka drugs"
Napalingon ito sakin. Hindi ko mabasa expression nito. Kasi expression less ito.
"No, there is no such a free passport, and i think you are really on drugs. You're imagining things. And stop talking to me"
Sabi nito.
Harsh padin ang gagu. Ang suplado suplado pa din magsalita nakaka buysit sarap pakainiin ng matamis.
Pero makulit ako eh, hindi ako titigil hanggat di nasasagot ng maayos ang tanong ko.
"Last na to. Nag tataka lang ako bat hindi sila humingi ng passport?, akala ko pa naman, pag sumakay ka na ng plane kailangan mo laging ibigay passport mo. free passport na siguro ngayon gusto ko to"
Umiling iling ito pero nakita ko sa peripheral view ko na umaangat ang sulok ng labi nito pero pilit na pinipigilan. Napatingin ito sa ibang side. He rolled his eyes at tumingin sakin.
"Oh god, what are you four? were you born last night?, dont you know, when you are in your own country, you dont need your f*****g passport to go in another town, all you need is your freaking ticket. Now you know. Just shut the hell up or I'll shut it for you."
Ang bilis naman nitong magsalita. Ang haba pero konti lang naiintidihan ko. Ang hina ng tinig nito kainis.
(Huhh?)
"Anong sabi mo? Heheh"
Tanong ko at sinabayan ko ng tawa, bilis kasi mag salita nito eh, di ko tuloy nahabol mga sinabi nya.
Napahugot ito ng malalim na hininga.
"Ang sabi ko, hindi mo kailangam ng passport sa sarili mong bansa para pumunta sa ibang town, ang kailangan mo lang yung ticket mo. At yang pagmumukha mo. Ok na? Gets mo na?"
Tanong nito iritang tanong nito.
(Napapikit pikit ako habang naka tingin dito. SUAVE. jusko ko, suave ng boses pag nag tagalog. Naka turn on kahit nakakainis mga sinabi.)
"Hey, are you listening?"
Tanong nito na nasa boses ang pagka irita.
Nag mulat ako ng mata.
"Ahh... oo... Nakikinig ako. Hindi na pala kailangan ng passport"
(Ano?! Hindi na kailangan ng passport?!, bat ngayon ko lang nalaman to. Ohh s**t ang bobo ko nakaka hiya)
"Ayy, ang bobo ko, hindi ko alam sorry, akala ko pa naman basta sasakay ka ng eroplano kailangan lagi yung passport heheh. Sorry"
Paliwanag ko, sabay takip ng mukha ng panyong dala dala ko at napasandal sa upuan.
(s**t nakaka hiya yun, nakaka hiya talaga, bat ako nagago ng ganto.)