Chapter 16

1281 Words
Rennei. Nasa labas na kami ng airport ng magtanong ito sakin. "Do you know our way from here to your home?" Tanong nito habang busy na may kinakalikot sa cp nito. (Ni hindi man makatingin sakin habang nagtatanong grrrrrrrrr) Ano ngang tanong nya? Napaka bingi ko naman ata ngayon. Kailangan ko ng magtutuli, feeling ko yung tutuli ko naguunahan ng lumabas sa tenga ko. "Ano nga ulit ang sabi mo?" Umikot ang mata nito. At tumingin sakin. "Do you know our way out here? " Seryosong tanong nito?. (HA-HA-HA. yun lang pala ang tanong nito kala ko pa naman kung ano na) "A-ano eh, a-ano kasi, hindi ko alam ehh" Pilit na ngiti ko at nag peace sign. Napapikit ito. At huminga ito ng malalim. Parang nag titimpi na ito sakin. (Shet sasapakin na ata ako nito?) "Seriously what the f**k?!, You've been living here your whole life. And you dont even know your way out here?, bullshit!. Why are my family so fascinated by you?, when you know nothing but idiocy and stupidity!." Galit na sabi nito. Napapikit pikit ako.Nangingilid na ang luha ko. Nakikita ko sa mukha nito na galit na ito at sa pagtaas ng tinig nito. (Ano ba yung mga sinasabi nito?, bat di kasi ito mag salita ng mabagal, tulad ng ginagawa ni bien?.) Letse. Hindi naman ako makasagot dito. Kasi nagagalit na ito. Kaya mananahimik nalang ako. "What? You won't even answer me?, are you a f*****g mute? Deaf?. Are we just going to stand here? " Naiiyak na talaga ako, bat di lang kasi sya magtagalog. Nasa pilipinas naman kami. Hindi naman ako mahina sa english, pero pag slang na slang at mahina at dikit na dikit kala mo kinakain nito sinasabi. At wala pa akong maintindiham letse!. Ano to bulungan challenge? "Alam mo, sa totoo lang, konti lang naiintindihan ko sayo. Try mo kayang magtagalog. Hello nasa pilipinas tayo. Kaya mag tagalog ka please. Kung ayaw mong mag tagalog, magsalita kang mabagal at clear, wag kang sobrang slang dumudugo na itong ilong ko sayo. At wag dikit dikit. Kainis kayong mag kakapatid. Masyado nyong sinanay yang dila nyo sa kaka english. English na nga sobrang slang pa buset!" (Ang papangit nyo! Kakainis!) "So I have been talking here for a whole time and you dont even understand what im saying?. Oh Good lord, I've just wasted 45 minutes of my life " Ngayon yung salita nito medyo malinaw na. (Powtang ina mo pow.) "Wasted ah, edi sana di ka sumama. Bat ka ba nandito?, alam mo anong maganda mong gawin? Ay yung bumili ka ulit ng ticket mo pabalik sa inyo o kung saang lupalop mo man gustong pumunta at lubayan mo ako. Ako na bahala kay tita na magpaliwanag bat ka umuwi ng mas maaga. Kung ayaw mo sakin mas ayaw ko sayo. (Weh? Crush na crush mo nga yan eh). Sige na umuwi ka nalang ulit sa inyo letse! ". Naiinis na sagot ko na dito at nag papadyak na din ako sa sobrang inis. Kaka irita na ito eh. Arte kalamo may mens. "I can't do that. kasama kitang uumuwi ulit sa ilocos. So i guess we'll stick together and with your stupidity. " Sabi nito at nagpakawala ng napaka habang buntong hininga. Na akala mo malaking sagabal na kasama ako. (Letse, kasama ng ugali ng taong to! sana di nalang kita naging crush!) "Tumigil ka na nga sa kaka english mo at mag tagalog ka nalang. Pag narinig ka ng mga tao dito bubugbugin ka iisipin nila bakla ka. Kasi arte mo magsalita pa english english ka pa di ka naman gwapo!. Ibagay mo din oy!. Ngayon wag mo nalang akong kausapin ng di tayo nagaaway magtatanong nalang ako sa mga taga dito, kung saan sakayan papuntang samin" Sabi ko dito. "Go ahead I'll wait here" "Ay hinde!, I'll wait here, I'll wait here my ass, kasama kita aba pag nakakita akong sasakyan babalikan pa ulit kita dito ganun?, swerte mo naman. Papagurin mo pa ako eh no" Patawa tawang may halong inis na sabi ko dito. Mautak din to eh. "Hindi ka pa ba pumupunta dito? Bat hindi mo alam kung san ka sasakay? " Takang natong nito. (Eh kasi hindi naman kami nag cocommute pag pumupunta dito rk ako eh) "Madalang lang kaming pumupunta dito, kaya hindi ko alam ang sakayan" Tumango tango lang ito. At hindi na ulit ito nagsalita. Sa tutuusin parang akong mag isa lamang mula kanina. Ngayon lang nga kumibo ang tinamaan ng magaling na to ng malaman di ko alam kung anong sakayan papunta samin. Tiningnan ko ito. Ang suplado ng tingin nito. Kaka ilang. Umikot nalang ang mata ko at huminga ng malalim. (Pasensya, pasensya asan ka?, wag kang mawawala sa tabi ko baka masapok ko ito ng wala sa oras jusko) Nag lakad lakad ako, humahanap ako ng taong pwedeng matanungan. At sumusunod lang naman sa akin si mason. Habang naka earpod ang gagu. Huminga ako ng malalim at umismid. Kainis. Ni man mag effort na tulungan akong magtanong tanong. Ano gusto nyang gawin ko?. ako lahat maki pag usap sa mga tao. Ay grabe. Sampong palakpak para sakin. Napaka lakas ng loob ko. Nang may makita ako na sa tingin ko taga dito at maayos na kausap. Agad agad ko itong nilapitan. "Hi po, pwede po bang mag tanong?" Tanong ko sa medyo may edad na babae at lalaki na sa tingin ko asawa nito. Tumango naman ang babae. "Saan po makikita dito yung mga sakayan po? " Magalang na tanong ko sa mga ito. (Himala yan ah) "Saan papunta? " Tanong ng ginang. (Syempre kahit saan yung pwede i sakay si eli at wag na bumalik) "Like papunta pong manila, bataan ganun po" Tumango tango si ginang. Pero hindi nito alam buti nalang alam ng asawa kung saan yung sakayan. (Tumango tango akala ko pa naman alam na hindi din naman pala alam naku po) "Ay, maraming maraming salamat po, thank you po. Ingat po kayo" Sabi ko sa mga ito at hinila na si eli. Habang nakikipag usap ako busy na nag kukulikot at nagpipindot ang loko sa cellphone nito. I don't care, i don't care ang naka sulat sa buong panget na pag mumukha. Nang makarating sa pupuntahan namin. Agad agad akong sumakay. Bahala ito kung may uupuan pa ito sa bus o mag iistanding nalang si eli. Arte eh, pinapauwi ko na kasi ayaw pa. Napangiwi pa ako ng makitang pati ako standing. (Putchang buhay to oh, puno na, gusto jam pack pa. Hustisya naman para sa iba mga buset!, pag puno na wag ng magpasakay!) "Are you f*****g kidding me right now?" (Here we go again. Him and his english, maparusahan nga ito, sanay naman akong mag standing sa bus) "Yes, i am f*****g kidding you right the f*****g now" Tiningnan ko ito at nakita kong pumula ang mukha nito na akala ko uusok na. s**t, na beast mode ko nanaman ata ito. Lumayo layo ako ng konti dito. Baka hindi ko alam bigla nalang akong itumba nito sa bus. Sayang ganda ko jusko. Hinila nito ang kamay ko. At lumapit sakin. Kahit siksikan na pinilit padin nitong maki pagsiksikan sa ibang naka standing. Medyo pumunta kasi ako sa medyo dulo eh para maka iwas iwas dito. "For the love of god feisty, we should get the hell out of this bus, can you even breath?." Pero huli na, umandar na ang sinasakyan namin na bus, napangisi ako dito. (Goodluck, pretty boy) "Too late, paalis na tayo, bawal ng bumaba pag umaandar na itong bus. Tiis gwapo ka nalang dyan. " Medyo patawa tawang sabi ko pa dito para mainis lang ito. (Kawawa ka pero nakakaninis ka kasi eli! Kakainis kagwapuhan mo, kasungitan mo at lahat lahat kainis kaya yan mag tiis ka. Hahah) Pero hindi ko naman sya matitiis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD