Chapter 17

1624 Words
Rennei. "Kuya, lubao lang kami ne" Sabi ko kay manong condoctor, baka lumampas kami. Tiningnan ko si eli na nasa bandang likuran pa. Ako nasa unahan. (Napalayo ang loko, arte kasi eh) Nakapikit ito at mukhang hirap na hirap sa siksikan sa bandang dulo. Napatawa ako sa nakikita ko dito. Mukhang di ito komportable at di sanay. Nang feel ko na malapit na kami tumayo na ako. Tiningnan ko si eli naka tingin ito sakin at ang sama ng tingin. Sinenyasan ko ito. "Koya, dyan nalang po sa kanto" Nang iparada ng driver ang bus dali dali akong bumaba, at hinintay si eli na maka baba. Dahan dahan itong bumaba at mukhang ngarag na ngarag ito sa byahe. Nag lakad na ako papunta sa mga nag tratricycle. Sumunod naman ito. At ng sumakay ako sa tricycle naka tingin lang ito sa akin. Parang ngayon lang naka kita ng tricycle. "Ano Sasakay ka o maiiwan ka dyan?" Naka kunot noong tanong ko dito. "Are you serious? " Nanlalaking matang tanong nito. "Are you serious?, o maiiwan ka dyan? " Natatawang panggagaya at tanong ko dito. Galit na tiningnan ako nito. At sumakay na din sa loob ng tricycle. Napalunok ako ng wala sa oras. (Ang bango nya shittt. Sarap amoy amoyin. Kahit masikip ok mabango naman sya. Pag naging close kami nanakawin ko pabango nito) "Move your ugly arse." Bulong nito. Ano daw move?, ano pang i momove ko eh, wala na nga akong i move eh, dikit na dikit na nga ako dito sa sulok. "Wala na akong i uusog, at di ugly ang pwet ko buset, kung gusto mo dun ka sa likod" Inis na sabi ko dito. At umiikot na din ang mata ko. Nahawa na ata ako dito. "Good idea" Kinalabit nito si manong mag tratricycle at pinatigil sa gilid ng daan. Bumaba ito. At tinitigan ako. "Ano?, tinitingnan mo?" Nanlalaking matang tanong ko dito. "Move your ass over there" sabi nito sabay turo sa likod. Pinanlakihan ko ito ng mata. Hindi makapaniwala sa gustong mangyari nito. Babae ako jusko. "Oy!, babae ako loko. Pasasakayin mo ako dyan sa likod. Be gentleman naman aba! " reklamo ko. Kainis naman to. "Ok, fine by me. Let see who'll first to give in" Sabi nito at sabay sakay ulit sa tricycle. (Powtang ina neto) "Ano aalis na ba tayo? " Tanong ni manong. Nginitian ko ito. "Opo manong, tara na, malapit narin naman po" Nakangiting sabi ko dito. At pinaandar na ni manong ang motor. "No wait. You should move over there feisty. It so freaking narrow" Reklamo ni eli. Bigla akong napapadyak ng wala sa oras. (Oh god, eto nanaman ka artehan nito. Kung alam ko lang iniwan ko na kanina pa sa airport to) "Huh?, ano ba talaga? " Medyo na iinis na din na tanong ni manong. "Ay manong eyu ne mu pu papansinan ining bugok a ini" (Ay manong, wag nyo nalang pong pansinin tong gago na ito) Pakausap ko sa wika namin. Para hindi na maintindihan ni mason. Naiinis na kasi ako sa kaartehan nito eh. Ka inis. Sarap supalpalan ng bibig nito. Tumawa naman si manong. At tinuloy tuloy na ang pag dridrive. Tiningnan ako ni mason at sinamaan ako ng tingin pero makikita sa mukha nito na nagtataka sa sinabi ko. " are you an alien? " Hindi mapigilan na tanong nito. (Hayup, alien daw ako) "Ay hindi hayup ako hayup" Naiinis na sagot ko dito. Umiling nalang ito at hindi na sumagot. "Manong dyan nalang po sa tabi. Para na po" Ipinarada naman ni manong ang tricycle nito. Tiningnan ko si eli na nakatingin lang sakin. Sinenyasan ko ito na bumaba na. "You live here? " Takang tanong nito. Di siguro ine expect na bukirin samin. "Oo dun sa gitna ng bukid, may punso dun. Taga dun ako. Papaliitin kita para magkasya ka" Pang uuyam ko dito. (Total mukha naman syang dwende) Galit na tiningnan ako nito. At bumaba na ng tricycle. Binayaran ko agad si manong pagkatapos dali dali akong naglakad pauna dito. Kinakabahan ako. Feel ko nga yung puso ko lalabas na eh. Nang malapit na ako sa garahe agad kong nakita si krizia. "Ate! " Tawag ko dito. Agad naman itong lumingon at napasigaw pa ng makita ako. "Neiiii!....." Pasigaw na sabi nito at agad akong dinaluhan at niyakap. "Tina!!, si nei!" Tawag ni krizia kay tina, kapatid nito. Naramdaman ko agad yung patakbong paglabas ni tina. "Oy gagu!" Sigaw ni Tina at niyakap dun ako. "Gago ka din baliw" Tatawa tawang sabi ko dito. "Loko dapat dika na umuwi total naman wala nang nakaka alala sayo" Sabi ni tina ng tinanggal nito ang pagkakayap sa akin. Bastos talaga kahit kailan tong babae na to. "Kaya pala niyakap mo ako ne" Sabi ko dito. "Buset ka na miss kita tagal kitang di nakita loko" Sabi ni tina. "Oo nga naman nei, ni hindi ka na nagparamdam. Ni hi ni ho wala man. Gagu ka eh no, alam mong i stress mga tao dito" Sabi namin ni krizia. "Ateng ta ngang bag ku melakwan ya ketang bus. Ikwa me ba? Pekilawe mo kung ati ngan karin gamit ko? " (Ate yung bag ko naiwan sa bus. Nakuha mo ba?, tiningnan mo ba kung nandun lahat ng gamit ko?) Tanong ko dito sa wika namin. "Uwa linawe ku. Kumpleto naman, itang pati itang maleta mu ati ketang kwarto ampo itang bag mu" (Oo tiningnan ko. Kumpleto naman. Yung maleta mo at yung bag mo nandun sa kwarto) Sagot ni krizia. Tumango tango naman ako. "Antayu pala i tita? " (Nasaan pala si tita?) Tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan ang mga ito. "Nandun sa kwarto nya puntahan mo, goodluck sayo" Umiiling iling na sabi ng mga ito. Maglalakad na sana ako paalis ng bigla may humawak sa wrist ko. Gulat na napalingon ako at napangiwi. (Nakalimutan ko si eli hahaha) "Oh andyan ka pala, kala ko sumama ka na dun sa nag tritricycle" Naka ngiwing sabi ko dito. Sa totoo nyan nawaglit sya sa isip ko na kasama ko sya. "Oh myyy godddd... " Tulalang sabi ni tina habang nakatingin kay eli. Na star struck ang loka. "Yung bibig mo tina papasukin ng langaw yan, napag hahalataan ka eh" Pang iinis ko dito. (Don't worry tina mas malala pa dyan reaction ko) Tiningnan ko si krizia masinsinan na nakatingin lang ito. Medyo may halong pag dududa. "Kung ano man yang nasa isip mo. Ate, wag alisin mo" Umiiling iling na sabi ko dito. Tumawa naman si krizia at si tina naman pinaka titigan si eli. "Matunaw yan tina. Kayo na muna bahala sa busita ko ne, pupuntahan ko lang si tita". Pagkasabi na yun umalis na ako para puntahan si tita. Kanina yung puso ko gusto lumabas ngayon nasa bibig ko na. "Tita?" Tawag ko dito at kumatok sa pintuhan nito. Nakabukas naman yun. Tumingin ito sa akin. Pero bumalik din ang tingin sa tablet nito. Naglakad ako papalapit sa kama nito. Inabot ko ang kamay nito at nagmano. "Mano po tita" Sabi ko. Tumango lang ito. Napalunok ako. "Tita sorry, hindi ko naman sinasadya yung ginawa ko eh" Paghingi ko ng tawad dito. Pero hindi pa din ito kumikibo. "Tita sorry na talaga, mag wowork naman talaga sa manila tapos nakakita ako ng promo papuntang ilocos i grab it. Kasi di pa naman ako nakaka punta dun. Tas naiwan ako nung bus ko tas yun may naka aksidente sakin. Yung bag at cellphone ko di ko dala. Kaya nawalan akong communication sa inyo, sorry na talaga tita" Maluha luhang paliwanag ko dito. Pag nakita ko ulit magulang ko nyan uulitin ko nanaman sinabi ko. Papaliwanag na naman ako. "Sorry rennei?, yan lang ang masasabi mo?, pano yung months na pag aalala namin sayo?. Nag chat ka isang beses. Ang sinabi mo ok ka lang. Almost 4 months kang umalis at di nagparamdam rennei tapos sorry lang masasabi mo. Kahit sana umuwi ka lang muna kahit saglit. Nag paalam ng maayos pero hindi. Ngayon ako pa sinisisi ng mga magulang dahil kunsintidor daw akong tita, ngayong alam nating lahat na ikaw tong napaka tigas ang ulo" Galit na sabi nito. Napayuko ako. At tumulo na ang luha ko. "Tita at that time. Wala akong pera, sabi ko nga tita yung bag ko naiwan sa bus. Wala akong kapera pera ni damit o kung ano ano pa. Para akong homeless person ng mga oras na yon. Mabait lang yung naka aksidente sakin. She offered me a job, so accepted it. Tapos naka tira pa ako sa bahay nila. Sabi nya magstay lang daw ako dun as long as i want. Sabi ko yung expenses ko i less nalang nya sa sweldo ko kaya nga hindi ako maka uwi uwi. Ngayon yung pamasahe ko gastos din ng boss ko tita, kaya sorry na please" Pagpapaliwanag ko dito. "I forgive you. Pero dapat mag stay ka nalang dito sa pampanga. No more far away" Nanlaki ang mata ko. Sabi na eh di na ako papagayang umalis. "Tita hindi pwede, may kasama ako. Yung anak ng boss ko. Yung boss ko isa sa pinakamayaman tao dito sa pilipinas. Yung mga strattan tita" Naka ngiwing sabi ko. Biglang bumangon si tita sa kama nito at dali daling lumapit sa bintana at sumilip dun. "Oh goodness, why didn't you tell me na kasama mo sya?, di sana napasundo ko kayo. My god. Ano nalang sasabihin nila satin nyan" Sabi nito. At tarantang pumunta sa banyo nito at nag ayos. Tumawa lang ako. At humiga sa kama nito. (Yes!, namiss ko tong kama na to) "Tita, hayaan mo yan. Mahirap syang i handle. Dahil mayaman maarte, kung ako lang di ko sasama yun eh pinasama lang ng mama nya para daw may magpaliwanag sakin bat di ako umuuwi eh ako din naman ang magpapaliwanag sa sarili ko" Inis na sabi ko. "Baka naman buntis ka rennei?" Bigla akong napapitlag sa sinabi nito. (My gosh ako buntis?, buntis ako? Jusme no way) Ayun nabuntis pa ako. Mabuntis na lahat wag lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD