Rennei.
"Nei, dun sa kabilang bahay mo nalang patulugin yung kasama mo"
Ika ni tita.
Napatingin ako kay tita habang kumakain.
"Erh... Sa bahay ni tita deekie?"
Tanong ko.
"Oo, dun nalang sila, pasasamahan natin sa mga lalaki, linisin at ayusin nyo muna, yung mga kama lagyan nyong kobre kama, tas kumuha ka ng unan dun sa kwarto ko"
Utos ni tita.
(To nanaman yung lilinisin. Tamad pamo ako.)
Di lang naman ako, kaming magpipinsan. Ayaw namin ng bisita kasi madami gagawin at madaming lilinisin ganyan at aasikasuhin pa sila.
(Kaya ayaw kong isama yung ungas na iyon eh)
"O sige tita, pagkatapos nating namalengke. Lilinisin ko yung gitna"
Sabi ko at tumayo para iligpit yung pinag kainan.
"Yung sa dulo nalang nei, para may banyo sya. Para di na sya lalabas ng kwarto kung maliligo man. Dun nalang sya sa kwartong may banyo"
Sabi ni tita habang nag huhugas ng kamay.
(Swerte ng bugok, serve na serve. Samantalang ayaw nya sakin)
"Ahh. Sige. Anong oras ba tayo mamalengke tita? "
Tanong ko habang nag huhugas ng pinggan.
"Mamayang hapon na, mainit init pa eh, papag pahinga mo muna yung kasama mo"
Sabi ni tita.
"Ay naku tita kanina pa nag papahinga yun. Nahapo sa byahe at pag cocommute. Di sanay mag commute"
Tatawang tawang sabi ko.
Umiling iling si tita pero naka ngiti.
"San kwarto sya naka pahinga?"
Tita.
"Dun sa kwarto namin, dun ko muna sya pinatulog hanggat di ko alam kung san ko sya i sasaksak"
Ako.
"Binuksan mo ba yung aircon?"
Tita.
"Hindi tita, yung ceiling fan lang, yaan mo yun ng mabawasan kaartehan, sosyal masyado eh"
Ako.
Binatukan ako ni tita.
"Iwanan mo yang ginagawa mo at buksan mo yung aircon sa kwarto nyo"
Utos ni tita.
"Tita naman, kahit huwag na nating i aircon yun ang sama sama naman ng ugali. Lagi namang nasa malamig yun for sure namimiss nun yung kainitan ng pilipinas"
Pagdadahilan ko.
Umiling iling si tita.
"Buksan mo na yung aircon dun rennei, kakahiya sa bisita mo. Ano nalang sasabihin nyan pag uwi na pinabayaan mo sya?, buksan mo na yun bilisan mo. Kainit init na to ma iisteam yun sa kwarto."
Sabi ni tita na medyo galit na.
Dali dali kong iniwan yung hinuhugasan kong mga plato at tulad ng gusto ni tita pumunta ako sa kwarto namin.
Pagbukas ko nang pinto. Agad kong nakita ito na nakahilata sa kama at naka sandong puti at boxer.
Bigla akong natigilan. At napalunok.
(Lunok laway bessy. Hahaha lunok pa)
At medyo pinag pawisan ako agad at nanlamig na din ang kamay ko.
(Ano ba bubuksan ko lang tong aircon ehh)
Oh god, bat sobrang sexy nito. Nakaka turn on ang kaseksihan. Naka dapa ito sa kama habang yakap yakap nito nito ang unan ko. Potang gala UNAN KO NGA!
(MAYAKAP NGA MAMAYA YUN, lande mo sis)
Napalunok ulit ako. Kung nakaka bulag lang ang sobrang pag titig bulag na ako ngayon.
Ano kaya ang pakiramdam na mayakap nito habang natutulog?.
Kahit holding hands lang.
Bat ganto bat ang ganda ng katawan nito?.
Napalunok ulit ako.
(Hoy yung aircon!, tama na yang pag titig tutunaw yan loka, at may girlfriend yan na sobrang mahal)
Yun lang. Oo may gf nga pala ito. Girlfriend na sobrang mahal. Sayang hindi ako una nakilala.
(Kahit naman ikaw ang unang nakilala sa tingin mo papansinin ka nyan? Hahaha asa ka fren)
Gagu. Mabuksan na nga yung aircon baka kung ako pang magawa ko.
Dahan dahan akong lumapit dun sa may aircon. At binuksan yun.
Narinig ata nito ang pagbukas ko ng aircon kaya umungol ito. Napalingon ako. Naka harap na ito ngayon.
Napa nganga ako. At tulalang pinagmasdan ito mula ulo hanggang baba sa may boxer nito. Biglang nag init ang katawan ko at pisngi. Para akong biglang nilagnat. Kinabahan ako lalo.
(Lumapit ka sis, tingnan natin maayos ano yung naka umbok na yun ) bulong ng kabilang isip ko. Napalunok ako nang wala sa oras.
(Ay wag, wag, badddd yannn. Minus 100 ka sa heaven bahala ka) bulong naman ng kabilang isip ko.
Napahinga ako ng malalim at pinag masdan nalang ito. Pigil na pigil ang sariling wag lapitan ito.
Bat sobrang gwapo nito?. Nakaka iyak ka gwapuhan nito. Yung kagwapuhan na di ka mag sasawang titigan maghapon or magdamag o kahit habang buhay pa.
(Gagu oa mo. Habang buhay cornik, umalis alis ka na dito para mawala nervous mo loko)
"What time is it?"
Paungol na tanong nito.
Nagulat pa ako ng bigla itong lumingon sakin. Dali dali kong inalis ang tingin ko dito at tumingin dun sa may cabinet at kunwari may kinakalkal ako sa pader.
(Kung hoarse na ang boses nito lalo na ngayong bagong gising ito jusko. Nakaka panlambot ng tuhod. Mamaya i tatali ko yung panty ko baka biglang dumulas nalang sa legs ko mahirap na)
(Pano kaya pag asa ibabaw ko ito tapos ganun mag salita hihih) gusto kong matawa sa naisip ko
(Napaka manyak mo inday)
"H-hhuh? "
Nauutal na tanong ko.
"Anong oras na?"
Slang na tanong nito. Medyo gulat pa ako kasi nag tagalog ito.
Pati yun nakaka turn on. Oh god nagiging maniac na ata talaga ako ng dahil sa lalaki na to. Kailangan ko ng lumayas layas dito.
"Uhh... Hmm.. Di ko alam, sige pahinga ka lang"
Mabilis na sabi ko at nag mamadaling lumabas ng kwarto. Pagkasarado ko ng pinto napasandal ako sa pader. At huminga ng malalim ng sunod sunod akala mo mag kaka heart attack na ako. Kung hindi pa ako lumabas ng kwarto na yun baka bumigay ako at magahasa ko sya jusko delekado na mabuntis ko pa sya.
(Papa jesus, wag po ganto. Wag ganto please. Marupok lang po ako. Kulang po ako sa rugby)
Afte a while.
"Li, gusto mong sumama? "
Tanong ko dito.
Hindi makatingin ng diretso dito. Naiilang kasi ako dito. Pag kasi tinititigan ko ito. Hindi ko maiwasan mag imagine what if ako gf ganun. Anong feeling na mahalin nito at alam mo na mahalikan at madami pang kahayupan na naimagined ko.
Gusto kong malaman lahat lahat dito. Fav. Pagkain, color at kung ano ano pa. Ayaw ko ng na raramdaman ko na to. Baka masaktan lang ako. Crush ko to, oo matagal na. Pero ayaw ko ng lumagpas sa paghanga ang patingin ko dito. Mahirap na.
Kunot noo na tumingin ito sakin.
(s**t ang gwapo. Anong nangyayari sakin?)
"Where?"
Nakataas kilay na tanong nito.
Hindi agad ako naka sagot at pinagmasdan lang ito.
"Feisty?"
Agaw pansin nito sa akin ng mapansin nito na nakatulala ako.
(Anong nangyayari sakin my gawwddd)
"Ahhh... Sa ano sa ahh.. puntod ni lola ko, tinatanong lang kita kung gusto mo sumama or mag stay lang nalang dito sa bahay, bibigay ko nalang yung password ng wifi"
Ngumiti ako dito pero alam ko mukhang pilit ang ngiti ko.
Mukhang nag isip muna ito. Bago ito umiling.
"No, I'll rather stay here. Morghan will contact me in about an hour. (at tumingin ito sa wrist watch nito) So go ahead and enjoy your day"
Sabi nito at mabilisan na ngumiti sa akin. Mga 3 sec na ngiti. Nakulangan ako. I want more.
(May gf nga pala. Always remember my gf, nang di nag aassume yung puso na to.)
"Ahh.. Sige, kung gusto mong kumain kumukha ka lang sa ref. Wala namang tao dito bali ikaw lang nyan, kaya feel free to rummaged our kitchen and serve yourself what ever you want nalang"
Sabi ko dito habang pinakatitigan ito. Ngayon ko lang napansin light brown pala mata nito.
"Dont mind me feisty , just give me the freaking password of your wifi. And we are all set"
Sabi nito at busy na may pinipindot sa cp nito.
Hinarap nito ang cellphone nito sakin. Impyernes ahh updated sa uso. Sana all talaga.
"Password?"
Tanong nito.
"Renneimaganda143"
Sabi ko.
Bigla itong napatingin sa akin at kunot noo.
"What?"
Tanong ulit nito.
"Renneimaganda143"
Sabi ko na medyo binagalan ang pagsasalita.
Napailing ito at nilagay ang password.
"Seriously?, your wifi name is BASTOS!, then your password renneimaganda143?, what's 143?"
Tanong nito.
"I love you" wala sa loob na sagot ko.
Nang mapaisip ang sinabi bigla akong napatingin dito. At nakatingin lang din sakin si eli.
Alin langan akong tumawa at nag iwas ng tingin. Namumula pisngi ko.
"Hehehe Hindi naman ako nag lagay nyan yung mga kuya ko. Dun sa pinsan ko na iyan yung wifi. Tas yung password napag tripan lang nila, wag ka ng magreklamo pasalamat ka binigay ko pa sayo bastos pamo ako" Nag iinis inisan na sabi ko.
Nakakahiya yun, bawiin ko ata yung password.
(Dapat bess di mo binigay, ma kaka chat na nyan si more gone. Tanga mo bessy)
"Ohh wow. Thank you"
Sarcastic na sabi nito.
Lalo akong nainis. Bat ba pag dating dito mabilis akong ma buysit at magalit. Eh hindi naman ako ganun.
"Kung gusto mo manood ng tv manood ka, may netflix naman or hulu apps dyan buset!, mamatay sana yung kuryente at multuhin ka sana ng lola ko"
sabi ko pagkatalikod ko dito at lumabas na ng kwarto at pabagsak na sinarado yung pinto. Nakaka inis naman kasi sya eh.
Nagiging mabait na nga ako ganto pa pinaggagagawa. Kainis.
(Lamunin sana sya ng kama)
"Oh, di sasama kasama mo?"
Tanong nito tita.
(Anong kasama naman. Pinilit lang yun na sumama sakin at pinilit lang din ako)
"Ah hindi tita, nag tatae sya ta"
Pagdadahilan ko.
"Ay oh bakit?, baka may nakain syang hindi maganda?, ay naku rennei baka may sira na sa pinapakan mo sa kanya, bilhan mo ng gamot pang paalis ng lbm"
Nag aalalang sabi ni tita.
Umiling iling ako.
"Ay hindi tita, sadyang gumaganun lang talaga tyan nun, di yun tumatae ng normal. Kaya hayaan mo yun tita di naman yun mamatay masamang d**o yun"
Inis na sabi ko.
"Baliw ka loko, ikaw nga bahala,kargo de konsensya mo yan pag may nangyari dyan. At tara na mauuna na tayo sa puntod nila inang"
Sabi ni tita. Tumango naman ako.
(Di ako nakokonsensya tita, naiinis ako. Siya nga di nakokonsensya sakin eh)
"Saglit lang tita" paalam ko dito.
Pero bago ako sumunod kay tita sa sasakyan pumunta muna ako dun sa saksakan ng wifi namin. At binunot yun.
(Total BASTOS! yung pangalan ng wifi namin. Babastusin na kita ng tuluyan. Bastos ka eh)
Napa ngiti ako at patakbong pumunta sa sasakyan. At agad agad pumasok dun.
At ngingiti ngiti habang nag byabyahe.
(Hahaha Manigas ka dyan buset!).