Rennei.
Pagka uwi namin nakita ko agad si Eli. Prenteng naka upo ito sa sofa at nanood ng tv yung normal na channel lang. walang wifi eh.
Napangiti ako at nilapitan ito at umupo sa center table. At ngumiti ng napakatamis.
Di ako pinansin nito.
"Hi, kamusta?"
Naka ngising sabi ko dito.
Umikot ang mata nito at di pa din ako kinibo.
"So galit ka na nyan?"
Naka ngiting sabi ko.
Galit na tiningnan ako nito.
Napalunok ako.
(Gwapo)
"Leave me the fvck alone"
Galit na sabi nito.
(Galit nga)
"Bakit ka nagagalit, sabi ko na kasi sayo sumama ka na eh ayaw mo pa"
sabi ko. Kunwari di ko alam ikinakagalit nito.
"So you think, I didn't know what you did?"
Galit na sabi nito at tinitigan ako.
"Ikaw kasi eh, ang sama ng ugali mo kung anong ikina gwapo mo yun ikinasama ng ugali mo"
Inis na sabi ko dito.
Nakaka inis naman kasi ito eh.
Ang arte bugnutin at ang maldito pa. San ka na dito ka na.
"So it's my fault now? you stick yourself to my family. And bring nothing but a disaster. And you are a walking disaster. So just please, get out of my sight and don't come near me."
Galit na sabi nito habang naka tingin sa akin ng masama.
Napalunok ako. Nagalit ko ata ito ng sobra. Nakaka inis naman kasi ito eh. Pero alam ko naman na di naman tama yung ginawa ko.
Hindi agad ako nakakibo. At nakatingin lang sa malayo.
Iniisip ko kung anong dapat kong sabihin.
Ayaw ko na ng lagi kaming nagbabangayan. Gusto ko naman na magkasundo kami. Dahil 1 week ko syang makakasama.
"I'm sorry eli. Oo na childish yung ginawa ko. Mali na ako kung mali. Aakuhin ko na lahat lahat. Ako na yung masama sige, ikaw na mabuti. Kaya please lang tigilan na nating tong walang kwentang awayan natin. Hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi ako sawang sawa na. So sorry na"
Paghingi ko ng tawad dito.
Lulunukin ko na ang pride ko. Ako na mag sosorry.
Tumingin ito sakin. Emotionless ito.
(gagu ano pang gusto mong gawin ko)
"So ano titingnan mo lang ba ako?, wala ka man lang bang sasabihin. Nag sosorry na ako eh, lunukin na nating parehas ang pride natin ay patawarin ang isa't isa." Umikot ang mata nito.
"Kay, fine you're forgiven."
Walang ka emosyon emosyon na sabi nito.
Napataas ang kilay ko. Aba aba aba.
Ito pa ang mapagmataas ngayon.
"Buset ka, nagsorry na nga ako ganyan pa reaction mo, nilunok ko na nga ang pride ko para sayo buset!"
Inis na sabi ko dito.
Tumaas ang kilay nito at tiningnan ako.
(Aba at tinaasan pa ako ng kilay!)
"What do you want me to say?"
Tanong nito.
"Sabihin mo, im sorry din at let be friends total naman 1 week mo akong kasama dito"
Sabi ko dito.
"What? no!, i dont want to be friends with you"
Pang iinarte nito. Kakabuset ito. Nakaka buset na nakakabuset. Buti nalang gwapo ito.
"Tigilan mo na yang kaartehan mo eli!, para kang babae e di ka naman babae sobrang arte mo. Bakla ka no?"
Pang iinis ko dito.
Gulat na tumingin ito sa akin. At sinamaan ako ng tingin.
"I am not a gay, you may want to take back what you just said"
Pangbabanta nito.
Kinabahan naman ako. Kaya dalidali ko naman tinaas ang kamay ko.
"Oo na di ka na bakla. So friends?"
Sabi ko dito at ngumiti at inilahad ang kamay ko dito.
"Friends na ano ba eli, ang dami ko pang gagawin kesa maki pag deal dyan sa kaartehan mo. At paki lunok mo na din yang mount Everest mo na pride. Wala kang mapapala dyan. At sorry ulit. Friends? "
Matamis na ngumiti ako dito.
(Bibigay ka din)
Umikot ang mata nito at nagpakawala buntong hininga at kinamayan ako.
Napahugot ako ng hininga.
At napatingin dito. Napatingin din ito sa akin. Ang init ng kamay nito ay ang lambot. Parang may tiny electrict na dumadaloy sa palad ko. Natulala ako dito at parang sira ulo na nahihibang sa pag titig dito. Nanlaki ang mata ko at dali dali kong hinila ang kamay ko.
Pilit na ngumiti ako dito.
"So friends, frieeeendddd"
Tumawa ako. Umiling iling ito at pinatay ang t.v at tumayo.
"I leave you alone to yourself. Baliw ka mahawa pa ako sayo" Umiiling na sabi nito.
Napatawa naman ako. Hindi ako sanay na naririnig itong magtagalog. Lagi kasi itong nag eenglish.
"Dapat lagi kang nag tatagalog sarap mong pakinggan mag tagalog FREN hahah" Tumatawang sabi ko.
Tumaas ang sulok ng labi nito pero pinigil nito ang mapangiti.
Napatingin kaming pareho ng makita si tita at na tinatawag ako at lumapit ito samin.
"Oh Eli, dinalhan kita ng gamot, para sa lbm mo, ayus na ba ang pakiramdam mo?"
Nagugulahang napatingin si eli sakin. Habang naka taas kilay.
"Pardon?"
Naguguluhang sabi nito.
"Sabi ko para sa lbm mo, sabi nitong si rennei, kaya di ka nakasama dahil nagka lbm ka, dinalhan kita ng gamot para matigil na pag tatae mo"
Napalunok ako at nanlalaking matang napatingin ako kay tita. At napatingin ako kay eli na biglang namula. At kunot noong napatingin sa akin.
(Itsura nito)
Umiling iling ako dito. Pero sinamaan ako nito ng tingin. Napakagat labi ako pinipigilang matawa.
"Ahhh.. Tita, ok na daw po yung tyan nya. Pinainum ko na po pag kauwi natin"
Naka ngiting sabi ko kay tita
"Ay ganun ba?"
Tanong ni tita.
Tumango tango ako.
"Opo tita. Ok na po sya"
Sabi ko.
"Ay kung ganun, maiwan ko na kayo dyan"
Sabi ni tita.
Pagka alis na pagkaalis ni tita. Agad agad akong binalingan ni eli.
"What the fvck is that?"
Takang tanong nito. Habang mataman akong tinititigan.
(Wag ganyan eli, wag moko titigan ng ganyan malulusaw ako anekebe)
"Ganto kasi yun. Tinanong ako ni tita kung bakit di ka sumama, ayaw ko naman na sabihin na nag iinarte ka, kaya sinabi ko nalang nagtatae ka"
Paliwanag ko dito.
Napapikit ito.
"Yun lang ang naisip mo for a reason?. You're insane"
Sabi nito. At nang akmang aalis na ito dali dali akong tumayo at lumapit dito.
"Hep, hep, hep, hep!, ayusin mo na gamit mo lilipad na tayo"
Nakangiting sabi ko dito.
"What!? "
Galit na sabi nanaman nito.
(Galit nanaman ito)
"Sabi ko. ayusin mo na gamit mo, lilipat ka dun sa kabilang bahay. Malinis na dun kasama mo dun yung mga pinsan kong lalaki" Paliwanag ko dito.
Napatingin ito sa akin.
"Oh, ok"
Sabi lang nito. At pumasok na sa loob ng kwarto.
(Siguro naman, mag aayos yun ng gamit).
Kinabukasan.
"Tita, pupunta lang po ako sa kabila, titingnan ko lang si eli kung gising na, oras na eh"
Pag papaalam ko dito.
"Sige paki dala mo na yung pag spray ng lamok dinala ng mga lalaki kagabi dun di na inuwi. Paki dala pag uwi mo"
Habilin nito.
"Oo sige tita"
Sabi ko dito.
Naglakad lakad na ako papunta dun ng mapahinto ako dun sa may mangga.
Yung manggang inaakyatan namin mag pipinsan dati. Daming bunga.
Nangasim ako.
(Aaykatin kita pagbalik ko)
Nang dumating ako sa bahay ni tita deekie, agad kong nakita yung pinsan ko na lalaki na nakahilata sa sofa at may nakalatag na cushion sa lapag at naka higa iba dun. Nanood siguro ng movie ang mga ito.
Pinag gigising ko sila
Jusko oras na magagalit si tita pag nalaman nyang natutulog pa mga ito.
"Oy bangon na kayo, jusko oras na 10 na kaya mga kuya!".
Gising ko sa mga ito.
Nag ungulan ang mga ito. Kala mo yung na uulol.
"Bahala kayo dyan yan na si tita"
Babala ko sa mga ito.
Pungas pungas namang umupo si kuya kit. At tumingin sakin
"gulo mo"
Nag make face lang ako. At iniwan na mga ito. Bahala ang mga ito pag di pa gumising si tita gigising sa kanila.
Pumunta ako sa dulong kwarto san nag kwakwarto si eli.
Kumatok muna ako. Baka kung bigla ko nalang binuksan bubulaga sakin hubad na eli at makita ko pa si little eli at egg na eli mahirap na.
Kumatok ako ulit.
"Eliiiii???.. "
Tawag ko dito. Nang nakaka ilang katok na ako at wala pa binuksan ko na iyon. Wala ito sa kama. Kaya nasa banyo siguro.
(Babalikan ko nalang mamaya)
Pumunta ako sa may kusina.
Namalengke si tita kahapon, alam ko yung iba nilagay dito kasi di na kasya sa ref dun sa kabila.
(Ano kaya ang pweding kainin dito)
Pagbukas ko sa ref. Napangiti ako.
(Favorite!)
Dali dali kong kinuha ang fresh milk. Tumingin muna ako kung may tao bago binuksan yun at di na kumuha ng baso at uminom nalang dun. Straight from the carton.
(s**t sarap talaga ng fresh milk, na miss ko to.)
"Hey!"
Bigla akong masamid at napatingin sa letseng nanggulat sakin habang umuubo.
(Hindi ako makahinga s**t ang sakit)
Dali dali akong pumunta sa lababo at at binuksan agad ang gripo.
(s**t!, lumabas sa ilong ko ang gatas)
Sa sobang sakit. Naiyak na ang mata ko. Grabi to. Sakit ng ganto. Namumula na din ako. Sakit sa throat shet. Letse. Inis na tumingin ako kay eli na naka ngisi.
"Kainis ka!, papatayin mo ba ako?"
Inis na pasigaw na sabi ko dito.
Bahagyang tumawa ito. At umiling iling.
"Really feisty?. drinking straight from the carton?, unbelievable"
Sabi nito at kumuha ng baso at nag salin ng gatas.
"This how you drink a milk feisty." Nang iinis pa nito.
"Heh, ewan. Ano magagawa ko mas gusto kong umiinom sa carton eh" Inis na sabi ko dito.
Umiling lang ito at iniwan na ako sa kusina.
Dali dali akong kumuha ng basahan at dali daling pinunasan ang mga kinalat ko. At pagkatapos sinundan na si eli kung nasan man ito.
(Mapag tripan nga ito hahaha)