Rennei.
"Tara sama ka sakin"
Anyaya ko kay eli.
Kunot noong napatingin ito sa akin.
"Where? "
Tanong nito.
"Igagala kita. Tara ng di ka lang dito sa bahay jusko di ka ba naiinip?"
Nagtatakang tanong ko dito.
"I'll think about it"
Sabi nito at nag type ulit sa cp nito.
Siguro ka text or ka chat nito si more gone.
"Anong you think, you think about it, tara na. Boring dito sa bahay, mag eenjoy ka sa pupuntahan natin for sure"
Sabi ko dito at hinila ang kamay nito.
Napabuntong hininga ito at tumayo na.
"So sure?, wanna bet on that?"
Taas kilay na tanong nito.
Alinlangan na ngumiti ako.
"Aba sabi ko baka mag enjoy ka dun. Wag na bet bet wala akong pera. Tara na wag ka na madaming reklamo nakakabawas pogi points yan sige ka"
Naka ngiting sabi ko dito.
Nang tingnan ko ito mataman nito akong pinagmamasdan. Nawala ang ngiti sa labi ko at nandun nanaman yung kaba na parang umabot ata pati sa tyan ko yung kaba. Parang pati ata tyan ko nanlalamig.
(Pasmado na din juicecolored)
Hindi ko alam, hirap i explain. Habang pinag mamasdan ko ito biglang bumibilis t***k ng puso ko at at pati ata tyan ko may tumitibok na din. Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko.
(Shet na virus na ata ako, baka may covid na ako.)
Bigla ito tumikhim at nag iwas ng tingin dalidali ko naman itiningin sa ibang direction ang mata ko.
(God, bat mo po ako pinahihirapan ng ganto)
"Tara na li, maya ka na mag cellphone"
Sabi ko dito.
Umikot lang ang mata nito at pumunta sa kwarto na tinutulugan nito.
(At nagpalit ng damit ang maarte)
"Oh bat ka pa nagpalit ng damit mo?
Nagtatakang tanong ko dito.
"I just want to"
Walang ka buhay buhay na sagot nito.
Kakainis naman to. Masyadong pinapakitang di mag eenjoy.
(Iwanan ko nalang kaya sya dito?)
Lumabas na ako ng bahay at sumunod naman to.
Nagpalakad lakad kami.
"Where are we going? "
Nagtatakang tanong nito.
Nag isip muna ako. Di din ako sure kung saan kami pupunta.
"Hmmn... Dyan lang relax ka lang"
Sabi ko dito at ngumiti.
(San ko ba igagala tong shokoy na to?.hmmmn... Alam ko na!)
Naglakad na ako papunta destinasyon ko. Nakasunod lang naman ito.
"What's that smell?"
Naka kunot noong tanong nito.
(Baho no? Hahahaha)
"Babuyan. Nanganak kagabi yung isang baboy ni tita titingnan natin"
Excited na sabi ko.
Nakatingin lang ito sakin. Na parang inuuri ako or gustong alamin kung anong nasa utak ko.
Nang malapitan na namin ang bagong panganak na baboy kaagad kong pinuntahan kung saan sila naka lagay.
"Ohh, ang cucute nila tingnan mo!"
Tumatawang sabi ko. Sa sobrang pagkatuwa ko sa mga baboy hindi ko napapansin na pinagmamasdan lang ako nito.
"Tingnan mo pa ito. Ang cute nila ne?. Sarap kagatin"
Hinawakan ko ang isa at binuhat. At inilapit dito. Seryoso lang itong nakatingin sa akin.
"Gusto mong buhatin?"
Naka ngiting tanong ko dito.
Nilapit ko dito ang biik.
At inilagay sa kamay nito. Unang reaction nito nanlalaki ang mata. Kasi biglang nag-ingay yung biik. At ibinabalik agad sakin.
"Hindi ok lang yan. Ganyan lang talaga ang mga yan. Cute no? " Tanong ko dito habang hinahaplos ang ulo ng biik na hawak nito.
Bigla kong nabawi ang kamay ko ng di sinasadya na nahaplos ko pati kamay nito.
Alin langan na ngumiti ako dito at binalikan ang ibang mga biik. Nang tingnan ko ito naka ngiti ito habang hinahaplos ang biik. Kahit maingay pa din ito.
(Hindi naman pala maarte to eh. Kung iba lang hindi nila hahawakan yung biik eh)
"This my first time to touch a piglet"
nakangiting sabi nito. Habang nakangiti ito tulalang naka tingin lang ako dito. Nakangiti kasi ito. Ngayon ko lang nakita ang genuine nitong ngiti.
Pinakatitigan ko lang ito. Habang pabilis ng pa bilis ng t***k ng puso ko. Alam ko crush ko to matagal na. Pero dapat ba ganto ang reaction ko?.
Sa sobrang kaba ko parang yung kaba ko nasa tenga na. Sya lang nakikita ko parang biglang naglaho lahat lahat at ito nalang nakikita ko.
(Baliw na ba ako?)
"Feisty, hey feisty? "
Agaw pansin nito sakin. Nakalapit na ito ngayon sakin.
"Having a day dream? "
Umiiling na tanong nito.
Bigla akong namula. Nahiya.
(Meron pala ako nun)
"Ha ha ha, tara na nga iwanan na natin yang mga yan. Baka ma stress kasalanan pa natin pag namatay mga yan" Pilit na ngumiti ako dito. At nag pati una nang naglakad.
(Shet head, bat mo ako gina ganto. Ano ba itong buset na nanyayari sakin. Nahihinotismo na ata ako? Makisama ka naman kayong dalawa ni puso wag ganun)
Nang makakita ako ng bayabas dalidali akong kumuha. Nakakamiss din ang mga ito.
"Oh tikman mo, masarap ito"
Sabi ko dito.
Alinlangan na kinuha nito.
"Nag aalinlangan ka pa hindi naman kita lalasunin"
Tumatawang sabi ko.
Sinamaan lang ako nito ng tingin.
At kinuha ang bayabas.
"Guava? "
Tanong nito.
Tumango ako.
"Yeah guava, magtagalog ka nalang bat ba english ka ng english nakaka inis ka nang naririnig"
Inis na sabi ko dito.
Sa totoo lang sarap nitong pakinggan. Nakaka hulog lalo. Baka mahalin ko to mahirap na.
Inisnaban ako nito.
"Mind your own business "
Sabi nito at kinagat ang bayabas na binigay ko dito.
(Sana may uod yang bayabas mo)
"Ano masarap?"
Tanong ko dito ng kumagat pa ito ulit sa bayabas.
"Nope"
Sagot nito habang nag ngumunguya.
(Nope, nope, kaya pala sarap na sarap ka)
"Tara dun naman tayo"
Sabi ko sabay turo dun sa mga puno puno.
Una na akong naglakad. Nang balikdan ko ito. Nakita ko itong kumuha pa ng isang bayabas.
(Oh?, kala ko ba di masarap?, loko talaga ito)
"Hoy!, kala ko bang di masarap? "
Pasigaw na tanong ko dito. Habang tumatawa at pailing iling.
"Oo di nga masarap. I'll bring this home and run some test to it. There might be a parasite or something you know"
Pag dadahilan pa nito.
Palusot.“”Com pa ito eh.
"Naku dami mo pang palusot, tara na punta na tayo dun"
Pinag gagala ko ito sa mga halamanan. Bawat madaanan namin sinasabi ko ang mga pangalan. At yung ibang bunga pinapatikman ko din dito.
Yung ibang walang bunga hindi nito alam. Nag babase lang ito sa bunga ng halaman. Kaya kahit di nito aminin makikita sa mukha nito namamangha ito.
"What is this naman?"
Tanong nito habang mabusisi nitong sinisiyasat ang maliit na pabilog na bunga.
"Alateris yan. Sa salita namin ang tawag namin dyan saresa. Matamis yan tikman mo"
Paliwanag ko dito. Dami nitong hindi alam. Jusko.
"Should i skin it or just eat it all?"
Seryosong tanong nito.
(Huh?, skin?. May skin naman talaga yun eh)
"Ano?, skin? Eh may balat naman talaga yan eh?"
Nagtatakang tanong ko dito.
Bahagyang tumawa ito.
"What?, no. What i mean is babalatan ko ba to?"
Tanong nito.
Dahil nahuhumaling ako sa tawa nito kahit konti lang. Kaya napangiti ako.
Kunot noong tumingin ito sakin.
At umiling iling.
"What?, babalatan ko ba to?"
Seryosong tanong nito.
Napakurap ako at nawala ang ngiti ko. At tumalikod at pasimpleng sinampal ang pisngi ko.
(God, ano tong nangyayari sakin. Nagiging maniac na ata ako)
"Dipende sayo kung gusto mong kainin yung balat or hindi. Pero kami kinakain namin yan minsan. Minsan hindi"
Nakatalikod na sagot ko dito. Pati ako naninibago sa sarili ko.
"Ok" Sabi nalang nito.
Hindi ko mapigilan at humarap ako dito. Nangunguha ito ng alateris. Hahaha
"Bilisan mo dyan. Mangunguha pa tayong mangga"
Sabi ko dito. Pagkasabi ng mangga nangasim ako. At naglaway.
(Here i come mangga)
"Manggo?"
Tanong nito.
Tumango tango ako.
Lahat ba dapat ng sasabihin ko na prutas eh eenglishin nito. Tas manggo nito menggow. Tuturuan pa ako ng mali.
"Oo kaya tara na"
Iniwan naman nito ang alateris at sumunod sakin.
Nang may madaanan kaming tubo. Dali dali akong pumutol nun.
"Is that a sugar cane?"
Kunot noong tanong nito habang mataman na tinitingnan ang tubo.
"Yes, babalatan ko"
Dahil medyo malambot yung nakuha ko kaya nabalat ko yun gamit ang teeth ko.
(Bahala nang mabungi)
Nang tingnan ko ito. Naka ngiwi na di ma describe yung mukha hahaha.
Binigay ko dito yung tubo na nabalatan ko na gamit ang teeth ko.
"Oh, kainin mo. Hahaha"
Biglang nanlaki mata nito. At tumaas ang kilay.
"Oy wala akong rabis. Arts mo pinaghirapan kong balatan yan no" Sabi ko dito.
Wala itong nagawa kundi ang kunin ang tubo at kainin yun. Napangiti naman ako at tumalikod na dito.
"Wag mong kakainin yung sapal"
Paalala ko dito.
"I know"
Maikling sagot nito.
Humarap ako dito. Busy ngumunguya.
"Masarap?"
Tanong ko dito.
Nag rolled eyes lang ito pero tumango.
Ngumiti ako.
(Mapapalambot din kita daddy)
Nang makarating kami sa puno nang mangga dali dali kong inayos ang buhok ko baka sumabit mahirap na.
"Mag hintay ka dito ne, aakyat ako tapos, sasaluhin mo yung makukuha ko ano gusto mo hinog o bubot?"
Tanong ko dito habang sinisiyasat ang puno kung saan ko banda aakyatin.
"Anything" Sabi nito.
Umikot lang ang mata ko.
(Boring)
"You sure about Climbing that tree?"
Kunot noong tanong nito. Habang tinitingnan ang puno.
"Oo, inaakyat namin to dati"
Sagot ko at inapak ang paa ko kung san alam ko makaka akyat ako pataas.
"How old are you? Twelve?. You shouldn't be climbing that tree feisty" Sabi nito.
Na hindi ko mabasa ang expression nito kung nag aalala ba or kung ano.
"Wag kang mag alala memorize ko ang mangga na to" Sagot ko.
Pagkasabi ko na yun dumulas ang sang paa ko. Dahil naka tsinelas ako kaya medyo madulas.
Buti nalang napakapit ako.
"See i told you. It's no good climbing that tree"
Sabi nito na nasa ilalim ko lang.
Hindi ko napansin na nakalapit na ito.
Akmang hahawakan na nito ang beywang ko para ibaba ako. Napapikit ako.
"Wag mo na akong hahawakan. Kaya ko na to. Manood ka nalang." Sabi ko na medyo mahahalata sa tinig ko na ninenerbyos ako dito.
"Fine, do whatever you want"
Buntong hiningang sabi nito.
Hindi nagtagal naka akyat na din ako. Lahat ng nakukuha ko binibigay ko dito.
"Madami na ba yan?"
Tanong ko dito. Nang hindi ito sumasagot napatingin na ako dito.
Ang loko kumakain ng hinog na mangga. Napangiti ako at umiiling iling. At naghanap din ng makakain ko.
Nang tapos ko nang kainin yung isang, yung pinagbalatan ko binato ko dito.
"What the f**k?"
Gulat na sabi nito at tumingin sa akin at sinamaan ako ng mata.
Tumawa naman ako.
Gumanti naman ito at binato sakin ang buto ng mangga tumama yun sa puting damit ko.
Nanlaking matang tumingin ako dito. Ito naman ngayon ang tumatawa.
"Baliw ka ba!"
Sigaw ko dito.
"Ikaw nag umpisa"
Sagot naman nito.
"Heh ewan, babae ako bat mo ako binato ng buto? Pano kung tumama yun sa mukha ko?"
Inis na tanong ko dito.
"Did i hit your face?"
Sarcastic na tanong pa nito sa akin.
Lalo akong naiinis. At nag adya na para bumaba ng mapansin ko na wala palang aapakan ang paa ko pababa. Straight kasi ang katawan ng mangga. Medyo may isang umbok kaso medyo naka umbok lang parang bukol ganun.
Napalunok ako. Naka akyat ako dito ngayon nahihirapan naman akong bumaba.
Yung kasing mga kahoy na nilagay dati sa mga puno na nag sisilbing akyatan nasira na. Kaya ngayon nganga.
Nag try muna ako kung kaya ng power ko. Pero hindi. Isa lang ang solution ko. Ang tumalon. Pero jusko taas na to. Di ko kaya. Napalunok ako.
"What are trying to do?"
Kunot noong tanong nito.
"Tatalon ako"
Sabi ko na medyo kinakabahan.
"Ate you serious ?"
Tanong ulit nito na medyo nanlalaki ang mata.
"Oo, wala akong dadaanan pababa. Ang daling umakyat hirap bumama" Sabi ko na kinakabahan.
Lumapit ito sa medyo may baba ng mangga.
"Come on, try mo dun tapos kapit kang mabuti sa kahoy na yan. Then bumitiw ka I'll catch you here"
Sabi nito.
"Seryoso ka?, baka hindi mo ako saluhin"
Natatakot na sabi ko.
"Trust me i wont let anything happen to you. Come on feisty"
Sabi nito.
Dali dali kong ginawa ang sinabi nito. At nang naka kapit na ako sa sanga ng puno. Di ko iyon magawang bitawan natatakot na baka di ako saluhin nito.
"Let it go feisty"
Mariin na napapikit ako.
Masakit na din ang kamay ko sa kakakapit sa sanga.
"Come on feisty let it go"
Lalong dumiin ang pagkapikit ko at bumitaw sa sangang kinakapitan ko at napasigaw pa ako.
At nang mag mulat ako ang mukha agad ni eli ang nakita ko na malapit na malapit sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko at napigil ko ang hininga ko at biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Parang biglang naglaho ang lahat at ito lang ang nakikita ko. Tumingin ito sa akin. At parang may dumaan na emotion sa mga mata nito na agad ding nawala at napalitan ng pagka inis. Na palunok ito at nag iwas ng tingin.
At ang naramdaman ko nalang ay ang pagbagsak ko sa damuhan.
(Putang ina. Hindi nga ako bumagsak mula sa puno, bumagsak naman ako mula sa braso nito)