“Ano, kamusta ang paghahanap mo kay Dahlia? Wala ka pa rin bang balita? “ “Wala pa rin, lolo. Ginawa ko ang lahat para hanapin siya pero hindi ko alam kung saan ko ba siya hahanapin. Labis na ako nag-aalala sa kanya. Natatakot ako na baka may mangyari na hindi maganda sa kanya sa kamay ng mga taong dumukot sa kanya. Habang tumatagal, pakiramdam ko lumiliit ang chance ko na makita siya“. “Wag kang mag-alala, apo. Nakakasiguro ako na makikita mo rin si Dahlia.“ “Sana nga lolo isang linggo narin ang nakakaraan mag mula ng mawala si Dahlia. Isa pa masyado nang nag-aalala ang lolo niya at ganoon rin ang anak namin . Ayoko makita ang labis na kalungkutan sa mata ng aming anak. Kamamatay lang ng lola ni Conan. At alam ko kailangan ni Conan ang nanay niya ngayon. Masyado mahal ni Conan ang

