Matapos namin mag-usapusap ay nagdesisyon na lang ako na iuwi na lang si Dahlia. Nais ko pa sana na manatili siya sa hospital para mas makapagpagaling siya, pero ayaw na niya mag-stay pa doon ng matagal. Yakap-yakap ko si Dahlia habang binabaybay namin ang daan patungo sa bahay namin . Hindi ko mapigilan maawa sa kalagayan niya, lalo na at kitang-kita ko ang mga sugat at pasa na nakuha niya sa kamay ni Sydney. Bago kami umalis roon ay nagawa na ni Roberto ipaliwanag sa akin ang mga nangyari noon. Pero kahit ano pa man ang gawin niyang paliwanag sa akin, hindi pa rin niya maiaalis sa aking isip na naging kasangkapan pa rin siya sa lahat ng nangyari kay Dahlia. Nang makarating kami sa bahay ay sinalubong na agad kami ng napakaraming katulong para magbigay ng paggalang sa amin. Habang

