Matapos namin mag-umagahan ay nag-yaya ang lolo ni Grayson na mamasyal sa U.S. dahil bukas na ang pagbalik namin sa Pilipinas. Isa pa, nais raw nila makipag-bonding sa aking anak bago kami tuluyan umuwi upang mag-enjoy naman raw ito kahit papaano matapos ng pinagdaanan nitong operasyon. Wala kami ginawa kundi ang mamasyal sa buong lugar, kaya kita ko ang ningning ng mga mata ng aking anak at ang labis na saya niya kasama si Mr. Wild at Don Federico. Habang na mamasyal kami ay nakaakbay naman sa akin si Mr. Wild na parang proud pa siya na ipakita ito sa kanyang lolo. Halos mag-init ang pisngi ko sa tuwing napapatingin ito sa akin; hindi ko alam kung ano ba ang iniisip nito sa amin ni Wild. Pero wala naman ako nakikitang masamang tingin or sinasabi siya sa amin ni Wild, na parang ok lan

