Naramdaman ko ang paghaplos nito sa balikat ko at ang paghalik niya sa leeg ko kaya gulat na napatingin ako sa kanya. Pag harap ko ay ang seryosong mukha nito ang agad sumalubong sa akin. “Ano ginagawa mo dito?“Gulat na wika ko sa kanya. Agad ko siya tinalikuran pero hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako binalik sa pinaggalingan ko at hinawakan ng madiin ang dalawang kamay ko sa aking ulunan. “Ano ba ang ginagawa mo? Pakawalan mo nga ako.“ “Paano kung ayaw ko?“Pag mamatigas na wika nito sa akin. “Ano ba gusto mo, sir?“inis na wika ko rito. “Ikaw! Ikaw! ang gusto ko.“ “Sorry, sir, hindi ito ang tamang oras para diyan. Pagod po ako at gusto ko muna magpahinga. Saka na lang natin gawin ang gusto ninyo.“ At buong lakas ko binawi ang kamay ko sa kanya at agad na lumabas ng ba

