chapter 6 thank you

1506 Words
Pagbalik ko sa aking table ay muli kong ginawa ang aking trabaho. Mga ilang saglit lang din ang hinintay ko ng bumukas ang pinto at lumabas mula roon si Mr. Wild. Seryosong naglakad ito papunta sa table ko at tinawag ang pangalan ko. “Tara na, Ms. Dahlia. Hinihintay na tayo doon.“ “Sige poh sir, “ kinuha ko ang notebook, ballpen ko, at maging ang folder at USB nagagamitin sa meeting. Pagpasok pa lang namin sa loob ng conference room ay naupo si Mr. Wild sa pinakacenter ng table habang ako ay nagbigay ng folder sa bawat board member. At saka ako na upo sa pinakagilid upang isulat ang pinag-usapan nila. Tumagal iyong ng ilang oras, habang pinapanood ko mag-salita si Mr. Wild. Nanatili nakatingin ako sa kanya hanggang sa matapos ng meeting. Napakagwapo kasi nito at napakasarap niya titigan, lalo na at taglay nito ang kakaiba at kakisigan ng katawan niya. Matapos ng meeting ay inayos ko na ang aking gamit para pumunta sa canteen dahil may usapan kami ni Pamela na mag kikita kami sa canteen para kumain. Nakita ko siya na kaupo sa bandang unahan, kaya agad ako lumapit sa kanya. “Hi, Ms. Pamela,” “Oh, Dahlia, halika maupo ka.“ Nakangiting wika nito. "Tamang-tama, kararating lang din namin. Siya nga pala, ito si Rose at si Thea. Mga kaibigan ko.“ “Hi, ako si Dahlia, ang bagong secretary ni Mr. Wild." “Ahhh, ganoon ba? Nice meeting you, Dahlia. Tawagin mo na lang kami sa pangalan namin. Wag mo na formalan. Tutal, mula ngayong araw na ito, magkaiba na tayo. “Nakangiting wika ni Thea, bagay na ikinangiti ko naman dito. Halos walang pag-sidlan ang saya sa puso ko dahil sa sinabi nito sa akin. Agad ako na upo sa tabi nila at saka kami nag order ng pag kain namin. “Kamusta na ang trabaho mo? Hindi ka ba nahihirapan ka trabaho, si Mr. Wild? “Wika ni Pamela. “Ahhh … Hindi naman mabait naman siya, pero tingin ko sa kanya alcoholic siya. “ “Ahhhh… hindi naman, siya alcoholic noon may hinahanap kasi siya na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita at malamang iyon. Ang rason kung bakit malimit siya uminom,“ wika ni Thea. “Ganoon ba? Sino ba hinahanap niya? “ “Ang alam ko pamilya niya.“ “Pamilya? Ibig sabihin kasal na siya?“ “Hindi namin alam eh, iyon lang ang nabalitaan namin.“ Nakangiting wika ni Rose. Tumango na lang ako sa kanila at muli namin sinimulan kumain. Wala kami ginawa kundi pag-usapan ang tungkol sa trabaho. Matapos ng maigsing kwentuhan ay nagpunta muna ako sa restroom para mag-retouch. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at lipstick, at bago ako pumunta sa aking table, napansin ko ang ilang papel na nasa table ko, kaya agad ko iyon tiningnan. Napansin ko na kaylangan iyon pirmahan ni Mr. Wild, kaya kumatok muna ako bago ako pumasok. Nakita ko ito tulog na tulog sa isang mahabang sofa habang may bote ng wine na nakapatong sa kanyang table at hawak naman nito ang isang wine glass. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at winagayway ang kamay ko para tingnan kung tulog na ba ito. Pero wala itong response, kaya dahan-dahan ko kinuha ang baso hawak nito at pinatong sa lamesa. Hinubad ko rin ang office coat niya at saka ko rin hinubad ang necktie niya at binuksan ko ang bitones ng sout nitong long sleeve. Matapos noon ay inayos ko ang unan na nasa sofa at saka ko siya dahandahang hiniga doon. Saka ako naupo sa tabi niya at natuwa ako sa angking kagwapuhan nito kaya kinuha ko ang cellphone ko para kuhanan siya ng larawan. Napakagwapo niya kaya ilang beses ko siya kinuhanan ng litrato. Kahawig na kahawig nito si Conan kaya hindi ko mapigilan hindi mapangiti. Sigurado ako na pag nagbinata si Conan ay malamang kasing gwapo rin niya ito. Matapos ko siya kuhanan ay nilagay ko agad iyon sa aking bulsa. Tumayo ako at hinubad ko ang sapatos niya para dahan-dahan ko itong isampa sa sofa ng Makita ko. Mukhang comfortable na ito, ay ikinumot ko ang office coat niya sa kanya bago ko inayos ang nagkalat na bote ng wine sa ibabaw ng table niya. At nang malinis ko na iyon ay lumabas na ako ng Kanyang office. At muli ko sinimulan ang trabaho ko. Sa dami ng aking trabaho ay hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Napatingin ako sa aking relo, at doon ko napansin na alas singko na pala ng hapon at kailangan ko na umuwi. Muli akong pumasok sa kanyang office para tingnan kung gising na ito. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko tulog parin ito. Kaya bumalik ako sa table ko at nagsulat ng maikling mensahe sa kanya. Isinulat ko iyon sa isang sticky note at saka ako muli pumasok sa kanyang office. At ipinaskil ko iyon sa maliit na table. Na nasa tabi lang nito. Matapos noon ay nagpasya na ako lumabas para maaga akong makauwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking anak, at agad ko siya pinatakan ng halik sa kanyang pisngi. Niyakap naman ako nito, at saka ako hinila sa isang mahabang sofa. “Mama, kamusta po ang trabaho ninyo? “ “Ahhhh… ok naman anak, medyo pagod si mama pero ng makita kita gumaan ang pakiramdam ko.“ “Talaga po, Mama? “ “Uo naman ikaw itong nagtatanggal ng pagod ko.“ Nakangiting wika ko dito. Agad ito tumakbo at nag-tungo sa shoe rack at ikinuha nito ang tsenelas ko, saka nito hinubad ang aking sapatos at pinasuot ang tsenelas na kinuha niya. Ng maisuot ko iyon ay agad itong kumuha ng unan para ilagay sa aking likod. Napangiti naman ako sa kanya at ginulo gulo ang buhok nito. “Apo, narito ka na pala.“ Nakangiting wika ni lola na kararating lang. Lumapit ito sa akin at pinagmano ako nito sa kanyang kamay, para hindi na ako tumayo sa aking upuan. “Kamusta ang trabaho mo?“ “Ok naman poh la, medyo na pagod lang ako sa trabaho ko.“ “Ganoon ba? , sige, magpahinga kana muna diyan, apo, at ipag hahain kita. Pagpasensyahan mo na muna ang ulam natin ha, itlog at noodles lang ito. “ “Lola, ok lang po iyon sa akin, iyon lang naman kaya ng budget natin eh,” “Oh … Siya: Sige, Iha, dyan ka muna at maghahain muna ako.“ Pagkaalis ni lola ay mahigpit na niyakap ako ng aking anak at ilang beses ako nito hinalikan sa aking pisngi. “Mama, malapit na poh ako pasok sa school? “ “Uo anak, isang buwan na lang at papasok kana rin.“ “Yehey! Mama, bili mo ako bago shoes at uniform? Saka bag?“ “Uo anak, ngayon may trabaho na si mama. Uunahin ko na ang pangangailangan mo.“ “Yehey, Mama, mayaman na tayo.“ “Anak, hindi pa, pero malay mo balang araw, hindi ba? “ “Mag-aaral ako mabuti, Mama, at gagawin kita princessa.“ “Talaga, sige at ikaw ang prince ni mama, ok ba iyon? “ "Opoh mama,” “I love you, baby.” “I love you too, anak.” “Oh … Kayo, mag-ina, nakahanda na ang hapunan; mabuti pa, kumain na kayo.“ Nakangiting wika ni lola. Bagay na ikinangiti ko naman sa kanya. Agad akong tumayo sa upuan ko at hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at hinila ko ito pa punta sa kusina. Pagdating namin sa kusina ay naupo na kami sa hapag kainan. Tulad ng inaasahan ko, ang anak ko si Conan ang nag-umpisa ng panalangin bago kami kumain. . Tahimik na kumain kami kasama ang lolo at lola ko. Si lolo narin ang nag presinta na mag hugas ng Plato kaya sabay na kami umakyat ng anak ko sa aming silid para malinisan ko ito at makapag pahinga narin. Matapos ko itong malinisan, ay ako naman ang naligo. At nang matapos ay lumabas na ako ng banyo para magbihis. Nakita ko pa ang anak ko na abala sa panonood ng t.v. Kaya agad ko pinatay iyon at nahiga sa tabi niya. “Anak Gabi na hindi ka dapat nag pupuyat.“ “Sorry, Mama.“ “Ok lang anak, gusto mo ba basahan kita ng bed time story? “ “Pwede poh ba mama?“ “Oo naman para mabilis ka makatulog.“ Nakangiting wika ko kaya tumango ito. Kinuha ko ang paborito niyang libro at saka ko iyon binasa sa kanya hanggang sa makatulog ito. Hinaploshaplos ko ang ulo nito at saka ko ito hinalikan sa noo niya. Mamaya ay nag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon. Pero laking gulat ko ng marinig ang malamig at paos na boses ni Mr. Grayson. “Thank you for taking care of me.“ Simpleng salita pero wala na halos pag sidlan ng saya ang aking puso sa lakas ng kabog nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD