Walang paglagyan ang ngiti sa labi ko ng marinig mula kay Mr. Wild ang tungkol sa pagtanggap nito sa akin bilang isang secretary.
Kasalukuyan kasama ko ang secretary nito para kunin ang mga requirements ko. At agad ko naman ibinigay iyon sa kanya. Pinapirma rin ako nito ng kontrata ayon sa company rules nila.
Isang taon ang kontrata na ibinigay sa akin. At may sahod na 80 thousand sa loob ng isang buwan. Halos malaki ang mata ko dahil sa aking narinig kaya kahit sa pag-uwi ko sa bahay ay baon ko ang malaking ngiti sa aking labi.
Inabutan ko pa si lola at ang aking anak sa labas habang abala ang mga ito sa paglikom ng sinampay.
“Oh Iha, ikaw pala, kamusta ang apply mo?“ “Lola, natanggap poh ako sa trabaho.“
“Talaga, Iha, naku, magandang balita iyan, apo.“ “Uo nga poh lola sobrang saya ko poh sa wakas may malaki na poh ako sahod.
Makakabayad na tayo ng utang at bukod doon maipapaayos narin natin ang ating bahay.“
“Talaga, apo, mabuti naman kung ganoon. Kelan kaba mag sisimula?“
“Bukas po ang simula ko, lola.”
“Mama, makakabili na ba tayo ng ice cream?“ “Uo naman anak makakain mo na ang lahat ng gusto mo.“
“Yes, Mama, pwede na tayo mamasyal sa mall.” “Uo anak, malapit na natin magawa ang lahat ng iyan.“ Nakangiting wika ko, kaya agad ko ito niyakap at hinalikan ng ilang ulit.
Kinaumagahan ay nag simula na ang trabaho ko bilang secretary ni Mr. Wild. Dahil wala pa siya nang dumating ako, inayos ko muna ang schedule niya tulad ng binilin sa akin ng secretary nito.
Nang maayos ko na ito ay inayos ko naman ang mga papeles na iniwan sa akin ng secretary nito. May mga note naman nakalagay doon kaya hindi ako nahirapan gawin ang mga iyon.
Ng magawa ko na iyon ay ipinasok ko na iyon sa office ni MR. Wild. Ipinatong ko iyon sa table niya at saka ko inayos ang mga libro na nakapatong doon.
Lalabas na sana ako ng bigla, ito pumasok sa office, at base sa itsura niya, ay tila mainit ang ulo nito. Pero na ngingibabaw parin ang kagwapuhan nito.
“Mga t*nga ba kayo? Hanggang ngayon ba hindi parin ninyo nakikita ang Babae na iyon? Ang laki ng binabayad ko, pero wala parin kayo mahanap na impormasyon kung nasaan siya. Wag kayong babalik dito kung hindi pa ninyo siya nahahanap dahil ibabaon ko kayo ng buhay. “
Agad akong napalunok ng aking laway ng marinig ang sinabi nito sa kausap niya.
Sa tono kasi ng pagsasalita nito, mukha hindi ito nagbibiro. Agad nabaling ang tingin nito sa akin kaya pinatay na nito ang cellphone niya.
“What are you doing here?“ Seryosong wika nito. “Ahhh… nilagay ko poh iyong mga pipirmahan ninyo sa table ninyo sir,” agad itong lumapit sa table niya at tiningnan ang mga papeles doon.
“What is my schedule for today?“
“Ahhhmmm… my board meeting kayo from 9:00 to 11:00 mamaya. May meeting rin kayo sa bago nin'yong investor na si Mr. Chua sa Rodellas Cafe. Ng 1:30 - 2:30. My wine tasting kayo from 4:45 to 6:00, and the last one is my bachelor's party at 8:00. Agad ito tumingin sa akin at tumango. Saka ito na upo sa kanyang upuan.
Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. dahil sa sinabi ko na iyon. Buti na lang talaga at sa ulo ko iyon kundi ma-yayari ako.
“Sir, gusto ba ninyo ng kape? “
“No, I want some wine.“
“Pero maaga pa poh para sa wine sir,”
“Secretary ba kita o nanay ko?! “Galit na Singhal nito sa akin kaya napatalon ako sa gulat.
“Sir, sorry po, hindi ko po sinasadya, sige po aalis na ako.“ Agad akong tumalikod sa kanya para magmadaling umalis; pakiramdam ko ay nagmukha akong t*nga dahil doon.
Nakalimutan ko na secretary ako nito at bilang secretary ay dapat sundin ko lang ang sinasabi nito. Palabas na ako ng tawagin ako nito, at mabilis akong napatingin dito.
“Sir, bakit poh?“
“What is your name?“
“Ako poh si dahlia sir. Dahlia Rodriguez. “Tumango lang ito at saka ako nito senenyasan na lumabas. Nang makalabas ako ay nagtungo ako sa pantry at kumuha ng isang wine, at saka ako bumalik sa kanya dala ang isang wine glass.
Pagdating ko doon ay abala na ito sa pagbasa ng mga kontrata at pati budget ng company. Nakita ko ang ilan doon ay inaprobahan niya.
Matapos niyang pirmahan iyon ay ibinaba ko sa table niya ang wine na hinihingi nito.
Agad niyang kinuha ang wine sa akin at nag salin sa baso niya para inumin iyon. Para tuloy ako nauhaw habang pinapanood ko siya. Napakagwapo kasi nito at napakabango pa.
Hindi ko tuloy maiwasan humanga sa kanya. Dahil sa kakisigan nito.
“Gusto mo ba? “Alok na wika nito. Hindi ko na napansin na nakatingin pala ito sa akin kaya nanlaki ang mata ko sa kanya.
“Poh?“
“Kanina kapa nakatingin sa akin baka gusto mo uminom.“
“Ahhh… Hindi po, sir, nakakahiya po sa inyo, saka hindi po ako umiinom.“
Pag tanggi ko sa kanya.
“Oh, come on, I know you want this,“ nakangiting wika nito. Inabot nito sa akin ang baso na may lamang wine para inumin iyon.
“Sige na, wag kana mahiya inumin mo na ito.“ “Pero sir, sa inyo po ito eh, baso ninyo ito.“
“Ok lang, sige na, uminom kana.“ Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi nito. Pakiramdam ko para narin kami naghalikan nito. Pag doon rin ako uminom.
Pero boss ko siya kaya kailangan ko gawin ang gusto niya; kung hindi, baka matanggal pa ako sa aking trabaho.
Agad ko sinunod ang gusto nito at kinuha ang baso ng wine na binigay nito at pilit na ininom iyon.
Ramdam ko ang mainit na likido gumuhit sa aking lalamunan sa kaya hindi ko naiwasan na hindi mapangiwi dahil doon.
Matapos noon ay narinig ko ang malakas na tawa nito kaya agad ako nagulat.
“Good girl, marunong ka rin pala sumunod. Ano, masarap ba? “
“Poh? , ahh… opoh,”
“Alam mo ba ako ang gumawa ng wine na iyan? Ito ang kaunaunahang wine na ginawa ko kaya masarap ang lasa nito. “Pinilit ko na lang ngumiti sa kanya, dahilan para ngumiti ito pabalik sa akin.
Pero sa kabila ng pagtawa niya, ay kita ko ang labis na lungkot sa mata nito.
“Sige na, Miss Dahlia, pwede ka na bumalik sa trabaho mo. Iwan mo na ako dito.“
“Opoh, sir,” Lalabas na sana ako ng marinig ko muli ang pagtawag nito.
“Dahlia!“
“Bakit po? “Muling wika ko sa kanya. “Pikidala ito sa accounting department. Tapos ko na pirmahan ito kaya ikaw na bahala magdala sa kanila.“ Seryosong wika nito.
Ang kaninang ngiti sa labi nito ay unti-unting naglaho kaya agad ko kinuha iyon at saka ako nagmadaling lumabas.
Pag labas ko ay napasandal ako sa pinto ng office ni Mr. Wild habang hawak ko ang aking dibdib.
Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa kaba.
“Ano ba ang trip ng tao na iyon? Mukha siya mabait, pero mukha yata nasisiraan na ito ng ulo. “Matapos ko pakalmahin ang aking sarili, ay nagtungo na ako sa accounting department para dalhin ang mga papel na kaylangan nila.
Naisipan ko dumaan sa unahang bahagi hanggang sa makita ko ang ilang employees na napatingin sa akin at parang kinikilala ako.
“Pasensya na poh sa abala. Pinadadala po ito ni Mr. Wild dito. “Nakangiting wika ko sa kanila. Isang babae, matangkad at may salamin sa mata, ang siyang lumapit sa akin.
“Ikaw ba ang bagong secretary ni Mr. Wild? Ako si Pamela, ang supervisor dito. “
“Hi poh mam, ako poh si dahlia ang bago secretary niya.“
“Mabuti naman at bago na ang secretary ni Mr. Wild; napaka maldita kasi ng secretary noon eh.” “Ahhh, halata nga.“ Natatawang wika ko. “Kamusta ka naman sa office niya?“
“Ha? Bakit mo naman naitanong?“
“Masungit kasi iyon kaya wala tumatagal na a secretary. Ganoon rin ba siya sayo?“
“Ha? Hindi naman, pero pinainom niya ako ng wine kanina.“
“Ha, talaga, ano ginawa niya sayo? “
“Wala, pinainom lang niya ako, pero wala naman ibang ibig sabihin iyon.
Wala siyang ginawa masama; pinalabas din ako nito agad. Bakit ba?“
“Wala naman, nagulat lang ako.“
“Ganoon ba, o siya mauna na ako? Baka hanapin ako.“
“Anong oras lunch mo? Gusto mo ba sumama sa amin? Wag kang mag-alala, pwede mo kami maging kaibigan dito.
Tutal, mukha wala ka naman kilala pa dito.“ “Hindi kita tatanggihan.“ Nakangiting wika ko sa kanya. “
“Sige hintayin ka namin mamaya sa canteen para sabay sabay na tayo.“
“Ahhh… ok, sige salamat sa alok ha,”
“Wala iyon, masaya ako nakilala kita."
“Agad ako tumango dito at nagmadali na ako lumabas ng kanilang opisina.