chapter 4 after 4 yrs

1668 Words
4 years ago Dahlia POV “Mama, mama! Gusto ko po ng ice cream.“ “Naku anak, wala pera si mommy. Fifty pesos na lang ang pera ko. Yaan mo anak, pag nagka-trabaho si Mama ibibili kita ng ice cream, pero sa ngayon saka na lang ha, ito na lang kasi ang pera ko mag aapply pa ako ng trabaho bukas.“ “Sige, poh mama, ok lang poh.“ Nakangiting wika nito kaya hinaplos haplos ko ang pisngi nito. Nakaramdam ako ng matinding awa para sa aking anak dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan niya, pero ganoon pa man ay sobrang saya ko dahil kahit papaano ay napalaki ko siya at kontento sa kung ano meron siya. Hindi rin ito nagtatangong tungkol sa daddy niya; minsan na niya iyon nagawa itanong, pero iyon na ang una at huling beses na tinanong niya iyon, at hindi na naulit pa. Matapos namin mamili sa grocery ay umuwi na kami, dahil kailangan ko ihanda ang damit na susuutin ko sa aking paghanap ng trabaho bukas ng umaga. Hindi na kasi sapat ang kinikita ko sa restaurant, lalo na at may anak ako malapit narin pumasok sa paaralan. Lalo na at na inom narin ng maintenance si lolo at lola. Pag uwi sa bahay ay nakipaglaro na ang anak ko sa mga batang kaidaran niya samantalang ako ay nagpatuloy na sa loob para ayusin ang aking pinamili. Inabutan ko pa si lola na nag hihimay ng sitaw kaya lumapit ako rito para mag mano. “Iha, nasan na ang anak mo?“ “Naku, lola, iyon po at nakikipaglaro na sa mga kaibigan niya.“ “Tulungan na kita mag ayos niyan,“ wika ni lola. “Nasan po si lolo? “ “Naku, nasa kwarto ni Rarayuma na naman.“ “Lola, ito po iyong Karne na pinabili ninyo para diyan sa sitaw.“ “Ayy… Buti naman. Nakabili ka na ba ng vitamins para sa anak mo? “ “Hindi nga po, lola, wala na po kasi akong pera.“ “Ganoon ba e, hayaan mo na lang at pupunta na lang ako sa barangay para humingi. Nakakahingi naman doon. “ “Pasensya na kayo lola, kung hindi ko kayo mabigyan ng magandang buhay. Kung hindi lang sana ako nagka-anak agad, siguro hindi ganito ang buhay natin. “Iha, ano ba ang sinasabi mo diyan? Pinagsisihan mo ba na isinilang mo si Conan? “ “Hindi naman po sa ganon, lola. Naisip ko lang naman po.“ Naramdaman ko na lang na hinatawan ako ni lola ng sitaw, dahilan para magkagutay-gutay iyon. “Arrrryyy, lola, ang sakit! Tama na! “ “Ano kaba bata ka! Napakabait ng anak mo at gwapo, tapos mag-sisi ka na naging anak mo siya.“ “Lola naman eh, hindi po ganoon ang ibig ko sabihin. Wag na po kayo magalit.“ “Jusko! Ewan ko ba at naging apo kitang bata ka! Hindi ka nag-iisip, paano kung marinig ka ng bata tapos ganyan ang tabas ng dila mo. Tyak ako sasama ang loob ng anak mo.“ Galit na wika ni lola at saka ito tumayo sa kinauupuan niya at padabog na umalis. “Lah, hindi po iyon ang ibig ko sabihin. Sorry na po, naisip ko lang naman kung ano ang kinahinatnan sana ng buhay natin kung wala si Conan, pero hindi po ibig sabihin na nag sisisi ako. "Lola! “Naiiyak na wika ko. Inis na napapadyak ako sa sahig ng maisip ang Mali nasabi ko. Masyado mahal ni lola ang anak ko kaya alam ko na nagalit ito sa sinabi ko. Kahit hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pinilit ko na lang iayos ang mga pinamili ko at ang nagkalat na sitaw, at ako na ang nagluto noon. Matapos kong ayusin ang pinamili ko at magluto, ay nagpatuloy na ako sa kwarto para ayusin ang aming silid na hanggang ngayon ay gulo pa dahil nagpunta kami sa grocery ng aking anak. Plano ko mag-apply sa mga malalaking kumpanya para magamit ko ang pinag-aralan ko. Matagal rin ako nagtrabaho sa restaurant, at gusto ko na subukan ulet mag-apply para sa ganoon ay maiahon ko sina lolo at lola sa kahirapan. Ganoon rin ang anak ko na ngayon ay malapit narin pumasok sa paaralan. Matapos ko ayusin iyon ay tinawagan ko na sina lolo at lola para kumain. Ganoon rin ang anak ko na hanggang ngayon ay nasa kapitbahay pa at abala sa paglalaro. Agad ito lumapit sa akin ng tawagin ko ito. “Anak, bakit naman pawis na pawis ka? Hindi ba sinabi ko naman sayo na wag Kang magpapawis?" “Sorry, Mama, ano po ulam natin? “ “Nagluto lang ako ng sitaw; kakain ka noon ha,” “Opoh ma, “ nakangiting wika nito sa akin. Agad ko binuhat ito at dinala sa kusina para kumain. Inabutan ko pa si lola at lolo na nakaupo na sa upuan para kumain. Ipinaghila ko ang anak ko ng upuan at tumabi dito. Nang makaupo ay nag-simula na ito magdasal. Kinaugalian kasi namin ang palaging pagdarasal bago mag simula kumain. Hanggang sa nasanay na ito at siya na mismo ang nangunguna sa pagdarasal. Matapos noon ay tahimik kami kumain hanggang sa matapos kami sa pag-kain. Isinama ko na ang anak ko sa aming silid para malinisan ko na ito at makatulog. “Anak, wag Kang makulit Kay lolo at lola ha! Maghahanap kasi ng work si Mama bukas.“ “Sige poh ma, wag kayo nag alala makikinig poh ako Kay lolo at lola.“ Nakangiting wika nito sa akin. Ginulo ko ang buhok nito bago ko ito pinahiga sa kama, at saka ako tumabi dito. Muli itong nagdasal bago siya matulog. At ng matapos ay hinalikan ko ang noo nito at saka ko ito kinantahan para mas mabilis siya makatulog. Kinaumagahan ay inayos ko na ang aking sarili para mag-apply ng trabaho. Tulog pa ang anak ko, kaya binilin ko na muna ito kay lolo at lola. Tanging 50 pesos lang ang dala ko pera at nag baon lang ako ng kanin at sardinas. Nagdala rin ako ng dalawang bote ng tubig at isang SkyFlakes. “Lola, aalis na ako. Kayo na po bahala sa anak ko.“ “Sige, Iha, mag-ingat ka sana ay matanggap ka sa trabaho aapplayan mo.“ “Sana nga po, lola, para makaahon tayo sa hirap, mauna na po ako.“ “Oh, siya sige, patnubayan ka sana ng panginoon, apo. “ “Salamat poh la.” Matapos ko magpaalam ay lumabas na ako para sumakay ng jeep. Una ko pinuntahan ang jade industry. Ang jade industry ay apat na taon na nakatayo sa aming lugar. Isa ito sa pinakamalaking wine company sa bansa. Na pagmamayari ng isang kilalang negosyante na si Grayson Wild. Pagdating ko sa company, may isang magandang babae ang kumuha ng resume ko at nagpakilala na siya raw ang secretary ni Mr. Wild. Naupo kami sa isang waiting area kung saan gaganapin ang interview. At sabi pa ng secretary ni Mr. Wild ay nagha-hanap ito ng bagong secretary dahil for transfer na siya sa office ng lolo ni Mr. Wild. Nakaramdam ako ng kaba dahil ito ang first time ko na mag-apply ng trabaho. Nasa mahigit 30 katao kami na naroroon, at ako ang pinaka huli sa kanila. Halos inabot na ako doon ng tanghali, pero wala pa sa kalahati ang na-iinterview dahil sinasala nila ito ng mabuti. Nang humantong ang tanghali, ay minabuti ko na kumain na lang ng tanghalian. Lumabas muna ako ng hotel para kumain; nakita ko ang isang upuan na bato, kaya doon na ako naupo. At tahimik na kinain ang binalot ko. Nang matapos ako kumain ay napansin ko na may laman pa na sardinas ang aking binalot kaya naisipan ko itapon na lang iyon kesa matapon pa ang sabaw sa loob ng aking bag. Kaya naghanap ako ng basurahan na malapit lang sa akin. Nakakita ako ng basurahan sa harap ng hotel, kaya naglakad ako palapit doon, pero aksidente natapilok ako at nasira ang takong ng aking sapatos. Hindi sinasadya napahagis ko ang baunan ko ng natapilok ako. At sa bilis ng pangyayari ay napahiga ako sa sahig habang dinig na dinig ko ang malalakas na hiyawan ng tao. Agad akong nakaramdam ng matinding kirot sa paa ko kaya agad ko hinilot iyon. Pero nawala ang attention ko doon ng mapansin ko nagkakagulo na ang mga tao. Agad nanlaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki sa aking harapan na may mantsa ng sabaw ng Sardinas ang damit na suot nito. Kaya agad ako tumayo para humingi ng tawad kahit sobrang sakit ng aking paa. “Naku sir, sorry, hindi ko po sinasadya, natapilok ako at napakabilis ng pngyayari.“ Pag hingi ko ng tawad. Narinig ko pa ang pag-hiyaw ng isang babae papalapit sa gawi namin at sabay yuko dito. “Naku, sir, pasensya na po kayo, applikante po siya, Mr. Wild. Nag-apply siya bilang secretary ninyo. Pero wag kayong mag-alala dahil hindi ko na siya isasama sa listahan ko. Nagulat ako sa sinabi ng babae kaya tarantang humingi ako ng tawad. “Sorry, Mr. Wild, hindi ko po sinasadya. Pakiusap, po, kaylangan ko ng trabaho. “ “Tumigil ka nga, wag makapal ang mukha mo. Tingnan mo ang ginawa mo sa kanya. Tinapunan mo siya ng sardinas, kaya dapat lang na huwag ka na lang tanggapin sa trabaho.“ “Naku mam, sir, pasensya na, hindi ko po sinasadya, saka kaylangan ko po ng trabaho para sa anak ko.“ Naiiyak na wika ko. “May anak ka? Ilang taon ang anak mo? “Tanong na wika ng lalaki sa akin. “Apat na taon po, sir.“ Tumango-tango ito at saka tiningnan ang secretary niya. “She is hired; I want her to be my secretary.“ Seryosong wika nito. At saka ito tumalikod. Gulat naman ang secretary nito na tumingin sa akin; maging ako ay nanlaki ang mata at unti-unting napangiti sa narinig ko, sinabi ni Mr. Wild.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD