Grayson POV
Kinapa ko ang aking tabi para yakapin ang babae na katalik ko kagabi.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at inis na napabangon ng makita ko wala na ito doon.
Agad ko kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang aking tauhan at pinapunta ko sa aking silid at wala pang sampung minuto ng dumating sila.
“Sir, ano po dahilan at pinapunta ninyo kami dito.“
“Hanapin ninyo ang babae kasama ko dito sa aking silid at dalhin ninyo siya sa akin.“
“Kilala po ba ninyo siya? “
“T*nga ka ba? Ipapahanap ko ba siya kung kilala ko siya? Hanapin ninyo siya sa buong hotel. At isaisahin ninyo ang mga CCTV. Kailangan ninyo siya mahanap. “
“Opoh, sir, “ sabay sabay na wika nila. Agad silang lumabas habang ako ay naiwan mag-isa sa silid na iyon.
Tatayo na sana ako ng makita ang isang kwintas at saka ko iyon nilagay sa aking bulsa. Napansin ko rin ang bakas ng dugo na nag mantsa sa kama na hinigaan namin.
Tanda na ako ang kaunaunahang lalaki kumuha ng p******** nito.
Agad ako tumayo para harapin si lolo; malaki ang hinala ko na siya ang may pakana kung bakit ako nagkaganoon. Mabilis kong inayos ang sarili ko at lumabas ng aking silid.
Nag tungo agad ako sa aking kotse para puntahan si lolo. Pagdating ko sa office niya, nakita ko may kausap ito sa cellphone niya at mukhang galit na galit.
Pagkakita nito sa akin, mabilis na ibinaba nito ang kanyang cellphone at tiningnan ako ng matalim.
“Saan ka galing kagabi? Kagabi kapa hinahanap ni Sydney.“
“Kayo pa ang may lakas ng loob na sigawan ako? Hindi ba dapat ako ang magalit sa ginawa ninyo sa akin kagabi? Bakit akala ba ninyo hindi ko alam ang ginawa ninyo, sinadya mo lagyan ng gamot ang inumin ko para ano ha? Dahil gusto mo may mangyari sa amin ni Sydney, tama ba ako? Alam mo ayoko Kay Sydney kaya hindi ko siya papakasalan. Isa pa, hindi naman siya ang babae nakatakda para sakin.“
“Pero wala na ang babae na iyon, at si Sydney ang nariyan. Wag mo sayangin ang pagkatakaon maganda at galing sa marangya pamilya si sydney kaya alam ko makakabuti siya sayo.“ “Pero hindi ko siya gusto.“
“Apo, kaylangan mo ng anak at taga pagmana ng lahat ng kayamanan mo. Panahon narin para magkaanak ka. At si Sydney ang babae na nais kong pakasalan mo.“
“Lolo, hindi ikaw ang magdesisyon ng mga iyan kundi ako. Sa susunod pakielamanan ninyo ako, kalilimutan ko na lolo kita. Galit na wika ko saka ako lumabas ng opisina nito.
“Grayson! Grayson!“Galit na bulyaw nito sa akin. Pero hindi ko siya pinakinggan, at nag-tungo ako sa aking silid para maligo.
Hinubad ko ang damit na suot ko hanggang sa malaglag ang kwintas na naiwan ng babae kasama ko kagabi. Pinakatitigan ko iyon at saka ko ako pumunta. Sa drawer ko at inilagay iyon sa isang maliit na kahon.
Matapos noon ay pumasok na ako sa banyo. Agad tumulay sa katawan ko ang malamig na tubig na nagmumula sa aking shower habang bumabalik sa alaala ko ang mainit na sandaling pinag-saluhan namin ng babae na iyon.
Pakiramdam ko ay hawak-hawak ko parin sa kamay ko ang mainit na katawan nito habang patuloy ko hinahalikan ang mga labi nito.
Hindi pwedeng hindi ko siya mahanap dahil alam ko magbubunga ang isang gabi na pinagsaluhan namin dalawa. Dahil sa walang ingat ko siya inangkin kagabi.
Matapos ko maligo, agad akong lumabas ng aking silid, at narinig ko ang malakas na pagtunog ng aking cellphone. Agad akong lumapit doon para sagutin iyon dahil nakita ko ang pagrehistro ng number ng tauhan ko sa aking cellphone.
“Hello, siguraduhin mo may maganda ka ibabalita sa akin.“
“Iyon na nga po, sir, hindi pa rin po namin makita ang babae. Patay po ang CCTV sa floor na pinasukan ninyo kaya wala kami makuha information.“
“F*ck! Gawan ninyo ng paraan, hanapin ninyo siya sa kahit na anong paraan; kung hindi, papatayin ko kayo! “Galit na wika ko inis na binato ko ang aking cellphone sa dingding at iniwan ito doon.
Nang makabihis na ako ay nagtungo ako sa aking office para magtrabaho. Narinig ko pa ang mahinang katok ni hero kaya pinapasok ko ito dito.
“Dude, ano narinig ko balita may pinahahanap ka raw na babae, sino ba iyon at mukha napakaimportante naman yata.“
“Ikaw, ka-lalaki mo, tao, napaka-chismoso mo! “ “Sino nga?“Napabuntong hininga ako at napasandal sa swivel chair ko habang nakatingin dito.
Naupo naman ito sa upuan na nasa harap ng aking table habang nag hihintay ng aking sasabihin.
“Iyong babae nakasama ko kagabi matapos ng may nangyari sa amin iniwan niya ako mag-isa.“
“Oh, hindi ba mas maganda nga iyon, hindi ba nga ayaw mo sa lahat ng nagigising ka sa umaga katabi mo ang babae?“
“Pero iba ang babae na iyon, wala siyang hiningi o kinuha sa akin, at hanggang ngayon wala rin ako matatanggap na reklamo mula sa pulisya.“
“Bakit mo naman gugustuhin makulong?“
“Hindi kasi ganoon pare, iba siya sa babae ikinakama ko dahil v*rgin siya.“
“Ibig sabihin, hindi ka kumuha ng babae sa bar? “ “Hindi siya galing bar dude, kagabi kasi nakainom ako ng alak na may s*x drug. At si lolo ang may pakana noon.
Balak niya na may mangyari sa amin ni Sydney, pero bago pa man tuluyan na tumalab sa akin ang gamot, ay umalis na ako doon at nagkulong sa isang silid. Pero dahil hirap na hirap ako, ay lumabas ako ng kwarto hanggang sa may nakita akong babae doon at saka ko ito hinila sa loob ng aking silid.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng gabing iyon kaya may nangyari sa amin. Hindi ko kaya kontrolin ang sarili ko ng gabing iyon; malakas ang kutob ko na posible na magbunga iyon. “
“So ano ang plano mo? “
“Kaylangan ko makita ang babae na iyon para masiguro ko ang kaligtasan ng anak ko. Siya ang magmamana ng lahat ng kayamanan ko. “
“So kung gusto mo pala ng anak, bakit hindi mo na lang buntisin si Sydney katulad ng nais ng lolo mo? “
“Hindi ko siya gusto. Sinabi ko na sa inyo na kapatid lang ang turing ko sa kanya. “
“At sino ang gusto mo, dude, na maging ina ng anak mo? Ang babae na kasama mo kagabi? Hindi mo nga siya kilala.“
“Mas gugustuhin ko pa na magkaroon ng anak sa ibang babae; wag lang kay Sydney. Alam mo kung gaano ka obsessed ang babae na iyon, at hindi siya ang babae na nakikita ko makakasama ko Habang buhay.“
“Kung ganoon, good luck na lang sa iyo kung makikita mo pa ang babae na iyon.“
“Uubusin ko ang pera ko, dude. Makita ko lang ang anak ko. Kailangan masiguro ko ang kaligtasan ng anak ko at masiguro mabubuhay siya ng maayos."
“Gaano ka nakakasiguro na magbubunga nga iyon? Paano kung baog pala ang babae na iyon?"
"Kung hindi man magbunga iyon, kailangan ko parin mahanap ang babae na iyon para bigyan ng gantimpala sa pagtulong niya sa akin. Dahil kung wala siya ng gabing iyon, baka ikinakasal na ako kay Sydney.
Niligtas niya ako kaya kaylangan niya matatanggap ng malaking gantimpala. Lalo na at ako ang unang lalaki sa buhay niya.“
"Alam mo ba, bihira na lang ang mga babae na ganoon? “
“Tama ka, Dude, kaya kailangan ko siya mahanap para bayaran ang kasalanan ko sa kanya.“
“Wow, dude, ikaw ba iyan? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Akala ko ba wala kang puso, pero bakit tila nagbabago ang ugali mo? Tapatin mo nga ako, iyong bata na pwede niyang isilang ba ang hinahanap mo o baka naman iyong ina? Hindi dahil sa nais mo siyang bayaran, kung hindi, may damdamin ka para dito.
Sabihin mo nga sakin ang totoo, wag mo sabihin may gusto kana para sa babae na iyon, at siya na ba ang babae nag papatibok ngayon sa puso mo? "
Natatawang wika nito kaya kinuha ko ang ballpen sa ibabaw ng lamesa ko at binato siya.
“Dude, nag bibiro lang ako. Ano kaba naman.“
“Umalis ka na nga, at magtrabaho ka ng maayos masyado, ka nakikimarites.“ Naiinis na wika ko dito.
“Ito na nga, aalis na ito, naman, nagagalit ka agad.“ Agad ito lumapit sa pinto at saka ito diretsong lumabas doon.
Nang makaalis na ito ay muli ako napasandal sa swivel chair ko at ipinikit ang aking mata upang I relax ang aking isip at pilit tanggalin ang babae kanina pa gumugulo sa aking isip.