Patuloy ang pagluha ko habang yakap-yakap ko ang walang malay na lola. Walang pagsidlan ang nararamdaman kong sakit sa puso ko dahil siya ang nag-aruga at nagpalaki sa akin . Pakiramdam ko eh nakapira-piraso ang puso ko dahil sa sakit na iyon. Sobrang saya pa naman namin ni Lola dahil sa pagaakala kong ikakasal na kami ni Grayson. Pero lahat ng iyon ay naglaho at napalitan ng napakasakit na pakiramdam . Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghawak ng isang kamay sa aking braso at hinila ako nito sa kinatatayuan ko. "Ano ba, bitawan niyo nga ako. Ano bang ginawa ko sa inyo, mga hayop kayo?" wika ko sa kanila habang patuloy ang pagluha ko. Pilit nila akong pinasasakay sa loob ng sasakyan nila, pero pilit ko silang nilalabanan. Wala akong magawa dahil mas malakas sila sa akin, at nag

