Sydney POV Nasa loob ako ng office ko nang pumasok si Daddy sa loob ng aking office. “Sydney anak, sinabi ni Gerardo sakin na pinadudukot mo raw ang fiance ni Grayson. Hindi kaya malagay sa alanganin ang pangalan natin? Balikan nila tayo? Bakit hindi mo na lang hintayin ang pag kilos ko? “ “Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi sa kanila. Isa pa, Dad, hindi na rin siya makikitang buhay ni Grayson dahil tatapusin ko na ang buhay niya. Isa pa, hindi na ako makakahintay na matapos ang kasal nila dahil ayokong makita silang masaya.“ Nakangiting wika ko rito. “Kung ganun, kailan mo balak siyang kuhanin? tanong na wika niya sa akin. “Ngayon, din dad sa katunayan kumikilos na ang mga tauhan ko." “Kung ganoon, tawagan mo ako kung saan mo siya planong dalhin, at pupuntahan kita doo

