Pagdating namin sa simbahan ay nakita namin ang mga abay na naroon na. Buti na lang at wala pa doon ang aking bride . Kaya nang dumating kami doon ay agad kaming nagtungo sa loob ng simbahan para doon na lang antayin ang bride . Ilang minuto kami doon habang inaantay ang pagdating ng bride. Ang sabi sa akin ng tauhan ay papunta na sila . Pero lumipas ang 30 minuto pero wala pa rin sila. Agad akong nakaramdam ng matinding kaba hanggang sa marinig ko ang pag-ring ng aking cellphone . Kaya agad kong sinagot ang tawag. Narinig ko ang boses ng aking tauhan na parang hinihingal at para bang kabadong-kabado siya, kaya agad akong nakaramdam ng labis na pag-aalala. “Sir, tulungan ninyo kami, tinambangan kami.“ “What? Si, Dahlia? Kamusta siya? “ “Sa ngayon ligtas siya pero hindi ko alam kung

