Nagising ako ng may naramdaman akong tao sumisipa sakin kaya agad ko idinilat ang aking mata hanggang sa makita ko ang isang babae pulis na sumisipa sakin. “ Hoy, gumising ka, may bisita ka sa labas kaya puntahan mo na,“ galit na wika nito sa akin. Kaya agad ako tumayo habang hawak-hawak ko ang aking tiyan. Naglakad ako palabas at sinundan ang isang babaeng pulis, at saka ako dinala ng pulis sa visitor area, at doon ko nakita ang mga tao na nag-aaruga sa akin. “Jusko! Anak, ano ang nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo? “Nag-aalalang wika ni Mommy, tumayo ito sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Mabilis na niyakap ako nito at hinawakan ang aking pisngi. Makikita mo sa mga mata niya na totoo ang pag-aalala nito sa akin. “Bakit may mga pasa at sugat ka? Sino ang may kagagawan ng m

