KABANATA 4

1754 Words
SNOW "MISS, excuse me? Puwede bang magtanong?" Napalingon ako sa isang babaeng napakaganda, suot ang puting pang-itaas na maigsi, itim na masikip na pantalon at itim na bota Sa hitsura niya, agad kong naisip na hindi siya taga-rito sa amin. Maputi siya, may malinis at elegante na aura, na tila galing sa mga mayayaman na nagbabakasyon lamang dito sa lugar namin. "Sige po, ano po ba iyon?" tanong ko paglingon ko, pero bigla siyang natigilan. Hindi siya gumalaw o nagsalita—parang naging estatwa sa harapan ko. Kung ibang sitwasyon lang ito, malamang natawa na ako sa itsura niya. Pero bigla kong naalala, wala pala akong suot na face mask. Kaya kitang-kita niya ang buong mukha ko. Bigla akong nahiya at nanlaki ang mga mata ko, siya pa lang kasi ang unang tao na nakakita sa itsura ko maliban kina inay at itay. Naisip ko na siguro kaya siya nakatitig ay dahil nakita niya ako ng walang mask. Mabilis kong inayos ang hawak kong basket na puno ng prutas at gulay at itinakip ko ang kaliwang kamay ko sa mukha ko, habang ang kanan kong kamay ay hawak pa rin ang basket. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa kaba. "Pasensiya na po, miss, pero hindi ka puwedeng lumapit sa akin. May sakit akong nakakahawa, at wala akong suot na face mask. Pasensiya na po" sabi ko, sabay hakbang paatras. Nasa taniman kami ng mga bulaklak ni inay, matapos kong mamitas ng mga prutas at gulay para sa lulutuin namin para sa kaarawan ko. Dumiretso ako rito upang pumitas ng mga bulaklak na paborito ko, na inilagay ko pa ang isa sa aking tenga bilang palamuti. Parang natauhan siya bigla mula sa kaniyang pagkakatitig, inayos ang sarili at humakbang paabante patungo sa akin. "Miss, parang awa mo na, ayokong mahawaan ka ng sakit ko. Kaya kung maaari, hanggang diyan ka na lang. Kailangan malayo ka sa akin" sabi ko sa kanya nang mariing tinatakpan pa rin ang kalahati ng mukha ko. Napabuntong-hininga siya bago tumango na lang bilang tugon. "Ah, sige. Puwede na ba akong magtanong?" tanong niya na may bahagyang pagtataka at pag aalingan sa boses. "Oo nga po pala, pasensiya na ulit. Ano nga po bang tanong mo?" sabi ko. Nawala ang kabang naramdaman ko dahil alam ko na mula sa agwat ng aming puwesto hindi ko siya mahahawaan ng sakit ko pero nahiya ako dahil nakalimutan kong may tanong pa pala siya saakin. "Drop the 'po'. I mean huwag mo nang gamitin ang 'po,' mukha namang hindi tayo nagkakalayo ng edad" sagot niya habang nakangiti nang bahagya. "Saan ba ang daan palabas ng rice field o palayan na ito? Naligaw kasi ako. Sinundan ko ang pusa namin kaya napadpad ako dito" paliwanag niya. Napatango ako, ngayon ko lang napansin na parang medyo alanganin nga ang kilos niya. "Ah, ganun po ba? Sige, tutulungan kita. Sundan mo na lang ako at ituturo ko sa 'yo ang daan" sabi ko nang nakangiti, kahit natatakpan pa rin ang kalahati ng mukha ko ng kaliwang kamay ko. Nagsimula kaming maglakad, mga sampong minuto lang at narating na namin ang daanang papunta sa mga bahay dito sa aming lugar. Medyo malayo kasi kami sa mga kapitbahay at sa kalsada. Naramdaman kong tinititigan ako ng magandang babae mula sa likuran ko. Napakamot ako ng ulo dahil bigla akong nahiya sa mga titig niya. Suot ko lang kasi ang bestidang dilaw na hanggang tuhod at flat na sandalyas. Kitang-kita ang mapuputi kong balat, at ang buhok ko'y nakapuyod pa. Kaarawan ko ngayon kaya sinadyang isuot ko ang bestidang regalo nina Nanay at Tatay noong labing walo pa lang ang aking edad. Humarap ako sa babae nang nakarating na kami sa lugar kung saan natatanaw ang kalsada. "Ito na ang daan patungo sa inyo" sabi ko habang tinuturo ang daan. Tinitigan lang niya ako nang matagal, bago nagsalita ulit. "Thank you I mean salamat. Anyway, ano pa lang pangalan mo?" tanong niya. Dahil ilang metro na ang layo ko sa kanya, inalis ko na ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko. "Walang anuman, ako nga pala si Snow! At hindi muna kailangang magsalita ng tagalog dahil naiintindihan ko naman ang wikang ingles" sagot ko, kasabay ng isang maliit na ngiti. Napansin kong ngumiti din siya. "Snow? It suits you. Para kang si Snow White—napakaputi mo at napakaganda" sabi niya nang may ngiti. Nahiya ako, ramdam ko ang init sa pisngi ko. Si inay at itay lang kasi ang nagsasabing maganda ako. Nahihiya akong ngumiti sa sinabi niya. "Oh I'm Gette sorry I forgot to introduce myself! Kung hindi mo mamasamain, anong sakit mo ba? Mukha ka namang walang sakit" sabi niya nang may bahagyang pag-aalala. "Hindi ko rin alam. Pero sabi ni Nanay, nakakatakot daw itong sakit ko" sagot ko. Tumango-tango siya, tila nag-iisip. "Sige, mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni Nanay" sabi ko ulit, "Wait, Snow!" tawag ko. "Bakit?" tanong ko. "Oo nga pala, kaarawan ko ngayon. Kung libre ka mamaya, puwede kang pumunta sa maliit naming handaan sa bahay. Tanaw na tanaw naman mula dito" sabi ko habang itinuro ang bahay namin. "Sure! So see you Snow!" sabi niya bago siya tuluyang umalis. Habang naglalakad siya palayo, bumalik naman ako sa bahay at sinabi kay inay na may bisita ako mamaya. Natuwa siya, sabay sabi na sa wakas, may kaibigan na ako. Bagaman halatang nag-aalala siya, ngumiti pa rin siya. PAPUNTA ako ngayon sa Agustin Falls. Isang oras na lang at magsisimula na ang handaan para sa kaarawan ko. Pero ewan ko ba kay Nanay, sabi niya maglibot-libot muna ako at bumalik ng alas kuwatro ng hapon. Kaya heto ako, naglalakad-lakad at napadpad dito sa talon. Umupo ako sa paborito kong pwesto—kung saan ko unang nakita sina Inay at Itay. Pinagmasdan ko ang talon. Napakaganda ng panahon ngayon—malinaw ang tubig, tahimik ang paligid, at tila hinahaplos ako ng hangin. Naisipan kong maligo ng ilang sandali kahit wala akong dalang ekstrang damit. Hinubad ko ang suot kong bestida at itinira na lang ang itim kong panty. Hinubad ko na rin ang bra ko. Kaya ngayon, lantad na lantad ang katawan ko. Wala namang tao dito, kaya hindi ko na kinailangang mag-alala kahit wala akong saplot. Dahan-dahan akong lumusong sa tubig. Nang makarating ako sa gitna, nilaro ko ang tubig at pagkatapos, lumangoy ako pailalim. Nang mapagod akong lumangoy, nagpalutang-lutang ako sa tubig habang pinagmamasdan ang kalangitan. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Ilang minuto rin akong nagtagal doon nang maramdaman kong parang may presensya ng tao sa likuran ko. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa kaba. Bigla akong natakot at napalingon. Nakita ko ang isang lalaki—napakagwapo niya. Sa tantiya ko, nasa 23 o 24 taong gulang siya. Matangkad, mga anim na talampakan siguro. Parang isang modelo ang katawan niya—mukhang sanay sa ehersisyo. Kahit malayo ako sa kanya, kitang-kita ko ang angking kakisigan niya. Napakagwapo niya—mula sa magulong buhok, makapal na kilay, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at mapupulang labi. Lalo na ang kanyang mga mata na tila kayang kumontrol ng kahit sino. May kakaibang paraan siya ng pagtitig, parang kakainin ka ng buhay. Bumilis ang t***k ng puso ko. Kahit simple lang ang suot niyang puting pang-itaas at navy blue na maiksing pang-ibaba, parang siyang naligaw na modelo na magsho-shoot sa beach na ang tema ay summer dahil sa postura nito. Sa hindi ko malamang dahilan, nawala ang kaba at takot na naramdaman ko kanina nang mapagmasdan ko siya. Mukha naman siyang mabuting tao. Napalitan ng pagkailang ang kabang naramdaman ko kanina nang maalala kong wala akong saplot maliban sa aking panty. Tumigil ako sa paglangoy at mabilis akong tumalikod. Nakakahiya, nakita niya ako! Nang muli akong lumingon, nakatalikod na siya. Dali-dali akong umahon sa tubig at sinuot agad ang damit ko, kahit basa pa ang katawan ko. "Naku, pasensya na po! Sige, maligo ka na. Aalis na po ako, tapos na rin naman ako" sabi ko, kahit alam kong hindi na niya ako maririnig dahil malayo na ako sa kanya. Mula sa malayo, tiningnan ko ulit siya. Para siyang isang karakter sa pelikula—ang gwapo talaga niya. Ngayon lang ako nakakita ng ibang tao dito sa talon. Labinsiyam na taon na ako dito, pero ni minsan, wala akong nakitang tao na pumunta dito. Nakakapagtaka man, isinawalang-bahala ko na lang. Dumaan ako sa daan patungo sa aming bahay, at siya naman ay doon sa kabilang daanan. May dalawa kasing daanan papunta sa Agustin Falls—ang isa para sa mga taga-Athena, at ang isa naman ay para sa aming lugar. Habang naglalakad patungo sa bahay, tiningnan ko ang aking oras mula sa aking lumang orasan na bigay sa akin ni Tatay. Tatlumpung minuto na lang at mag-a-alas kuwatro na. Lakad pa rin ako ng lakad, hindi alintana ang sinag ng araw. Napangiti na lang ako nang madaanan ko ang malawak na palayan, ang taniman ng mga gulay, at ang huli kong dadaanan—ang flower plantation namin. Napakaganda talaga dito sa lugar namin; everything is refreshing and living here is a dream come true for me. Ipinikit ko ang aking mga mata, sinamyo ang sariwang hangin at dinama ang init ng araw na tumatama sa aking balat. Pagmulat ko, isang napakagandang paruparo ang aking nakita. Sa sobrang pagka-amaze ko dito, sinundan ko ito kung saan man ito magpunta. Natagpuan ko na lang ang sarili ko malapit sa highway papunta sa barangay ng Agustin. "s**t" rinig kong sabi ng isang baritonong boses. Sigurado akong lalaki 'yon. "Hala, may tao!" Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong makita. Napansin ko doon sa may malaking puno, malapit lang sa kalsada kung saan ako dumadaan patungo sa palengke, parang may nagtatago doon. Hindi kaya? Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may nagmamasid at sumusunod sa akin, pero akala ko guni-guni ko lang 'yon. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko pero hindi ako kinakabahan. Gusto kong lapitan ito para makilala ang taong nagtatago sa puno. Malapit na ako sa puno nang maalala ko kung anong oras na. At ganoon na lang ang taranta ko nang makitang dalawang minuto na lang at mag-a-alas kuwatro na! Patay ako kay Nanay nito. At dali-dali akong tumungo sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD