WHEN Titus Noah Rajeev picked the pineapple, the young woman also disappeared. However, she didn’t vanish like smoke; it was as if the wind absorbed her, pulling her towards the pineapple where her wandering soul was trapped.
Samantala, habang binabalatan ni Titus ang pinya, excited na hinihintay ni Summer Dadariyyah Ysmael na kainin ito, parang bata na sabik na sabik. Sa mga nakaraang araw, lagi siyang nahihilo at palaging gutom, katulad ngayon. Hindi nila alam na buntis na pala si Summer. Ilang linggo ang lumipas bago nalaman ng mag-asawa na nagdadalang-tao si Summer, at sobrang saya nila dahil sa wakas magkaka-anak na sila.
19 Years Later...
Ilang taon na ang lumipas mula nang magkaanak ang mag-asawa ng isang babae. Napakabait nito at maunawain, kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang, at ganun din naman siya sa kanila. Masaya ang pamumuhay ng pamilya, pero hindi maitatanggi na may kakaiba sa kanilang anak.
Mula pagkabata, napansin na nila na hindi siya ordinaryong bata. Sobrang talino niya, na ipinagtataka nila dahil hindi naman siya nag-aaral. Pilit nila siyang pinapasok sa eskwela pero ayaw niya. Mas gusto niyang manatili sa bahay, tumulong sa mga gawaing bahay, at magtanim ng gulay kasama ang mga magulang niya.
Napakabait din niya—so much so that it was almost frightening. They had never seen her angry, which led them to worry that one day she might explode like a bomb. But that wasn't their only concern. They feared for her because she was not just any child—she possessed a beauty so unique it could attract danger.
Their daughter was breathtakingly beautiful. Anyone who saw her would be enchanted, and the worst part was that someone might harm her because of this. Dahil dito, sobrang higpit sila sa pagbabantay sa kanya para siguraduhing ligtas siya sa mga taong maaaring manakit.
Mula nang ipanganak siya, napansin na nila ang kakaibang kagandahan niya, at ito rin ang kinakatakutan nila. Alam nilang ang kagandahang ito ang magdadala ng kapahamakan sa anak nila. She was stunning, a perfect blend of her parents' features. Titus was a handsome man, and Summer was a beautiful woman. Adding to that, both had foreign bloodlines, which made their daughter a truly pulchritudinous girl.
She had thick eyebrows, long lashes, a sharp nose, and heart-shaped lips, lahat namana mula sa kanyang ina. Ang mahaba at straight na itim na buhok niya ay galing din sa ina, habang ang kulay abong mata niya ay minana naman sa kanyang ama.
Napakaputi niya—kung maputi na ang kanyang ina, siya ay mas maputi pa, kabaligtaran ng kayumangging balat ng kanyang ama. Dahil sa puti ng balat niya, tinawag siyang Snow ng kanyang mga magulang. Ang buong pangalan niya ay Snow Miracle Dadariyyah Ysmael Rajeev. She was named Snow because of her very fair complexion, Miracle because she’s a miracle baby, and Dadariyyah from her mother's name
SNOW
LABINSIYAM na taon at mahigit na ang lumipas mula nang makasama ko sina Nanay Summer at Tatay Titus—ang dalawang mag-asawa na kalaunan ay naging mga magulang ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari iyon, pero lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil muli akong nabuhay, sa katauhan ng kanilang anak. Noong araw na bigla akong hinigop ng hangin at napunta sa loob ng pinya, labis akong nagulat. Akala ko mawawala na ako sa mundong ito, pero hindi pala, at sa totoo lang, sobrang saya ko dahil nabigyan ako ng bagong pagkakataon, kasama ang isang pamilyang mahal na mahal ako. Alam kong parang baliw pakinggan, pero totoong nangyari ito. Wala itong paliwanag na siyentipiko.
Simple lang ang aming buhay. Masaya ako at kuntento dahil sa wakas, may pamilyang kumakalinga sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin, kaya naman sobra din ang pagmamahal ko sa kanila. Ngunit napapansin ko minsan na tila nagtataka si Nanay at Tatay dahil parang kakaiba ang aking mga kilos at kaalaman. Marami akong nalalaman kahit noong bata pa ako, mga bagay na hindi ko naman dapat alam, dahil nga hindi ako nag-aral. Pero dahil na-reborn ako at may katalinuhan na ako noon, malamang na iyon ang dahilan kung bakit dala ko ang mga kaalamang iyon.
Hindi ako pumasok sa paaralan para mag-aral, at alam kong natatakot ang aking mga magulang na palabasin ako ng bahay. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan, pero pakiramdam ko ay nag-aalala sila para sa akin. Siguro iniisip nila na baka may mangyaring masama saakin. Sa totoo lang, ayaw ko rin naman na mag-aral dahil baka ma-intimidate lang saakin ang mga guro o mga kaklase ko dahil sa taglay kong talino. Alam kong mas matalino ako kaysa sa karaniwang bata, at ayokong maging dahilan iyon para matakot saakin ang mga tao.
Tuwing lumalabas ako, palagi akong nakasuot ng face mask. Bukod dito, mahahaba rin ang aking mga damit, para siguro walang makakita sa taglay kong kaputian at para rin hindi ako masyadong mapansin ng mga tao. Pero kapag nasa bahay lang ako o nasa sakahan namin, normal na kasuotan lang ang suot ko. Masyado lang sigurong nag-aalala si Nanay at Tatay dahil nga nag-iisa lang akong anak nila. Lagi nilang iniisip na dapat protektado ako.
At alam ko rin na napakaputi ko. Dahil dito, tinawag nila akong Snow. Sabi nila, sobrang puti ko raw, mas maputi pa ako kaysa kay Nanay, na pinagmulan ko ng aking kutis. Kahit magbabad ako sa araw, hindi ako umiiitim—namumula lang siguro ng kaunti, pero hindi nagbabago ang kaputian ko. Mula pagkabata maputi na daw talaga ako sabi ni Nanay. Pero nagtataka ako bakit palagi akong pinagsusuot ng mga magulang ko ng mask at nalaman ko din ang dahilan nong tinanong ko si nanay. Dahil daw sa may sakit ako. Sabi niya, sabihin ko raw na may sakit ako, para hindi na mag-usisa ang mga tao kung bakit lagi akong may suot na mask.
Ang ikalawang pangalan ko naman ay Miracle, dahil isa raw akong milagrong anak. Sabi ni Nanay, sinabi raw ng mga doktor noon na hindi sila magkakaanak dahil may problema siya sa kanyang matres. Pero nagkaroon ng himala, at isinilang ako ni Nanay sa edad na 31. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat nila sa Diyos dahil dumating ako sa buhay nila.
Sa totoo lang, hindi ko pa kailanman nakita ang sarili ko sa salamin. Wala akong ideya kung ano ang hitsura ko. Sinabi naman ni Nanay na maganda raw ako, pero hindi ko iyon masyadong iniintindi. Ang importante sa akin ay masaya kami ng mga magulang ko. Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang itsura ko sa paningin ng iba.
Simula bata hanggang ngayon, wala akong naging kaibigan. Malamang dahil hindi ako masyadong lumalabas, at kapag lumabas man ako, lagi akong may suot na mask. Dahil dito, tila natatakot sa akin ang ibang bata. Hindi ko rin naman masisisi sila dahil hindi naman ako madalas makihalubilo. Pero kapag may mga batang napapadpad sa aming bahay, nakikipag-usap naman ako sa kanila. May ilan din akong mga kapitbahay na nakakausap, lalo na kapag humihingi sila ng mga gulay mula sa aming taniman.
Minsan naiisip ko, sana nagkaroon ako ng normal na buhay—yung buhay na may mga kaibigan, nakakapag-aral, at nakakapaglaro sa labas kasama ang mga kalaro. Pero kahit ganito ang sitwasyon ko, masaya na rin ako dahil mayroon akong mga magulang na lubos na nagmamahal sa akin. Hindi man normal ang aking buhay, wala akong reklamo dahil ramdam ko ang tunay na pagmamahal sa loob ng aming tahanan. Wala akong hinahangad kundi ang kaligayahan at kasiyahan para sa amin.
Sa kabila ng lahat, alam kong marami pa akong matutuklasan dito sa mundo at marami pang mangyayari sa hinaharap, pero sa ngayon, kontento na ako sa kung ano ang meron kami ngayon.