Chapter 1: I met Dior Clyde
"Amante! Aalis ka na naman ba??"sigaw ni mama kay papa. Na sya namanng naging dahilan ng aking pag bangon at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan para pumunta sa gawi nila.
Nasa may pinto na si papa ng maabutan ko sya. Sakbit ang bag na palagi nyang dala sa pagtatrabaho. Nakahawak si mama kay papa upang pigilan ito.
"Amante san ka pupunta??. Bat dala mo ang bag mo. Iiwan mo ba kami??" Naiiyak na tanong ni mama. Napabuntong hininga naman si papa sa tinuran ni mama.
"Pa.!papa!!" Pag agaw ko ng attensiyon. Napatingin sila saken. Baskas sa mukha nila ang lungkot.
"Pa! San po kayo pupunta?? Iiwan nyo po ba kami?? Bat nyo po dala ang bag nyo..?"sunod sunod kong tanong sa kanya.
Lumapit sya saken at niyakap ako ng saglit sabay hinawakan ang pisnge ko.
"Anak babalik rin si papa." Malungkot na saad nya.
"Pa. Wag nyo naman po kaming iwan."naiiyak na turan ko.
Tumingin sya saglit kay mama na ngayon ay umiiyak na. Hinalikan nya ako sa noo at dali-daling umalis ng bahay na sya namang ikinaiyak lalo ni mama.
"Wag mo kami iwan!wag mo kaming iwan ng mga anak moo". Mahinang tugon ni mama habang umiiyak. Lumapit ako kay mama at niyakap sya.
Tumingin ito saken habang pinupunasan ang kanyang mga luha..
"Anissa anak?. Gutom ka na ba??. Halika maupo ka.. *sniff* nagluto ako ng paborito nyo." Wika nya sabay naglakad patungo sa kusina.
..
"Anong sabi mo ma??. tinawag mo syang 'ANAK'? Ma. Hindi nyo sya anak. Wala ho kaming kapatid na bunga ng panloloko ni papa. Nakalimutan nyo na ba??. Muntik na tayo iwan ni papa maa!!" Nakahalukipkip na Wika ni ate Aaime na sya namang kalalabas lang ng kanyang kwarto. Umupo sya sa hapag kainan habang inaayos ang kanyang buhok at naglalagay ng konteng kolorete sa kanyang mukha. Napatingin ako sa kanya na siya naman nya akong pinanpakihan ng mata kaya dali-dali ko ring binawi ang aking tingin sa kanya.
Napatungo ako sa sinabi na.
"Tinanggap mo na pala sya ma??. Wala kaming kapatid na bunga ng pagkakamali ma!" Sabat naman ni kuya na sya naman akong napatingin sa gawi nya. Kabababa nya pa lang ng hagdan tangan ang kanyang mga gamit sa opisina.
'Pasensya na ate kuya. Hindi ko naman kasalanan na nabuo ako sa pagkakamali eh.'
"Nako mga kafatid inaaway nyo na naman si Bubbles! Ang tagal na nun. "Sya si ate Corleen maliban sa kahawig at kasing edad ko sya ay sya lang ang kasundo ko sa kanilang dalawa.
"Good morning bubbles!" Masayang bati nya saken . Sabay halik sa aking pisnge. Iniabot nya rin saken ang bunso naming kapatid na si Jaggie. Isang taong gulang.
Napairap si ate Aaimee sa tinuran ni ate Corleen habang busy naman si kuya Luhence sa pagtitipa sa kanyang Laptop.
"Psshh kinampihan mo na naman sya. Kaya lumalaki ang ulo eh.."sabi ni kuya habang hindi iniaalis ang kanyang paningin sa kanyang laptop.
Nararamdaman ko ang pag init ng aking mata. Nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.
"Kakain naa!!" Pilit pinapasaya at pinapasigla ni mama ang kanyang boses. Dala nya ang mga pagkain na kanyang niluto.
Tinabi nina ate at kuya ang kanilang ginagawa at kanya kanyang kumuha ng mga plato.
"Anong meron.. bat ganyan mga mukha nyo..ang aga aga ehh" tanong ni mama habang kinuha nya naman saken ang batang si jaggie.
Tumabi sya saken at pinapakain nya na si jaggie
"Yung dalawa kase ma. Inaaway si bubbles"sabi ni ate corleen habang ngumunguya ng hotdog.
Napatingin si mama sa dalawa.
"Nako kayong dalawa ha. Ke aga aga eh inaaway nyo si annisa. Wala syang kasalanan dun. Hindi nya kasalanang nabuhay sya. Tsaka baby pa lang yang si annisa eh nasa atin na sya. Saten sya lumaki. Ako nag alaga sa kanya. Ako kinilala nyang ina kaya anak ko sya at kapatid nyo sya. Magkaiba man kayo ng ina pero iisa lang ang pinang galingan nyo ng ama."pangaral na wika ni mama kayna ate at kuya habang iniaabot saken ang sinangag na niluto nya.
Napatingin ako sa gawi nila ate at kuya pero tila ba ay hindi sila natinag sa pangaral ni mama. Bagkos ay nagpatuloy lang sila sa pagkain.
Katahimikan ang naghari sa aming lahat. Hanggang sa si ate corleen na ang bumasag dito.
"Ma.! Nag aaway ba kayo ni papa kanina??may narinig po kase akong ingy kni kanina lang eh tsaka asan po sya?"takang tanong ni ate corleen.
Napatingin ako kay mama dahil napatigil sya sa pagpapakain kay Jaggie.
"Huh? Ahh oo okey lang kami ng pa--"
"*blag* okey lang ba talaga ma?. Halos araw araw na lang kayong nag aaway ni papa. (Humarap kay ate corleen) hindi nyo ba alam. Umalis na si papa iniwan na tayo. ... nawalan na ko ng gana. Papasok na ho ako. "Inis na sigaw ni kuya luhence sabay alis sa hapag kainan.
Napatingin rin ako kay ate Aaimee na tumayo at naglakd papasok sa kanyang kwarto.
"Aaimee anak. Hindi mo na naubos pagkain mo!" Tawag ni masma kay ate aaimee pero di pa rin sya nito pinansin.
"I lost my appetite. Papahinga lang ako" walang ganang sabi ni ate aaimee.
Tahimik namang kumakain si ate corleen habang bakas sa kanyang mukha ang lungkot dahil sa nangyare.
Ibinaling saken ni mama ang kanyang attention pati na rin kay jaggie..
"Anak. Hmm pumasok na kayo. Malelate na kayo anong oras na oh" napapaiyak na sabi ni mama
Tumayo ako at panandaliang iniligpit ang aming pinagkainan. Pagkatapos ay agad rin akong nag punta sa aking kwarto para mag intindi dahil may pasok pa ako.
--
"Ma pasok na po akoo" sabi ni ate corleen sabay halik kay mama.
Lumapit rin ako kay mama at inakap ko sya.
"Ma! Thank you po sa lahat ma. I love you po!" Sabi ko kay mama sabay halik sa pisnge nya
"Pasok na po ako ma."dagdag ko pa.
Naglakad na ako papalabas ng gate habang sa inihahatid naman kami ni mama ng tingin nya.
Pag alis nami'y napansin kong napaiyak sya. Napatingin syang muli sa gawi namin at ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti sya ng pilit na tila ba sinasabing ayos lang sya.
---
@school
I was walking outside the campus until a friend of minw approached and greeted me it was Alecxei.
"Hi! Good morning miloves!" Masaya at masiglang bati nya. I smiled until she noticed something.
"Nako! Madaan-daan mo ako sa ngiti mong yan, kilala na kita Ghorl. Oh whats with the peslak? Bat ganern??. Hindi masaya. Walang buhay!". Dire-Diretso at tila walang prenong sabi nito na sya namang ikinatawa ko sa loob-loob ko..
'Kahit kelan talaga!. I can't keep a secret to her!' Sabi ko sa isip ko.
Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating si Frankie. Ang manliligaw nya. As usual may dala siyang bulaklak. Suot ang polo na may mahabang manggas. May ayos na ayos na buhok na tila ba ay nilagyan nya ito ng sangkaterbang wax kaya makintab at wala kang makikita ni isang hiblang bihok na nakatayo. Suot rin nito ang makapal na salamin. Tumingin siya kay Alecxei pero bakas sa kanyang mukha ang matinding kaba at hiya dahil sa loob ng dalawang taon na panliligaw ay ngayon lang sya nagkaroon ng loob na lumapit kay Alecxei.
"H-hi! .. Alecxei." Nahihiya at nauutal na bati nito.
"Hello!." Nakangiting bati nya pabalik kay Frankie
Namumula at tila ba nabuhayan ng loob si frankie nang sya ay batiin pabalik ng aking kaibigan.
"A-ahm.. f-flow--" hindi pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay biglang may tumawag kay Alecxei. Si Liander na kanyang ka m.u , lumapit ito sa amin at binati ako.
"Hi anissa!" Bati nya daken.
Ngumiti ako sa kanya. Nang mapansin nya ang presensiya ni Frankie na kaninang masaya,at ngayo'y tahimik na nakatingin lang sa kanilang Dalawa. Tinitigan ni Liandee ng masam si Frankie kaya napatungo ito.
"ANONG GINAGA---" medyo inis na sabi ni Liander pero napatingin siya kay Alecxei ng putulin nito ang kanyang pagsasalita.
"Ah.. Liander!. Tara ! Magpapsama sana ko sayo.. sa library.. " nagtatakang napatingin si liander dito pero kalaunay sumang ayon rin sya.
" anissa una na muna kami ha?.." paalam nya saken. Nginitian nya naman saglit si Frankie sabay hila nya kay liander at patakbo silang pumasok sa loob ng campus.
"Magkita na lang tayo sa kanteen mamayaa" sigaw na pahabol nya pa. Natatawa naman akong napapailing sa tinuran nya.
"Bye.. alecxei" malungkot at pabulong na sabi nito habang nakatungong tinitingnan ang bulaklak na hawak nya..
"Okey lang yan. May time pa naman. Sama ka ba mamaya sabay tayo mag recess??" Tanong ko sa kanya.
Napatingin sya saken na may lungkot sa mata.
"Uhmm. Hindi na. Salamat na lang"malungkot na tugon nya.
Kinuha ko ang bulaklak na hawak nya kaya gulat na napatingin sya saken..
"Ako na mag bibigay sa kanya.." sabi ko sa kanya na may kasamang ngiti..
Napangiti rin sya.
"Sige una na ko sa loob." Paalam ko.
Naglakad na akl patungo sa gate at muli ay humarap ako sa kanya. Nag kinawayan ko sya. And he mouthed 'thank you' ngumiti ako sa kanya at patuloy na akong nakapasok sa loob.
--
Nandito ako ngayon sa locker room upang tingnan ang schedule ko. Nakita kong alas 10 pa pala ang pasok ko. Kaya tumingin ako sa aking orasan. 8:30 am Maaga pa pala pupunta muna ako sa rooftop. Ito kase ang nagsisilbing comfort place ko kaya umakyat ako sa shs building. Binabati at nginingitian ko ang bawat studyante at teacher na madadaanan ko.
As i reached the stairs paakyat sa rooftop i heared something relaxing. I heard guitar strumming. Luminga linga ako at pilit na pinakikinggan kung saan ito nagmumula. Nag patuloy ako sa pang akyat at mas lalo pang lumalakas ang pag strum ng gitara. Siguro'y nasa roof top rin sya.
Nasa kalagitnaan na ako ng baitang ng hagdan ng makarinig ako ng boses. Napaka gandang boses na bakas na bakas dito ang kalungkutan.
"I'm trying to hold my breath
Let it stay this way
Can't let this moment end
You set off a dream in me
Getting louder now
Can you hear it echoing?
Take my hand
Will you share this with me?
'Cause darling without you"
Panimula ng misteryosong lalake na kumakanta sa rooftop. Dali-dali ngunit marahan ang bawat hakbang ko upang hindi maistorbo ang taong pinang gagalingan ng boses. Hanggang sa naabot ko ang pinto at dahan dahan ko itong binuksan. Marahan akong naglakad habang palinga linga kong hinahanap ang pinang gagalingan ng boses.
"All the shine of a thousand spotlights
All the stars we steal from the nightsky
Will never be enough
Never be enough
Towers of gold are still too little
These hands could hold the world but it'll
Never be enough
Never be enough"
Lalake sya pero ang galing nya. Ang ganda ng boses nya kaso may halo itong kalungkutan. Muli ay hinanap ko sya hanggang sa mas lalo pang lumalakas ang boses nya. Nilibot ko ang halos kaliwang bahagi ng buong rooftop at pinuntahan ko ang paborito kong tambayan kung saan dun tinatambak yung mga upuan na hindi na ginagamit. And there I found a guy na sa tingin ko'y pinanggagalingan ng boses. At tama nga ako. Tahimik ko syang pinapanuod nakatalikod ito saken kaya sigurado akong hindi nya alam na may nakikinig sa kanya.
"For me
Never, never
Never, never
Never, for me
For me
Never enough
Never, never
Never enough
Never, never
Never enough
For me
For me
For me
For me"
Bakas na bakaa sa kanya ang lungkot. Napapansin ko rin ang pag garalgal ng boses na nagsasabing umiiyak sya.
*clap* *clap* *clap* *clap*
Palakpak ko dahil hindi ko mapigilan ang mapahanga sa galing nyang kumanta. Taranta syang napatayo at tumingin sa gawi ko. Tiningnan nya ako ng masama.
"K-kanina ka pa ba dyan??. Anong ginagawa mo dito?" Iritadong sabi nya habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Uh.. oo eh. Narinig kita. Ang ganda ng boses mo. Kaso ang lungkot" saad ko sa kanya.
Pumunta sya pader ng rooftop na hanggang tiyan nya. Umakyat sya at umupo dito. Nakaramdam ako ng kaba at agad na linapitan sya.
"Wala kang pake. Tsaka pwede ba bumaba ka na. Wag mo kong istorbohin"inis na saad nito. Nakatanaw lang sya sa malayo.
Lumapit ako sa pwesto nya. Hanggang dibdib ko ito.
"Pasensya ka na kung naistorbo kita. Pero di kita maiiwan dito kase baka kung anong gawin mo" saad ko sa kanya habang pinagmamasdan sya.
Tumingin sya saken ng nakakunot ang noo
"Pwede ba. Wala kang pake kung magpapakamatay ako. Tsaka wala kang pake sa buhay ko. Kaya pwede ba umalis ka na"medyo galit at may diin na sabi nya.
Tumingin ako sa kawalan at tumugon sa sinabi nya.
"alam mo ba? May mga taong kagaya ko na gusto pang mabuhay ng matagal. Maraming mga tao ang gusto pang makasama ang mga taong mahal nila kaso bilang na lang ang araw na meron sila. Kaya maswerte ka. Maswerte kang nabiyayaan ng buhay kaya dapat ay pag-ingatan mo ito" seryoso at mahabang litanya ko.
Tumingin akong muli sa kanya. Kumpara saken ay matangkad sya. Medyo payat. May kalaguan ang buhok. Matangos ang ilong. May singkit na mata. May makapal na pilik mata at kilay. may kaputian rin syang taglay.
Nakakunot noo itong tumingin saken.
"Wala kang alam sa buhay ko kaya pwede ba. Get loss I don't need a companion" masunget na saad nya.
Bumaba sya sa pader na kinauupuan nya at naglakad palayo.
"Anong pangalan mo?. Ako si anissa.!"pag papakilala ko habang naglalakad sya palayo sa gawi ko. Hindi nya ako pinansin at patuloy na naglakad pababa ng rooftop.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko alam pero parang may tumutulak saken para kilalanin sya.
Gusto kong malaman ang pagkatao nya. Gusto kong malaman kung bakit malungkot sya.
*kriiiinggggggg*
Tunog ng bell hudyat na recess na pala.
Agad akong bumaba para pumunta sa canteen. Naghanap ako ng upuan para samen ni Alecxei pero nakita ko syang naka upo kasama si Liander. Kumaway sya saken at pinapunta ako sa gawi nila.
"Huy. Kaloka ka. San ka ba galing ha?" Bungad nya saken.
"Uh. Galing ako sa rooftop.. nagpapahangen."sagod ko sa kanya habang palinga linga sa paligid. Nagbabaka sakali kase ako na baka makita ko sya dito.
"Ahh okieee.. huyy bat palinga linga ka.?" Takang tanong nya
Busy pa rin ako sa pag hahanap sa lalaking kasama ko kanina sa rooftop ng matanaw ko sya sa di kalayuan. Mag isang naka upo malapit sa may basurahan. Nakayuko sya na tila ba iniiwasan nyang mapansin sya ng tao.
"Huy ghurl sino ba tinitingnan-- ahhh hahahaha owkeeey nakita ko na hahahah" natataqang sabi nya habang nakatingin rin sa tinitingnan ko.
"Kilala mo ba sya?" Tanong ko kay alecxei habang hindi pa rin iniaalis ang tingin ko sa taong yon.
"Ahh oo si Clyde. Kaklase ko sya sa 21st tahimik talaga sya. Medyo takot sa tao pero grabeee ang daming nagkakagusto sa kanya." Sagot nya sa tanong ko.
Dali dali akong tumayo at naglakad papunta kay Clyde.
"Huyy san ka pupunta..??!"takang tanong nya.
"Makikipag kaibigan ako sa kanya"maikling sagot ko .
Napansin kong nangasim ang mukha nya. Then she mouthed
'Paktay kang bata ka' natawa naman ako sa loob loob ko. Pero pinag patuloy ko pa rin ang pag lalakad hanggang sa nakarating ako sa table nya. Nakayuko pa rin sya na sa tingin koy nya napansin ang pag dating ko.
segundo na rin ang nakakalipas pero di pa rin sya umiimik.
"*ehem* uhmm.. hello" bati ko sa kanya.
Napatingin sya saken ng may kunot sa noo.
"Sino ka anong ginaga-- teka. Ikaw yung babaeng madaldal sa rooftop ah.. anong ginagawa mo dito??. tsaka wag mo ng akong sundan. Nakakairita!!" Iritadong sabi nya.
Walang ano ano'y umupo ako sa tapat nya..
"Pasabay ako ha."paalam ko sa kanya.
Napapiling syang kumagat sa pagkain nya.
"Ako si anissa. Anong pangalan mo??. Uhmm diba clyde pangalan mo?"pag uumpisa ko.
Masama syang tumingin saken pero nginitian ko sya.
"Ang daldal mo! Ayoko sa ganun"masunget na saad nya.
"Gusto ko lang naman na maging kaibigan ka."saad ko pero napakunot ang noo nya.
'Tsk hilig mag kunot noo'sabi ko sa isip ko
"Ayoko sa madaldal. Ayoko sa makulet. Ayoko sa pakealamera!! Kaya pwede ba??. Lumayo ka saken. Ayoko ng kaibigan hindi ko kailangan non. Kaya alis na!"
Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa sinabi nya. Kaya di ko mapigilan ang mapaluha.
"G-gusto ko lang nakan makipag kaibigan sayo ihh." Naiiyak na sabi ko.
Napatingin sya sakeng muli na tila ba ay di makapaniwala. Bumuntong hininga sya at muling nag salita.
"Fine. Ako si Dior Clyde Lucas Spade.. happy?? Tsaka tumigil ka nga sa kakaiyak it's sickening!"iritadong sagot nya.
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya.
"Yaaan. Haha thank you. Friends na tayo ahh.. " masayang sabi ko sa kanya. Napailing naman sya dahil sa tinuran ko..
"Ibang klasee!" Pabulong na sabi nya habang umiiling..
'Hmmff baka mabale leeg mo koya!!'sabi ko sa isipan ko hahahaha
"Nga pala ako si Arlette Anissa Bubbles Tan. Pero dahil friends na tayo. Pwede mo kong tawaging 'bubbles' o 'anissa' depende sayooo. " dire diretso at tila ba pinasisigla ko ang aking mood.
Pansin kong hindi pa rin sya kumbinsido na maging magkaibigan kami. Kaya hindi pa rin ako titigil na kulitin sya para malaman ko kung ano ang problema nya. Hindi ko ba alam pero pakiramdam ko ay may nag uudyok saken na kaibiganin sya. Na para bang kailangan nya ako..
Tinititigan ko sya habang sya ay kumakain. Napansin nya siguro ang pag titig ko kaya nag suot sya ng headphone at isinuot nya rin ang hood ng kanyang jacket..
Author's note: haha nako nakoo sorry medyo lame pero i'll make sure na magugustohan nyo to.. anyway suggest ko na pakinggan nyo rin yung song na 'never enough by Loren Allred para mas feel na feel sya. Thank you for reading♡♡