CHAPTER THREE

2075 Words
Napangiti ng malawak si Leylah nang matapos siya sa kanyang paglilinis. Ang malinis na itsura ng silid ni Val ay mas lalo pang naging kaaya-aya. Vinaccum niya ang bawat sulok. Pinunasan niya ang bawat mahagip na mga gamit. Pinalitan niya ang mga beddings at kurtina sa mga bintana. Nilinis rin niya ang loob ng banyo. Chicken! Ang bilis niyang natapos. Ang ginawa niyang paglilinis ay tila mas madali pa kesa magbalat ng sibuyas. Ang yabang niya. Akma na sana siyang lalabas ng silid nang mapansin niya ang isang maliit na kulay pulang laruang kotse na nasa ibabaw ng bedside table. Tila may kung anong nagtulak sa kanya upang lumapit sa mesa at damputin ang laruan. It's so cute. Ang sukat ay kasya lamang sa palad niya. Sinuri niya iyong maigi. Medyo may kalumaan na at marami na ring gasgas. Marahil ay paboritong laruan iyon ni Val noong bata pa ito kung kaya't naroon pa iyon sa silid nito. Sadyang may mga bagay talaga sa buhay na mahirap pakawalan. Marahil ay malaki ang sentimental value ng laruang kotse na iyon sa binata. And speaking of kabataan ay dumako ang tingin niya sa photo frame kung saan napakalawak ng ngiti ng isang batang lalaki at isang ginang. Si Val marahil noong pito o walong taong gulang ito at kaakbay ang sarili nitong ina na napakaganda at napakaaliwalas ng mukha. Nasisiguro niyang ina nito ang babae dahil malaki ang pagkakahawig ng mga ito sa isa't-isa. Partikular na ng mga mata at ilong. Parang pinagbiyak na bunga. Walang dudang si Val ay female version ng ina. Kulay lamang marahil ang nakuha nito sa amang si Leandro. Nalaman niya mula sa mga kuwento ng mga kasambahay na maagang naulila mula sa ina si Val. Bata pa lamang ito ay dinapuan na ng matinding karamdaman ang ina nito. Si Olivia na Leukemia ang naging sanhi ng kamatayan. Dinampot niya sa mesa ang photo frame. Malungkot na hinimas iyon ng kanyang palad. Pareho lamang pala sila ng binata na maagang nawalan ng magulang. Pero mas masuwerte ito dahil kasama pa rin nito ang ama samantalang siya ay dalawa talaga ang kinuha at magkasabay pa nang mawala. Ilang taon ang lumipas ay pumanaw naman ang kanilang abuelo't abuela na siyang kumupkop sa kanila. Ang tanging natira lamang sa kanya ay ang kanyang ate Wena. Inimagine niya sa isipan ang childhood ni Val sa loob ng mansiyon kung kailan nangungilila ito sa pagmamahal at pag-aaruga ng ina habang si Leandro ay abala sa mga negosyo nito. Parang hinaplos ang kanyang puso sa awa. Marahil ay naging napakalungkot nito noong mga panahong iyon. "What are you doing?" Isang galit na tinig ang tila pumukaw mula sa paglalakbay ng isip ni Leylah. Nilingon niya ito. Nagulat siya nang makita si Val na nakatayo sa nakabukas na pintuan. Bumukas iyon ng hindi man lang niya namamalayan. Marahil ay dahil busy siya sa pagtingin sa litrato. Hindi niya agad nagawang sumagot. Nanatiling natingin lamang siya sa guwapong mukha ng binata. Lumapit ito sa kanya at tila batang inagaw sa magkabigla niyang kamay ang picture frame pati na ang laruang kotse. "Sinong may sabi sa'yo na malaya kang pumasok sa loob ng kuwarto ko at pakialaman ang mga gamit ko?" "Ah, kuwan kasi... Uhm... Pumasok ako kasi nag–" "May balak ka bang kunin rito? Bakit, hindi pa ba sapat na libre ang pagtira mo rito at nagbubuhay prinsesa kayo ng kapatid mo?" Awtomatikong sumigid ang galit sa dibdib ng dalaga nang marinig ang paratang ng kaharap. Iniisip ba nitong kaya siya naroon ay upang magnakaw? At anong sinasabi nitong nagbubuhay prinsesa sila? Well, hindi niya maitatanggi na nagbubuhay prinsesa nga ang kapatid niya. Pero siya ay hindi. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay. Kaya nga siya naroon sa loob ng silid nito ngayon dahil naglinis siya. "Nagkakamali ka. Wala akong balak kunin rito. Tinulungan ko lang si Ada. Ang dami kasi niyang ginagawa ngayon kaya nagmagandang loob ako na sa halip na siya ay ako na lamang ang maglinis nitong silid mo. Tingnan mo ang mga bedsheets sa kama mo. Pinalitan ko ang mga iyan," aniya na itinuro ang kama nito bilang patunay nga nagsasabi nga siya ng totoo. Sumunod naman ng tingin ang binata roon. "Pati ang mga kurtina." Itinuro rin niya ang mga kurtina sa bintana at pagkatapos ay ang mga panlinis na mga ginamit niya na nakalapag sa isang sulok. "Nag vaccum ako at nilinis ko ang banyo mo." Ilang sandali na natahimik si Val at ang galit na ekspresyon ay unti-unting nawala. Ngunit gumalaw ang panga nito senyales na hindi pa rin ito kumbinsido. "Pero bakit hawak mo ang mga ito?" Anitong itinaas ang frame at ang laruan. "Kung may intensiyon man akong magnakaw ay nunca kong maiisipan na kunin ang mga iyan. Anong mapapala ko sa lumang larawan at laruan? Buti sana kung pwedeng isangla ang mga iyan." "Paano ako makakasiguro na wala ka ngang kinuha sa mga gamit ko?" "Kung gusto mo ay kapkapan mo pa ako e," matapang niyang hamon rito. "Kung hindi ka pa rin kumbinsido ay sige, pumasok ka sa kuwarto ko at e-check mo kung may mga gamit ka roon na kinuha ko." Parang gusto niya ng sumabog sa matinding inis. Ang sakit sa pakiramdam na pinaparatangan ka ng isang bagay na hindi mo ginawa. At pagnanakaw pa talaga. "Maaaring hindi mo nga ako lubusang kilala dahil nakikitira lang ako rito pero taas noo kong sasabihin sa'yo na kahit lumaki ako sa hirap ay hindi ko gawain ang kumuha ng hindi sa akin." "Alright, fine. Whatever your reason are ay ayoko nang makipagtalo. Just get out in my room. Ayoko na ulit makita na pumapasok ka rito at lalo na ang mangialam ka sa mga gamit ko." "Pumasok lang naman ako rito para maglinis. Wala akong intensiyon na kumuha ng gamit. Natuwa lang ako doon sa laruan at picture frame kaya naabutan mong hawak ko. Tiningnan ko lang naman. Ano bang karumal dumal sa ginawa ko?" "Hindi nga karumal dumal but it's not appropriate na pakialaman mo lalo na at hindi mo ito bahay." Nailapat niya ang mga labi sa huling sinambit ni Val. Daig pa niya ang isinampal sa ipinamukha nito sa kanya na hindi niya iyon bahay kaya wala siyang karapatan roon. Wala siyang karapatang pumasok sa kung saang silid at humawak ng mga gamit dahil isa lamang siyang sampid. Bagama't may katotohanan ang sinabi nito ay nasaktan pa rin siya. "I'm sorry kung pumasok ako sa silid mo at hinawakan ko ang mga gamit mo. Hindi na mauulit, pangako 'yan," kalmado at may katigasan niyang wika rito saka tinalikuran na ito. Mabilis ang mga kilos na pinagdadampot niya ang mga gamit panglinis at lumabas na ng silid. ----- "O, Leylah, anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" Sa kusina ay nadatnan siya ni Ada na umiiyak. Syempre dahil sa sama ng loob ay nagsumbong siya rito. Ikinuwento niya rito ang naging engkuwentro nila ni Val sa silid nito. "Pagpasensiyahan mo na si sir Val. Medyo sensitive talaga siya pagdating sa mga gamit niya. Ayaw na ayaw niya na nakikitang pinapakialaman ng kahit sino. Sorry kung hindi ko nabanggit sa'yo ang bagay na iyon tungkol sa kanya. E hindi ko naman kasi eniexpect na uuwi siya ng maaga ngayon. Alas tres pa lang ng hapon samantalang dati rati naman ay madilim na siya kung umuwi." "Sa mga pinagsasasabi niya ay parang gusto ko na tuloy umalis rito. Dapat bukas ay simulan ko nang maghanap ng trabaho. Uupa na lang siguro ako ng apartment." "Ha? Ano, aalis ka rito?" Nabahala ang mukha ni Ada sa sinabi niya. "Hindi ka naman pinapalayas ni sir Val e. Malamang ay nagkataon lang na mainit ang ulo niya kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya nang madatnan ka sa loob ng kuwarto niya. Huwag mo ng intindihin iyong mga sinabi niya sa'yo. Huwag ka ng umalis, dito ka na lang. Masaya kami kapag nandito ka e. Saka namimiss ka namin." "Talaga? Mamimiss niyo ako?" Tila hinaplos ang puso niya sa narinig. "Oo. Kaya huwag ka ng magdrama diyan na aalis ka rito. Hangga't walang nagpapaalis sa'yo ay huwag kang umalis." "Okay, sige na nga. Hindi na lang." Gumaan na ang loob niya. Napangiti. "Ayan... Yehey!" Pumalakpak pa ito sa tuwa at niyapos siya ng mahigpit. Maya-maya ay nakarinig sila ng busina ng sasakyan. "Sina sir Leandro na siguro ang dumating. Sandali at sasalubungin ko. Baka may mga dala silang mabibigat." At lumabas si Ada upang salubungin ang mga bagong dating. Si Leylah ay naiwan at unti-unting tinuyo ang mga luha. "Ada, ipagtimpla mo nga ako ng kape–" Si Val na bigla na lamang sumulpot sa kusina at natigilan nang ang madatnan ay ang dalaga. "Nasaan si Ada?" Tanong nito. "Lumabas, sinalubong sina ate at Leandro sa may gate," sagot niya. "Di bale na lang." Tinungo nito ang coffee maker. Lumapit siya rito. "Hayaan mong ako na lang ang magtimpla para sa'yo." Sa Kabila ng mainit na engkuwentro nila kanina ay gusto niya pa ring pakitunguhan ito ng maayos. Mas makakabuting sundin niya na lamang ang sinabi ni Ada na kalimutan niya na lamang ang masasakit na mga salitang sinabi ni Val sa kanya. "No, I can manage." Asusual ay nagsusuplado na naman ito. "Sige na, ako na. I insist." "Brewed coffee ang gusto ko. Marunong ka bang gumawa?" Confident na tumango siya. "Marunong syempre." "Are you sure?" "Oo naman, para kape lang e." Tumingin muna ito sa kanya ng ilang sandali. Marahil ay pinag-isipan kung dapat ba siya nitong pagbigyan. Sa huli ay pumayag rin ito. "Okay, sige, mapilit ka e." Napangiti siya. "Hihintayin ko sa dining." "Okay, ihahatid ko right away." Noong nag-aaral si Leylah sa kanyang kursong food technology ay isa ang pagtitimpla ng iba't-ibang uri ng kape ang itinuro sa kanila. Kaya naman ipinamalas niya ang pinaka the best na timpla niya na sigurado siyang magugustuhan ni Val. Isang espresso ang tinimpla niya. A highly concentrated cofee na also known as a short black. Na bagama't mukhang simple lamang tingnan ay napakahirap e-master kung paano ang tamang timpla. Tinikman niya pa iyon para makasigurong hindi siya mapapahiya. "Kamusta ang lasa? Nagustuhan mo ba?" Excited na tanong niya sa binata sa unang lagok nito. Pero ang mukha nito ay hindi nagbago ang ekspresyon. Tila ang natikman ay ordinaryong kape lamang. "Okay lang. Thanks by the way." "You're welcome," hilaw na sagot na lamang niya. Hindi naitago ang dissappointment sa bale walang komento nito tungkol sa kapeng pinaghirapan niyang gawin. Marahil ay hindi ganoon kasarap ang nagawa niya. Pero imposible, nang tikman niya iyon kanina ay sobrang nasarapan siya. Naisip niyang marahil ay coffee lover si Val kaya sadya lamang na mataas ang standards nito pagdating sa lasa ng kape. Baka nga. "Hmm... I smell something good. Is that coffee?" Si Leandro na kararating lamang kasama ang asawa na magandang maganda sa suot na floral pink sleeveless maternity dress. "Gumawa ako ng espresso, gusto niyo ba?" Masayang alok niya sa mga ito. "Ako lang siguro. Bawal kay Wena ang kape e." "Sige, wait lang. Ikukuha kita sa kusina." Pagbalik niya ay nasasabik na ininom agad ni Leandro ang tasa ng espresso na iniabot niya rito. "Hmm... Ang sarap naman nito Leylah..." "Talaga ba?" "Hindi sa binobola kita ha, pero honestly ay ngayon lamang ako nakatikim ng ganito kasarap na kape sa buong buhay ko. It taste like heaven. Siguradong masuwerte ang lalaking mapapangasawa mo kung ganito kasarap na kape ang matitikman niya sa bawat araw," ngiting ngiti na komento ni Leandro. Napangiti rin siya. Ngiti ng tagumpay. Ngayon niya napatunayan na nagsisinungaling lamang si Val sa reaksiyon nito kanina nang natikman nito ang kape niya. Katulad ni Leandro ay malamang na nasarapan rin ito sa kape ngunit ayaw lamang ipaalam sa kanya. Marahil ay upang pasakitan siya. "Excuse me, maiwan ko na kayo. Umaatake na naman ang migraine ko. Magpapahinga na ako sa kuwarto ko," paalam ni Val sa kanila. Halatang umiiwas dahil nabisto niya ang kasinungalingan nito. Napangiting sinundan na lamang ng tingin ni Leylah ang pag-alis ng binata. Wala na marahil siyang lalaking kilala na kasing tigas at kasinglamig nito. Tila nachallenge tuloy siya. E kung gumawa kaya siya ng paraan upang lumambot ito? E kung gapangin niya kaya ito sa kama nito sa kalagitnaan ng gabi? Ang ngiti niya ay nauwi sa paghahikhik. Kung ano-anong kapilyahan ang pumapasok sa isipan niya. Kailan pa siya naging pervert?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD