Panay dribble lang ako habang nakatingin sa ring na nasa harapan ko. May iniisip kasi ako kaya ‘di ko magawa-gawang ma-shoot iyong bola dahil alam kong sasablay lang iyon. Nakakatamad pa naman kunin. Nasa court lang ako ng Hearth Academy. Dito na rin naman kami nagsi-stay simula noong mapadpad ako rito. ‘Di na nga ako nakakalabas kasi wala na rin naman rason para gawin ko iyon. Nandito naman din lahat ng kakailangin ko. Para na nga itong isang syudad na nakatago sa Pilipinas. May school, buildings, mall, groceries, bus at kung ano-ano pa na nakikita sa syudad, nandito na halos lahat. Madami rin kasing tao rito kaya hindi nakakapagtaka na ganito ang meron sa Hearth Academy. Sobrang lawak pa ng lupain na narito eh. Sabi sa akin nina mommy, isa raw ito sa nabili nina mama. Dito raw sana k

