Nagising si Leopon dahil sa kakaibang sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi niya mawaring kung bakit ganito na lang ang nangyayari sa kaniya. Parang hindi pa niya alam kung saan ba siya at kung bakit ganito na lang kabigat ang kaniyang pakiramdam. "Arggg!" Daing nito nang mapagtanto na nakakadena pala ang dalawang kamay niya. "Aish! Bakit ganito pa? Nakakangalay kaya ang nakataas parati ang kamay. Hindi ba uso na nasa baba lang?" Reklamo nito at pilit hinihila pababa ang kadenang nakaposas sa kamay niya. Pinipilit niya itong sirain pero naudlot iyon ng may taong pumasok sa madilim na kwartong kinalalagayan ng lalaki. Mabilis na nagpanggap na kakagising lang niya at walang balak na sirain ang posas para siya’y makalaya. "Gising na pala ang bisita ko." Malokong sabi ng lalak

