Posposan na ang training ng Bravo ngayon dahil bukas na ang pinakahihintay ng lahat habang ang Alpha naman ay nagtitipon sa mga oras na’to. Nag-iisip kung ano ba ang mangyayari kung may babaguhin bas a plano o kung ano pa man ang magagawa nila. "So, tuloy pa rin ang plano?" Seryosong tanong ni Jaime kay Era na panay lakad lang sa isang tabi habang pinapanuod nila ito. Hindi sumagot ang babae sa tanong ni Jaime bagkus tumigil lang ito at tumingin sa monitor na nasa harapan niya. Kanina pa talaga ‘di mapakali si Era lalo na't may napapansin siyang kakaiba sa mga kinikilos ni Leopon. Gusto man niyang sabihin kaso ayaw niyang ma-offend ang kasamahan niya lalo na ang tatay ng lalaki. "Hoy! Tumigil ka nga! Nakakahilo ka na promise!" Sabay hilot ni Allena sa sintido nito habang nakati

