Nakaupo lang ang Bravo sa mahabang lamesa na nasa cafeteria habang nakasubsob ang mga mukha nila. Walang pakialaman sa ibang estudyante na kaniya-kaniyang sulyap at tingin sa kanila na waring isa silang mga werido na tao na nag-i-exist sa skwelahan nila. Walang gana ang Bravo sapagkat pagod sila sa mga nangyayari sa kanila this past few days. Hinahayaan na ang bawat estudyante sa kung ano man ang isipin nila sa kanila. "Ano kaya ang problema nila?" "Kulang ata si Allen at Katana sa grupo nila. Hindi ko kasi sila nakita na kasama nila eh." "Diba, nag-away nga raw ang dalawa kaya hindi na nakakapagtaka na wala sila. Baka kasi pag nasa iisang lugar sila mas ma apektuhan kung anong meron sa grupo nila." "Pero diba, nanligaw si Allen kay Katana? Baka basted kaya ganiyan." “

