"Kuya? Lumabas ka na! 8 na kaya nang gabi! Bakit ang bagal-bagal mo ngayon? Bilisan mo kaya! Daig mo ang babae eh! Kuya! Lumabas ka nga riyan!" Sigaw ng kapatid ko sa pinto. Nakatingin lang ako sa pinto at nakatulalang nakatingin doon. Nagbalik ang diwa ko nang pwersahing buksan ito ng magaling kong kapatid. "Bakit mo sinira ang pinto ng kwarto ko?" Nakakunot na tanong ko. Masyado siyang atat para sirain ang pinto ko. Hindi ba siya makapaghintay man lang? "Sabi ni daddy sirain ko na raw baka kung anong ginawa mo. Baka nagbigti ka na eh," sagot naman niya agad na waring wala lang sa kaniya ang lahat ng ginaw niya. "Are you insane?" Gulat na tanong ko sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi sa akin. "Yes, at ikaw iyon! Ikaw ang baliw, kuya. Hindi ako. 1-week, kuya. 1-week

