"Hoy! Kanina ka pa tinatanong nina Tita Allena. Bakit tulala ka, ha? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Eksena ni Kraiven sa pag-i-emote ko. Sinamaan ko na lang ng tingin dahil for sure, kakantsawan lang ako ng kumag na ito kung sasabihin ko sa kaniya kung ano. Baka ma-umbagan ko pa. Marunong pa naman siya mang-inis. Madami na kasing natutunan kina Railor kasi sila lagi magkakasama lately. "Back to your senses, Allen! Importante ang pinag-uusapan natin dito! Pag ako nainis sa iyo bata ka, baka hindi na kita pasamahin sa importanteng pagpupulong na ito. Hindi namin kailangan ang presensya mo kung ganiyan ka lang namang humarap sa amin." Galit na sambit nang ina ko sa akin. Napaiwas lang ako ng tingin sabay yuko ko. Paano ba babalik sa senses ko kung ang taong may hawak ng puso ko a

