"Are they okay now?" "Many times, mo na ‘yang tinanong sa amin, Master Bley. Just relax." Natatawang saad ng isang nurse na katabi ko. "Sapak, gusto mo?" Inis kong tanong sa kaniya. At tinawanan na lang ako ng lahat. Mga walang hiya talaga. Palayasin ko kaya sila rito sa empire ko! Mabuti pa nga dahil tinatanong ko pa sila kung okay ba sila pero sila pa itong walang hiya na tinatawanan ako. Walang mga utang na loob! Pero joke lang naman. Masaya ako na makitang okay na kahit papaano ang iilan sa kanila. "Master Bley, sa left wing lang ang may malaking sira. Habang sa right naman ay kunti lang." Pagre-report nila sa akin. "How about the others?" Seryosong tanong ko. "Inilabas na po sa emergency room ang ilan, Master Bley. You can see them if you want," sabi naman ng i

