"Kyaaaahhh! Kana, ang ganda mo!" "Kana, welcome back!" "You are still beautiful, Kana. Be mine!" "Akin ka na lang!" Anak ka ng spatula oh! Bakit ang daming tao ngayon? "Pati ba naman dito?!" Inis na tanong ni Ane. Si Anestesia tinutukoy ko, ang taas naman din kasi ng kaniyang name kaya nakakatamad bigkasin. Para may tawag na rin ako sa kaniya na kakaiba. Nakakasawa rin kasing tawagin siyang Zaydee eh. "What do you expect? Tsk! Si Eunice na naman may pakana nito, for sure! Bakit ba kasi napapadpad dito ang mga student ng Engineering at iba pang colleges dito sa College of Business? Ang layo ng building nila sa amin. Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ko?" Kunot noo kong tinignan lahat ng estudyanteng nagwawala sa labas ng college namin. Bakit kasi alam nila

