"Mommy! Okay na nga ako!" Pagmamaktol ko. Namimilit kasi si mommy kahit ayaw ko sa gusto niyang mangyari para sa akin at sa safety ko. ‘Di ba siya makaintindi? Nakakainis talaga! Nagmumukha akong bata dahil sa sinasabi niya sa akin. Like, what? Bodyguard? Come on! Ano, ako? Anak ng isang president sa bansang ito? Tsk! Kainis! Bakit kasi ayaw niyang maniwala na I can handle myself despite sa fact na ganito ang nangyari sa mga mata ko. Nakakakita pa naman ako which is hindi nila alam. Hindi rin naman kasi halata. Kahit igalaw-galaw ko pa tingin ko ang nakikita nila ay nangangapa ako na waring naghahanap ng liwanag dahil sa matang meron na ako ngayon. "Tumahimik ka! Sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka aalis dito kung ‘di ka papayag na magdala ka ng bodyguard mo sa kung saan ka pupun

