1-week pagkatapos ng nangyaring labanan nina Era at Kana ay lahat ng tao sa Hearth Academy ay sobrang tahimik. Magsasalita lang kung importante ang pag-uusapan at kung hindi ay wala ng magsasalita pa. Hindi pa rin kasi sila makapaniwala sa nangyari. Kauna-unahang nangyari iyon sa buong stay o pag-aaral nila sa academy ang nangyaring labanan nina Kana at nina Era sa fighting ground. Apektado pa rin ang lahat sa mga nangyari, sa rebelasyong isiniwalat ni Casper sa mga oras na ‘yun. Ramdam pa rin nila ang sakit na naranasan ni Katana noon pero kinimkim na lang nila ito. Parang automatic na huwag na pag-usapan ang nangyari. Parang isang malaking kasalanan ang pag-usapan pa ang tungkol sa nangyaring labanan ng dalawa. Isang 'di makakalimutang laban sa fighting ground ng Hearth Academy na si

